Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Narito ang mga nangungunang balita ngayong May 23, 2025

DSWD, nagsasagawa ng reach out operations sa Quezon City

5 toneladang carrot, itinapon o ipinamimigay ng mga magsasaka mula Benguet dahil daw sa oversupply | Oversupply sa carrots, 'di ramdam sa presyo sa Trabajo Market

P1,200 minimum wage sa buong bansa, panawagan ng labor group

Proseso para sa impeachment trial ni VP Sara Duterte, gugulong na sa Hunyo | Sen. Nancy Binay: Makakaapekto sa impeachment trial ang komposisyon ng susunod na Kongreso | House Impeachment Prosecution Panel, balik na ang lingguhang pulong; hindi pa kasama sina De Lima at Diokno

PBBM, iniutos na mag-courtesy resignation ang mga miyembro ng kaniyang Gabinete | PBBM, susuriin ang performance ng bawat ahensiya at kung nagkaroon ng katiwalian | Mga business group, umaasang mananatili sa puwesto ang anila'y mga kalihim na nagampanan ang trabaho | Department of Economy, Planning, and Development na dating NEDA, itinatag para sa mas mabilis at mas ramdam na ginagawa ng pamahalaan

BRP Datu Sanday, ginitgit at binomba ng tubig ng 2 barko ng China Coast Guard sa Sandy Cay 2 | PCG at BFAR: Pambobomba ng tubig sa BRP Datu Sanday, unang water cannon incident ng Pilipinas at China sa Pag-asa Island | China Coast Guard, iginiit na ilegal na pumasok ang Pilipinas sa Sandy Cay 2 at nagsagawa lang sila ng control measures | Karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea, Inaasahang tatalakayin sa 46th ASEAN Summit

AU Chiefsquad, nag-champion sa NCAA Season 100 Cheerleading Competition; nakamit ang 6-peat
Freediving moment, shinare ni Mikee Quintos

Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).

For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

📺
TV
Transcript
00:00We have a reach-out operation on DSWD in Casa City.
00:17We have a live news from James Agustin.
00:20James!
00:21James Agustin.
00:51Kinausap sila ng personal ng Sekretary Gatchalian para mapakiusapan na sumama.
00:55Mula naman rito, idadalhin sila sa processing facility ng DSWD para mabigyan ng tulong at maiproseso.
01:01At ngayong umaga po ay kasama natin si DSWD Sekretary Rex Gatchalian para bigyan pa po tayo ng karagdagan detalye kaugnay po dito sa programa na ito.
01:09Sec, good morning po. Welcome po sa Unang Balita.
01:11Magandang umaga. Magandang umaga sa lahat ng nanonood at nakikinig sa inyong programa. Thank you for having me.
01:16We have seen, Sekretary po, yung mga pamilya na nasa gilid ng kalsada po.
01:21Gano'ng ka-importante po na nasasagip sila ng DSWD sa reach-out operation?
01:25Nabanggit nyo kanina, araw-araw po pala ito ginagawa ng ahensya.
01:27Tama. Simula 2023, nung sumali ako sa Departamento, isa sa mandato ng ating mahal na Pangulo, ay masigurado na walang pamilyang Pilipino na naiiwan.
01:36Lahat dapat nakaka-natutulungan ng DSWD. At primary dyan yung mga pamilyang nasa lansangan.
01:42Kasi sabi ko nga kung may mahirap na pamilyang Pilipino, sila na siguro yung pinakamahirap na pamilyang Pilipino.
01:47So itong reach-out operation, araw-araw ito ginagawa mula 2023, 24-7, tatlong beses sa isang araw, mahigit sa isang daan na social workers natin na nag-iikot sa buong Metro Manila
01:57para mag-reach-out, kumbinsihin ang mga pamilyang nakatira sa lansangan na sumama sa amin para mailagay muna namin sa temporary shelter natin.
02:06May karagdagan tanong lamang po si Igan mula sa studio. Sekretary Igan?
02:11Sekretary Rex Gachalia, magandang umaga po.
