00:00Matapos ipasa ng Kamara ang 200 pesos na dagdag sa minimum wage,
00:05nagbabalang ilang business groups sa posibleng epekto nito,
00:08lalo na sa mga maliliit na negosyo.
00:10Sabi ng Malacanang, titimangin ng Pangulo ang posibleng epekto sa ekonomiya
00:14ng panukalang wage hike.
00:17May report JP Soriano.
00:21Pag-asa ang hatid ng paglusot sa Kamara ng House Bill 11376
00:26o panukalang 200 pesos daily wage increase para sa mga minimum wage earner
00:31sa pribadong sektor para kina Jerry at Ivan.
00:35Parehong nagtatrabaho pero nagigipit pa rin sa budget.
00:38Sana matuloy na para at least kahit pa paano malaking bagay sa amin yung manggagawa.
00:43Anything na additional is good para sa mga katulad namin.
00:48Mas mataas ang naipasang panukalan ng Kamara
00:51kumpara sa naunang naaprobahan ng Senado na 100 pesos wage hike.
00:56Kailangang pag-isahin ang versyon ng Kamara at Senado
00:59sa Bicameral Conference Committee.
01:01Pero mas mabilis kung i-adapt na lang ng isa
01:03ang kabilang panukala para diretsyong mapalagdaan
01:07kay Pangulong Bongbong Marcos.
01:08May alinlangan dito si Sen. Joel Villanueva,
01:11ang Chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resource Development.
01:16Parang ang tingin natin, pag nangyari yan, diretsyong veto.
01:20So yun yung kailangan din nating pagtuunin ng pansin
01:24kung i-adapt natin yan.
01:26For us, we still believe na yung 100 is most convenient and practical.
01:33Ang Malacanang, titignan daw muna kung ano ang magiging epekto nito
01:37sa ekonomiya ng bansa.
01:39Nais po ng Pangulo na maibigay kung ano po ang makakabuti
01:42sa mga manggagawang Pilipino.
01:45Titignan ng lahat ng aspeto at ang concerns ng lahat ng stakeholders.
01:50Nag-aalala rin ang ilang business groups tulad ng Philippine Chamber of Commerce and Industry o PCCI.
01:57Anila ang wage hike ay magdudulot ng mas mataas na labor cost
02:01na magre-resulta ng pagtaas ng presyo at inflation.
02:04Ganyan din ang tingin ng Makati Business Club,
02:07bagamat di raw sila tutol sa omento sa sahod.
02:10Naniniwala silang ang regional wage boards ang dapat tumalakay tungkol dito.
02:14Sabi ng Employers' Confederation of the Philippines,
02:18ang mga maliliit na negosyo na may sampu at mas kaunti pang manggagawa
02:22ang pinaka maapektuhan.
02:24E yung micro, e kumisa pa sweldo lang ding guling ko,
02:29umanti, paayakan pa.
02:31Kahit sa tukayan, nung Christmas magbibigay ng mandatory bonus,
02:36marami na may problema, hindi makapagbigay.
02:39Tataasan mo ng ganun kalaki.
02:41Ngayon pa lang, nag-iisip na ng paraan ang maliliit na negosyante.
02:45Wala na tayo magagawa.
02:46Pipilitin natin magdagdag tayo ng sales.
02:53Kung hindi, magkukha tayo ng ibang items.
02:56Para naman sa National Wage Coalition na binubuo ng ilang labor groups,
03:00makasaysayan ang paglusot ng panukala sa Kamara.
03:04Sakali kasing mais sa batas,
03:06ito ang unang legislated wage increase sa loob ng 36 na taon.
03:10Ayon sa datos ng National Wages and Productivity Commission
03:13na kinalap ng GMA Integrated News Research.
03:17Ito rin ang magiging pinakamalaking dagdag sahod sa nakaraang 6 na administrasyon.
03:22JP Soriano, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:27Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
03:30Magsubscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
03:40GrandJack, hon.
03:44Magns Tianan Gorong
03:45Magna Integrated News.
03:46Mooli.
03:47Magnaあ encamin at the core of the system share naturale,
03:48Magnaierte News Anchor치를AY.
03:50Magnadogation instances je sa t*** sa ngutica mohebilebilebilebilebilebilebilebilebilebilebilebilebilebilebilebilebilebilebilebilebilebilebilebilebilectus.
03:52Magna unmute at s**me am by senari and Diamond aka firent attack sa nitpast.
03:54Magna 2024.
03:54Magna Belgounhoro newboacer .
Comments