00:00Ito ang GMA Regional TV News.
00:06Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
00:10Nanalasa ang isang buhawi sa Santa Maria, Ilocosur.
00:14Chris, may mga napinsala ba?
00:19Tony, 46 na bahay ang nasira ng buhawi sa 6 na barangay.
00:24Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, 15 bahay ang lubusang nawasak.
00:31May mga naputol o natumba rin na puno at linya ng kuryente.
00:35Mabuti at wala namang nasugatan sa insidente.
00:38Namigay naman ng ayuda ang lokal na pamahalaan sa mga naapektuhan ng buhawi.