02:17Igan, magandang umaga, magandang umaga rin sa lahat ng nanonood at nakikinig sa inyong programa. Thank you for having me.
02:23Yung biglaan po ba itong pagpapasabi ng courtesy resignation? O kayo ba may kutub na o idea na ito'y gagawin ng Pangulo?
02:36Igan, wala akong idea personally. At ako, nalaman ko na rin lang kahapon. Kaya agad-agad tayong sumunod.
02:43At para mabigyan laya ang ating Pangulo na ma-re-calibrate ang kanyang team sa darating na second half ng kanyang termino.
02:50Isa kayo sa mga unang nagsubmit ng courtesy resignation, hindi ko ba maapektuhan yung trabaho o mga ikangay mapipilay yung operasyon at mga programa ng DSWD?
03:02Una, Igan, gusto kong i-assure ang taong bayan na kahit na nag-file ako ng courtesy resignation,
03:12ang instruction sa atin ng ating Pangulo e dapat ang mga services tuloy-tuloy at walang maantala.
03:17So habang nag-aantay ako ng pasya ng ating Pangulo hinggil sa aking courtesy resignation,
03:23araw-araw pumapasok pa rin tayo sa opisina, business as usual in the sense na walang servisyo na dapat matigil.
03:30Katulad na itong off-line pag-abot natin, mainstay program namin ito, hindi naman ito special na programa.
03:35Sumama ako ngayong umaga para ma-monitor yung progress na itong programa na ito.
03:40Opo. Eh, ihabol na rin po namin yung hinihingin tulong ng DSWD sa mga binaha sa Mindanao.
03:46Meron ba kay mensahe sa kanila at sa mga lugar na hindi pa nararating ng DSWD?
03:53Igan, sa lahat ng mga kababayan natin na nakikinig, nanonood sa programa na ito,
03:58kung kayo ay nangangailangan ng anumang klaseng tulong, tulong medical, tulong para sa burial assistance,
04:06para makauwi sa inyong mga probinsya,
04:08huwag ho kayong mag-aatubiling pumunta sa kahit saan namin na DSWD offices namin.
04:14Nakabukas yan para sa inyo, yan ang instruction ng ating Pangulo.
04:17Ang DSWD, walang pinipili. Basta may pangangailangan, pumunta kayo sa aming tanggapan, matutulungan kayo.
04:22At Igan, gusto ko rin i-report sa ating mga nanonood na itong offline pag-abot,
04:27mula nagsimula ito, nakatala tayo ng 10,000 pamilya na nakatira sa mga lansangan.
04:32Kalahati niyan, all mga 5,000 na ang sumama ng kusang loob sa DSWD.
04:37Na ibalik namin sila sa kanila mga komunidad na bigyan ng panibagong pangsimula.
04:41Yung kalahating 5,000, tuloy-tuloy pa rin ang aming pagkumbinsi para mailisan sila mula sa mga lansangan.
04:47Maraming salamat, DSWD Sekretary Rex Gatchalian at James Agustin. Ingat po.
04:59Inatapo na lang daw na mga magsasakampananim nilang karot dahil sa dami nito.
05:04Sa kita ng oversupply, naka-apekto na kaya yan sa presyo ng karots.
05:08Live mo lang sa Maynila, may unang balita si Jomer Apresto. Jomer, magkano?
05:12Igan, good morning. Narito ko sa Trabaho Market sa Sampaloc, Maynila,
05:20kung saan sinasabi ng ilang tindera na hindi gumagalaw ang presyo ng gulay dito sa nakalipas na tatlong linggo.
05:27Yan ay kahit oversupply na umano ang karot sa benggit at ipinamimigay nilang ito roon o di kaya itinatapo na lang.
05:33Narito ang aking report.
05:345 toneladang karots ang itinapon lang na magsasakang si Invenor Pacquia sa benggit.
05:42Hindi niya na umano kasi mapakinabangan ng mga ito kahit ibinagsak presyo niya sa 3 piso ang kada kilo ng karots doon.
05:49Pero sa kabila niyan, hindi pa ramdam ang pagbaba ng presyo ng karots,
05:54particular dito sa Trabaho Market sa Sampaloc, Maynila.
