00:00Alamin naman natin ang mga kaganapan sa mundo ng international sports scene
00:03sa report ni teammate Justin Ilano.
00:09Napilitang mag-retire ang two-time major tennis champion na si Coco Gaff
00:13sa kanyang third round match na tennis star na si Alex Yala
00:16sa Indian Wells noong linggo.
00:19Ayon kay Gaff, nakaramdam siya ng matinding sakit sa kanyang kaliwang braso
00:23na naging dahilan upang hindi na niya matapos ang naturang laban.
00:27Ito pa lamang ang ikalawang beses sa profesional na karera ni Gaff
00:31na nag-retire siya sa isang match.
00:34Sa kabila sa tibo ang Amerikanang tennis star na makakabalik siya sa aksyon
00:38sa paparating na Miami tournament, depende sa resulta ng mga medikal na pagsusuri.
00:44Dahil sa umusad sa round of 16 ang Filipino tennis player na si Alex Yala.
00:49Pinaniwalaan naman ng mga doktor na posibleng nerve-related ang nararamdamang sakit ni Gaff
00:54at hindi ito inaasahang magiging pang matagalan.
00:57Nakatutok ngayon si Gaff sa mabilis na paggaling
01:00habang sinisikap na matukoy ang sanhin ng sakit
01:02upang maiwasan ito sa mga susunod na torneo
01:05habang naghahanda para sa ikalawang bahagi ng Sunshine Double Series.
01:12Umatras ang US Olympic champion na si Eliza Liu
01:15sa nalalapit na World Figure Skating Championships
01:18ayon sa kanyang pahayag sa social media noong linggo.
01:21Ang 20-year-old na si Liu ay ang kauna-unahang Amerikanang babaeng figure skater
01:25mula noong 2002 na nakasungkit ng Olympic gold sa women's singles
01:30matapos magtagumpay sa katatapos lamang ng Milano Cortina Games.
01:34Nakataktang ganapin ang World Figure Skating Championship sa Prague
01:38mula March 24 hanggang 29.
01:40Inaasahan saan ang idedepensa ni Liu ang kanyang corona
01:43matapos niyang masungkit ang world title noong 2025 sa Boston
01:47na naging kauna-unahang panalo ng isang Amerikana sa torneo
01:51mula pa noong 2006.
01:56Muling naagaw ng Uganda's long-distance runner na si Jacob Kaplimo
02:00ang World Half Marathon record matapos magtagumpay sa Lisbon Half Marathon
02:05na ginanap noong linggo.
02:06Nagtala ang 25-year-old athlete ng oras na 57 minutes at 20 seconds
02:12upang maungusan ang dating world record na naitala
02:15ni Ethiopias Yumif Kajalcha na 57 minutes at 30 seconds
02:19sa Valencia noong 2024.
02:22Dating hawak ni Kaplimo ang record matapos niyang itala
02:25ang 57 minutes at 31 seconds sa parehong Lisbon course noong 2021.
02:30Ang 3-time World Cross Country Champion ay mas mabilis na oras
02:34na 56 minutes at 42 seconds sa Barcelona noong nakaraang taon.
02:39Ngunit hindi ito pinagtibay ng World Athletics
02:42dahil sa illegal pacing assistance.
02:44Justine Ilano para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments