00:00Sa ikatlong sunod na taon, nagpatuloy ang dominasyon ng Western Visayas sa larangan na athletics
00:05sa katatapos lamang na Palarong Pambansa at 2025 sa Ilocos Norte.
00:11Pero ano nga ba ang sikreto ng Region 6 na hindi lamang humahakot ng medalya kundi bumabasag pa ng mga record?
00:18Yan ang malalaman natin sa ulat ni teammate Dario Loclares.
00:21Pinatunayan ng Region 6 Western Visayas na sila ang home of the champions sa Palarong Pambansa
00:30dahil sa patuloy na tagumpay ng kanilang mga student-athletes sa iba't ibang mga sport.
00:35Tulad na lamang sa larangan ng athletics kung saan maraming Western Visayas athletes
00:41ang nakakuha ng gold medal at nakapagtalapa ng bagong record.
00:45Sa kabuan, nakakuha ang Western Visayas ng 7 gold, 4 silver at 2 bronze medals para sa elementary level
00:54samantalang 4 gold, 5 silver at 8 bronze medals naman sa secondary.
01:00Kapilang dito si Mico Villarán na nakapagbulsa ng dalawang ginto sa secondary level
01:06at gumawa pa ng dalawang record para sa 110 meter hurdles at 400 meter hurdles.
01:12Sa discus throw sa unang araw ng athletics competition, gumawa rin ng kasaysayan si Josh Gabriel Salcedo
01:19na nakapagtala ng new meet record na 45.52 meters.
01:24Sa elementary level, naging inspirasyon ang barefoot runners mula sa Western Visayas
01:30na sinatrixian Arellano at Edame Arceo.
01:33Si Arellano nakapagbulsa ng tatlong gold medal na kinabibilangan ng 100 meter dash, 4x100 meter relay
01:42at ang kanyang record breaking performance sa 200 meter run.
01:46Tatlong ginto rin ang may uuwi ni Arceo mula sa palaro na galing sa 100 meter hurdles, 400 meter hurdles at 4x100 meter relay.
01:57Sa naging panayam ng PTV Sports sa isa sa mga coaches ng Western Visayas na si Leon Tia Saiko,
02:04ibinahagi niya kung ano ang kanilang sikreto kung bakit magandang performance
02:08ang ipinapakita ng kanilang mga track and field student athletes.
02:13In-expect namin kasi pinagtatrabahuan talaga namin na maabot namin yung nakuha naming medals ngayon.
02:20Siguro teamwork sa athletes at sa coaches and trainers po.
02:24Ayun, training namin dalawang beses sa isang araw.
02:27Sa umaga, mula alas 6 ng umaga, gigising sila ng 5 o'clock, 6 o'clock magsa-start na yung training namin hanggang 7.30 or hanggang 8.30
02:38and then papasok sila sa school.
02:42After that, sa hapon na naman, 3 o'clock ng hapon po.
02:46May mensahe rin si Coach Tia Saiko sa kanyang mga manalaro na pinagsasabay ang pag-aaral at pagiging isang atleta.
02:54Sana hindi sila magbago, sana yung mga itinuro namin sa kanila.
03:00Kasi lagi namin sinasabi na yung bilang isang atleta,
03:04hindi lang po, pagtakbo, pagtalon o pag-throw ang aming tinuturo sa kanila.
03:15So tinuturoan din namin sila ng mga nag-asal, pagiging disiplinado, saka independent po.
03:20At tunay ang ipinakitang galing ng Western Visayas na maraming mga talentadong atleta sa iba't ibang sulok ng bansa.
03:29Kinakailangan lamang nila ng suporta para maabot nila ang kanilang pangarap na makalaban sa mga prestiyosong kompetisyon tulad na lamang ng palarong pambansa.
03:39Darilo Clarice para sa atletang Pilipino para sa Bagong Pilipinas.