05:57Nasa 80 pesos pa ang bentahan ng kada kilo nito at hindi yan gumalaw sa nakalipas na tatlong linggo.
06:04Lilinisan pa namin siya.
06:06Ang puhunan po namin yan, 60 yung magandang maganda na.
06:11Ayon sa mga nagtitinda ng gulay rito, karamihan sa kanila ay humahangu lang sa malintawak public market.
06:17Nakadepende raw sa puhunan at sa logistics sa magiging presyo nito sa kanilang palengke.
06:22Kinukobra pa po namin tapos papapasayan dito kahit pa paano, mag-ano kami kahit kunti po.
06:28May possibility rin po na bababa po siya.
06:31Dahil dyan, hindi pa rin gaanong mabenta dito sa ngayon ng mga karots.
06:36Problema nga ng ilang nagtitinda ng gulay rito ay nasa dalawa hanggang tatlong araw lang nangingitim na ang kanilang mga karots.
06:43Katulad na lamang na mga ito na reject na umano kung tawagin at ibinibenta sa halagang 50 pesos ang kilo.
06:49Bukod sa karots, hindi rin gumagalaw ang presyo ng iba pang gulay rito.
06:53Tulad na lang ng kamatis, sili at pechay bagyo na mabibili sa 60 pesos ang kilo.
06:59Nasa 80 pesos naman ang kada kilo ng talong, ampalaya at patatas.
07:03Nasa 100 pesos naman ang kilo ng puting sibuyas at 120 pesos ang pula.
07:09Habang nasa 150 pesos naman ang imported na bawang.
07:12Wala rin pagalaw ang presyo ng mga karne tulad ng manok na nasa 220 pesos ang kilo.
07:17410 pesos naman ang kasim ng baboy at nasa 480 pesos ang liyempo.
07:23Igan, bagamat ipinakita na natin ng presyo ng ilang pangunahing bilihin dito sa trabaho market,
07:32may posibilidad na iba pa rin ang presyo niyan sa ibang pamilihan.
07:35Kaya para makakuha ng ideya, kaugnay sa presyo ng mga bilihin sa inyong lugar,
07:39pwedeng gawing batayan ang price monitoring ng Department of Agriculture na makikita online.
07:45At yan ang unang balita mula dito sa Maynila.
07:48Ako po si Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
07:51Nanawaga na isang labor group na itaas sa 1,200 pesos ang minimum wage sa buong bansa.
07:59Nagkilos protesta ang grupong Unity for Wage Increase Now sa tapatang tanggapan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa Pasay.
08:07Hindi raw sapat ang sahod para sa pantustos sa mga pangangailangan.
08:10Kasabay niyan ay naghahain ang iba't ibang labor group at union ng petisyon para sa dagdag sahod.
08:16Sinusubukan pa namin kuna ng pahayag ang wage board kaugnay rito.
08:20Sa kasalukuyan, pinakamataas ang minimum wage sa National Capital Region na 608 pesos hanggang 645 pesos kada mga.
08:28Kada linggo na ulit nagkupulong ang House Prosecution Panel ngayong 19th Congress bilang paghahanda sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
08:39Sa Hunyo, gugulong ang proseso ng impeachment trial batay sa sulat ni Senate President Chief Escudero kay House Speaker Martin Romualdez.
08:47May unang balita si Mav Gonzalez.
08:49Pagbalik ng sesyon ng Senado sa June 2, gugulong na agad ang proseso ng impeachment labang kay Vice President Sara Duterte,
09:00gaya ng dati ng inanunsyo ni Senate President Chief Escudero.
09:04Formal ng sinulata ni Escudero si House Speaker Martin Romualdez na alinsunod sa Rules of Procedures on Impeachment Trials,
09:11handa ang Senado sa June 2, alas 4 ng hapon, na tanggapin ang prosecutors ng Kamara.
09:16Ipipresenta ng prosecution panel sa sesyon ng Senado ang pitong charges na nakapaloob sa Articles of Impeachment na isinampa laban sa Vice.
