Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Iginiit ni Pangulong Bongbong Marcos ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea
00:04sa iba't ibang summit ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN sa Kuala Lumpur, Malaysia.
00:12Balitang hatid ni Maris Umali.
00:16Sa unang dalawang araw ng ASEAN Summit sa Kuala Lumpur, Malaysia,
00:20dalawang beses nabanggit ni Pangulong Bongbong Marcos
00:23ang tungkol sa tangkang pagtatayo ng Nature Reserve sa Baho de Masinlok sa West Philippine Sea.
00:29Una, noong ASEAN U.S. Summit kung saan kasama si U.S. President Donald Trump.
00:34Geet ng Pangulo, ang tangkang pagtatayo ng Nature Reserve ay paglabag sa soberanya ng Pilipinas.
00:40Paglabag din daw ito sa traditional fishing rights ng mga Pilipino na ginagarantisa ng international law.
00:47Ang ikalawa ay sa East Asia Summit kung saan naroon naman si Chinese Premier Li Chang.
00:52Tinukoy ng Pangulo ang anyay kapitbahay sa norte na nagdeklara ng National Nature Reserve sa Baho de Masinlok.
00:58Isinulong din ni Pangulong Marcos ang pagkakaroon ng Code of Conduct sa South China Sea.
01:03Nabanggit din ang Pangulo sa East Asia Summit ang mga insidente sa West Philippine Sea
01:08kung saan nalagayan niya sa piligro ang mga Pilipino maging mga barko at aircraft ng Pilipinas.
01:14Ayon naman sa Chinese Foreign Ministry, ang pag-uodyokan nila ng mga Pilipino ang pinagmumula ng tensyon.
01:20Sa kanya namang opening speech, sinabi ni ASEAN Chairman at Malaysian Prime Minister Anwar bin Ibrahim
01:25na ang anumang issue sa South China Sea na is daw nilang maresolba sa loob din ng ASEAN.
01:30Sa sidelines ng 47th ASEAN Summit and related summits,
01:34nakipagpulong din si Pangulong Marcos kay United Nations Secretary General Antonio Guterres
01:39at Vietnamese Prime Minister Paming Ching.
01:42Sa kanyang pulong kay Guterres, tinalakay nilang kooperasyon, pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan,
01:48pag-unlad ng ekonomiya at pagkitiyak ng katarungan sa lipunan.
01:52Patuloy rin daw isusunong ng Pilipinas ang climate action.
01:56Sa kanyang bilateral meeting naman kay Prime Minister Paming Ching,
01:59nagkasundo ang dalawang leader na palakasin pa ang ugnayan ng Pilipinas at Vietnam
02:03sa larangan ng ekonomiya, siguridad at pagpapatatag ng bilateral strategic partnership.
02:09Nagpasalamat din si Pangulong Marcos sa patuloy na tulong ng Vietnam sa Pilipinas
02:13sa panahon ng tagtuyot at kakulangan sa supply ng bigas.
02:17Sa ikalabin limang ASEAN-UN Summit naman kagabi,
02:19nanawagan ang Pangulo sa mga kasabi ng ASEAN at United Nations
02:23na itaguyod ang isang agenda ng pag-unlad na walang may iiwan at nagbibigay dangal sa lahat.
02:28Sa kanyang intervention speech, sinabi ni Pangulong Marcos
02:32na ang tunay na sukatan ng pagkakaisa ng ASEAN at UN
02:35ay hindi lamang nasusukat sa mga salita,
02:38kundi sa aktual na pag-unlad na nararamdaman ng mga mamamayan.
02:41Binigyan din ang Pangulo na upang maisakatuparan nito,
02:44kailangan ng mas matatag na koordinasyon at mga makabagong hakbang
02:47tulad ng digital public infrastructure,
02:50tamang paggamit ng artificial intelligence,
02:52at pagpapaunlad ng green technologies.
02:55Nagpasalamat din siya sa suporta ng ASEAN sa kandidatura ng Pilipinas
02:58bilang non-permanent member ng UN Security Council
03:02para sa taong 2027 to 2028.
03:05Ibinida rin ni Pangulong Marcos ang pagpapatibay ng Pilipinas
03:08sa Agreement on Marine Biological Diversity of Areas Beyond National Jurisdiction,
03:13na nagpapakita ng pangako ng bansa
03:15na pangalagaan ang karagatan at pairali ng batas dagat
03:19sa ilalim ng 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea o Unclause.
03:23Sa kanya namang intervention speech sa mga kasaping bansa
03:26ng Regional Comprehensive Economic Partnership o RCEP
03:29na siyang pinakamalaking kasunduan sa malayang kalakalan o free trade sa buong mundo,
03:34nanawagan si Pangulong Marcos na paigtingin ang ugnayan
03:37upang mapalakas ang inklusibo, sustainable, at matatag na pagunlad sa rehyon
03:42sa gitna ng mga hamon sa pandaigdigang ekonomiya.
03:45Hinimok ng Pangulo ang mga kasaping bansa
03:47na pabilisin ang proseso ng aksesyon at paglawak ng RCEP
03:51upang higit na mapalalim ang integration sa rehyon,
03:54mapatatag ang mga supply chain,
03:56at mapalakas ang sentral na papel ng ASEAN
03:58sa paghubog ng kinabukasan ng ekonomiya sa Asia.
04:01Mahalaga raw na matutukan din ang RCEP ang mga bago sektor
04:04tulad ng digital trade, creative economy, green transition, at innovation.
04:10Mariz Umali, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:15Kasunod po ang pahayag ni Pangulong Marcos kaugnay
04:18sa mga insidente sa West Philippine Sea,
04:20muling isinisih ng Chinese Foreign Ministry sa Pilipinas ang tensyon.
04:24Sabi ni Minister Guo Jack-kun,
04:27handa raw sila makipag-dialogo at kumonsulta sa Pilipinas kaugnay rito.
04:32Dapat daw ay ASEAN at China ang parehong nagsusulong
04:35ng kapayapaan at kaayusan sa South China Sea.
Comments

Recommended