00:00Nagpasalamat ang Kuwaiti government sa Pilipinas dahil sa mga overseas Filipino workers na nagtatrabaho sa kanilang bansa.
00:07Itong inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga kagawad ng media matapos ang pakikipagpulong
00:12kay Crown Prince Sheikh Saba Khaled Al-Hamad Al-Saba sa sidelines ng 46th ASEAN Summit sa Malaysia.
00:19Ito'y sa kabila ng desisyon ng Department of Migrant Workers na ipatigil muna ang pagpapadala ng mga OFW sa Kuwait
00:26dahil sa pagkamatay ng ilang Pilipino roon.
00:28Sa ngayon ay bawal munang magtrabaho sa Kuwait ang mga first-time domestic helper.
00:32Bukod sa Kuwait, nakausap din ng Pangulo ang ilang leader ng LAO sa Thailand, Vietnam at Cambodia.