09:25Kinabukasan nito o June 3, alas 9 ng umaga, magko-convene na ang Senado bilang impeachment court na maglilite sa Vice.
09:33Pwede nang mag-issue ng summons at iba pang kautusan.
09:37Pinadalhan din ang kopya ng sulat si VP Sara.
09:39Sinusubukan ng GMA Integrated News kunan ng pahayag ang vice,
09:43pero dati na niyang sinabing gusto niyang matuloy ang impeachment trial na aniay gusto niyang maging madugo.
09:49Sa mga kasalukuyang Senador, labimpito ang mananatili sa 20th Congress.
09:54Pito naman ang bagong papasok.
09:56Sabi ni Senador Nancy Binay na isa sa mga magtatapos ang termino,
10:00makaapekto sa kalalabasan ng paglilitis ang komposisyon ng susunod na kongreso.
10:05Alam naman natin, it's a fact na maraming PDP, which is the party of the Dutertes,
10:14ang nakapasok ngayong eleksyon.
10:16Sa tingin ko, magkakaroon ng malaking impact yun pagdating dun sa bilangan ng lume.
10:21At the end of the day, it's a numbers game.
10:24So, if you look at the incoming composition,
10:29medyo mas nakakalamang ngayon yung kaalyado.
10:35Gayunman, paalala ni Binay,
10:37kailangan pa rin suriin ng Sen. Judges ang mga ebidensyang ihaharap.
10:41Para sa mga magtatapos na ang termino bilang Senador,
10:45pag-aproba sa impeachment rules na lang ang magiging papel nila sa impeachment.
10:49It's a blessing in disguise na hindi rin ako magiging bahagi ng impeachment trial
10:55kasi yung proseso na yun is very divisive.
10:59And parang at the moment, diba, sa sobrang daming problema ng ating bansa,
11:03yung proseso na yun.
11:07Lalo pang mahahati at madedivide tayo.
11:11So, imbis na magsama-sama tayo maghanap ng solusyon dun sa mga problema natin.
11:16Senators, diba, mahahati yung oras nila
11:18kasi they will perform as a court.
11:24Tapos at the same time, may mga bills na kailangan din asikasuhin.
11:30Bilang paghahanda naman sa nalalapit na impeachment trial,
11:34nagbalik na ang lingguhang pulong ng House Impeachment Prosecution Panel.
11:37We discussed the letter of the Senate President
11:43sent to the House of Representatives
11:45that we will present the articles of impeachment on June 2 before the Senate.
11:52They expect us to read the articles of impeachment.
11:57Hindi pa kasama sa pulong sina ML Partylist Representative-elect Laila De Lima
12:01at Akbayan Partylist Representative-elect Chelle Diokno
12:04na parehong tinangga pangalok ni House Speaker Martin Romualdez
12:07na maging bahagi ng prosecution panel.
12:10Sa Hulyo pa kasi sa pagsisimula ng 20th Congress
12:12sila mauupo bilang mambabatas
12:14at kailangan pa silang formal na maay talaga bilang prosecutors.
12:18Ito ang unang balita.
12:19Mav Gonzalez para sa GMA Integrated News.
12:22Umaasa ang mga grupo ng negosyante sa bansa na mananatili sa pwesto
12:27ang mga membro ng Gabinete na Anilay na gampana naman ang trabaho.
12:31Umaasa rin sila makakapag-appoint agad
12:33para hindi raw makaproblema sa economic continuity.
12:38Kasunod nga ng direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos na magbiti
12:41o marami sa mga opisyal ng pamahalaan
12:43na nagsumitinan ng courtesy resignation.
12:46Dadaan pa raw ito sa pagsusuri ng Pangulo
12:48kung sino-sino ang mga karapat dapat amakasama niya
12:50sa nalalabing tatlong taon na kanyang termino.
12:53Narito nga aking unang balita.
12:58Sa unang episode ng kanyang podcast
13:00na ilalabas itong lunes,
13:01dalawang leksyon ang binanggit ng Pangulo
13:03na natutunan daw ng kanyang administrasyon
13:05mula sa naging resulta ng eleksyon 2025.
