00:00Bawal po yung ginawa ng batang nakasabit sa isang umaandar na tricycle sa National Highway ng Buluan, Maguindanao del Sur.
00:10Sa loob ng tricycle, kitang puno ito ng mga sakay.
00:13Ayon sa ilang residente, matagal na itong ginagawa ng mga estudyante kahit delikado.
00:19Sabay-sabay raw kasi ang uwian nila kaya sumasabit na lang ang ilan kapag puno na ang tricycle.
00:25Matagal na pong ipinagbabawal ng Land Transportation Office ang pagsakay ng pasahero ng higit sa kapasidad ng tricycle.
00:32Ayon sa Department of the Interior and Local Government, bawal din ang pagdaan ng mga tricycle sa mga National Highway,
00:37maliba na lang kung walang alternatibong ruta o may exemption ng lokal na pamahalaan.
Comments