00:00To be continued...
00:30Nagbibigay ng libring anti-retroviral drugs ang pamahalaan para sa mga nagpo-positibo sa HIV.
00:37Dagdag pa ni Herbosa, walang dapat ikatakot ang publiko kung makatatanggap naman agad ng agarang treatment.
00:45Hindi na po death sentence ang HIV sa panahon ngayon.
00:49Kailangan lang po kumunsulta para magpa-test at screening maintenance.
00:54Maintenance lang ang kailangan po. Katapat niyan, para lang na siyang high blood or diabetes na.
01:00Bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mapalawak pa ang paggamit ng internet sa buong bansa,
01:10lalo na sa mga liblib na lugar, inalunsad ang Department of Information and Communications Technology,
01:16ang Bayanihan SIM Project, kung saan target ang mga guro at mga estudyante.
01:21Ayon kay DICT Undersecretary Paul Joseph Mercado, layon lang nito na maparami ang itatayong tower sa iba't ibang lugar,
01:30lalo na sa mga liblib na lugar.
01:32Nasa isang milyong libreng SIM card ang ipapamahagi ng DICT sa mga guro at estudyante na nasa geographically isolated and disadvantaged areas.
01:43Nakipag-ugnayan na rin ang DICT sa DEPDEP upang maipatupada ang tatlong taong proyekto.
01:48At yan ang mga balita sa oras na ito.
01:53Para sa iba pang-update, i-follow at i-like kami sa aming social media sites at PTVPH.
01:58Ako po si Naomi Timurcio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.