13:08Una, nagsawa na ang Pilipino sa politika.
13:14Sawan-sawa na sa politika.
13:16Pangalawa,
13:16disappointed ang tao sa servisyon ng gobyerno.
13:21Hindi nila nararamdaman
13:22at masyadong mabagal ang galaw
13:26ng pagbubuo ng mga project
13:29na hindi pa nila maramdaman.
13:31At dahil dyan,
13:32inanunsyo ng Malacanang
13:33na pinagsusubitin ng Pangulo
13:35ng courtesy resignation
13:36ang lahat ng membro ng kanyang gabinete
13:38kasama mga pinuno ng ahensya
13:40at presidential advisor
13:41na may cabinet rank.
13:43This is not business as usual,
13:45the President said.
13:46The people have spoken
13:48and they have expected results.
13:50Not politics,
13:51not excuses.
13:53We hear them
13:54and we will act.
13:55Sa mga susunod na araw,
13:57susuriin daw ng Pangulo
13:58naging performance
13:59ng bawat isa sa kanila
14:00at kung nagkaroon ng katiwalian
14:02sa kanilang mga ahensya
14:03at saka magpapasya
14:04kung sino ang tuluyang sisibakin
14:06at kung sino mananatili sa pwesto
14:08para tahakin ang direksyon
14:09ng pamahalaang na isang Pangulo
14:11sa nalalabing tatlong taon
14:12ng kanyang termino.
14:13Yes,
14:14mananatili sila sa kanilang posisyon.
14:16Siguro ito yung tamang panahon
14:17para ipakita nila
14:18na dapat sila manatili
14:20sa kanilang posisyon
14:21pero kapag nakita po talaga
14:22ng Pangulo
14:23na hindi mo deserve
14:26ang iyong posisyon,
14:27you will be out.
14:28At ito ho ba
14:29ang panahon
14:30na makikita natin
14:31from here on again
14:32yung sinasabi ng Pangulo
14:33na marahil kailangan
14:35ng mas mabagsik
14:36na pamumuno?
14:38Opo,
14:40umpisa lamang to.
14:42Sa kita ng direktibang
14:43courtesy resignation
14:44ng Pangulo
14:45umakas sa mga business group
14:46na mananatili sa pwesto
14:48mga kalihim
14:49na anilay
14:49maayos na nagampanan
14:50ang kanilang trabaho.
14:52Sabi ng Makati Business Club
14:53Chairman Edgar Chua,
14:55very good raw
14:55ang economic team
14:56ng administrasyon.
14:58Sana raw
14:58ay retain
14:59ang mga magagaling na kalihim.
15:01Ganito rin ang pahayag
15:02ng Philippine Chamber
15:02of Commerce and Industry
15:04o PCCI.
15:06Umaasa raw sila
15:06na kasunod
15:07ng courtesy resignations
15:09ay magkakaroon
15:10ng unlay
15:10accountable
15:11at merit-based appointments.
15:13May ma-appoint na raw
15:14sana agad
15:15para hindi magkaproblema
15:16sa economic continuity.
15:18Sabi ng Management Association
15:20of the Philippines,
15:21makahanap sana
15:22ang Pangulo
15:22ng mga tamang taong
15:24kaya magpatupad
15:25ng plano
15:25ng kanyang administrasyon.
15:27Sa presentation
15:27ng mga bagong batas
15:28sa malakanyang present
15:29ang ilan sa mga
15:30membro na kanyang gabinete
15:31tulad din na
15:32DILG Secretary
15:33John Vic Rimulia,
15:34PCO Secretary
15:35Jay Ruiz,
15:36DOSC Secretary
15:37Renato Solidum
15:38at Dep-Dev Secretary
15:40Arsenio Balisacan
15:41na pawang
15:41nagsumiti na
15:42ng kanika nilang
15:43courtesy resignation.
15:45Idinaan naman
15:45ng Pangulo sa biro
15:46ang pagpapabitiw sa kanila.
15:48The Honorable Members
15:49of the Cabinet.
