00:00Sugata naman ang dalawang magkaibigan matapos tamaan ang sanga ng nabuwal na puno sa Mangaldan dito sa Pangasinan.
00:06Kwento ng mga biktima, dumaan lang sila sa simbahan bago pumasok sa trabaho.
00:11Paglabas nila sa gate ng simbahan, bigla na lamang nabuwal ang puno ng akasya.
00:16Nakatakbo sila kaya't hindi nadaganan, pero natamaan sila ng mga sanga nito.
00:21Nagtamu sila ng mga sugat sa noo at siko.
00:23Damay rin sa insidente ang isang waiting shed, streetlight at ang bubong ng isang tricycle na nakasilong sa ilalim ng puno roon.
00:32Ayon sa Mangaldan MD-RRMO, posibleng nabubulok na ang ugat ng puno dahil sa katandaan nito.
00:39Natanggal na ang nabuwal na puno.
00:53Outro
Comments