00:00Inihayag ng Komisyon sa Wikang Filipino na abot sa 40 wika sa bansa,
00:04ang nanganganib na mawala dahil sa hindi na ito nagagamit
00:08ayon kay KWF Commissioner Dr. Benjamin Mendelio Jr.
00:12Malaking hamon para sa Komisyon na mapalakas ang pagbalangkas sa mga pabakarampang wika
00:17upang isagawa ang mga programa na magpapalakas sa mga katutubong wika.
00:21Dapat manindigan ang Komisyon na itindig ang halaga ng Mother Tongue-based Multilingual Education
00:31upang tugunan ang revitalisasyon ng mga katutubong wika na ipapasa sa susunod na salinlahi.
00:40Sa ganitong paraan, maisasalban natin ang mga nanganganib na wika sa Pilipinas.
00:45Ipagmalaki po natin ang ating wika dahil ito'y simbolo ng ating pagiging Pilipino.
00:53Higit sa lahat, ang wika ay hindi lang dapat sinasalita.
00:58Ito rin ay nahikita sa gawa.
01:00At para sa ating mga Pilipino, lalo na ngayong katatapos lamang ng mga nagdaang bagyo,
01:07ang wika para sa atin ay wika ng pagmamalasakit sa kapwa.