15:51Teka, may lamang pa ba
15:52yung kabinete ko?
15:54Who am I addressing now?
16:02We are in flux.
16:03Isa sa mga ipinresentang batas
16:08ang pagtatatag
16:08ng Department of Economy,
16:10Planning and Development
16:11o ang dating NEDA.
16:12Bahagi ito
16:13ng kagustuhan niyang
16:13mas mabilis
16:14at mas ramdam
16:15na pakinabang
16:16ng taong bayan
16:17sa mga ginagawa
16:17ng pamahalaan.
16:18Magiging katuwang
16:19natin ang Dep-Dev
16:20sa pagtiyak
16:22sa paggamit
16:23ng ating pondo
16:26na ipapatupad
16:28ang programa
16:28ng wasto
16:29at naghahatid
16:31ng pakinabang
16:32sa mamamayan.
16:33Ito ang unang balita.
16:35Ivan Merina
16:35para sa GMA Integrated News.
16:39Panibagong harasman
16:40ng China
16:40sa West Philippine Sea.
16:42Ginit-git
16:42at binomba ng tubig
16:43ng China Coast Guard.
16:45BRP Datu Sanday
16:47na nuoy
16:48nagsasagawa
16:48ng research
16:50sa Sunday K2
16:51ay sa PCG
16:52at BIFAR.
16:53Itong unang beses
16:54na nambomba ng tubig
16:55ang China
16:55malapit sa pag-asa
16:56island
16:57na sakop
16:58ng territorial sea
16:59ng Pilipinas.
17:00May unang balita
17:02si Joseph Morong.
17:07Dinikitan
17:08saka binomba
17:08ng tubig
17:09ng barko
17:09ng China Coast Guard
17:10ang barko
17:11ng Bureau of Fisheries
17:12and Aquatic Resources
17:13o BIFAR
17:13na BRP Datu Sanday.
17:25Kahit nagredo
17:26challenge
17:26ng Pilipinas.
17:27Your unsafe maneuvers
17:29are in clear
17:30violation
17:30of your obligations
17:31for safe conduct
17:33under the 1972
17:34international regulations
17:35for preventing
17:36collision
17:37hindi pa rin tumigil
17:38ang barko ng China.
17:39Sa kuha ng drone
17:40video na ito
17:41kitang-kita
17:42kung paano
17:42lumapit
17:43ang mas malaking
17:43barko ng China Coast Guard.
17:45Ayon sa Philippine Coast Guard
17:46dalawang beses
17:47ginit-git
17:47ang BRP Datu Sanday.
17:50Nasira
17:50tuloy ang kaliwang
17:51bahagi nito
17:52sa may nguso
17:52at smokestack.
17:54Agosto
17:54nung isang taon
17:55nasira rin
17:56ang BRP Datu Sanday
17:57matapos ding
17:58i-water cannon
17:59ng barko
17:59ng China
18:00malapit
18:01sa Skoda Shoal.
18:02Ang panibagong
18:03insidente
18:03ng pangharas
18:04nangyari
18:04sa Sandy K2
18:05sa Pag-asa Island
18:06sa West Philippine Sea.
18:08Ito ang kauna-una
18:09ang pagkakataonan
18:10ng water cannon
18:11ng China
18:11sa may Pag-asa Island
18:13kung saan
18:13meron silang
18:14regular na presensya.
18:15I cannot speak
18:16for the intention
18:17of the Chinese
18:17government
18:18at alam naman natin
18:19they have been
18:20very aggressive
18:21pagdating dito
18:21sa Pag-asa
18:22K2.
18:23Kung maalala nyo
18:24last
18:25first quarter
18:26of the year
18:27ang China Coast Guard
18:29also
18:30the PILA Navy
18:31helicopter
18:31were also launched
18:32in harassing
18:34our marine scientists
18:35habang nagkakandak
18:37din tayo
18:37ng marine scientific
18:38research
18:38sa Pag-asa
18:39case.
18:40Kasama ng Datu Sanday
18:41ang isa pang barko
18:42ng BFAR
18:42na Datu Pagbuaya
18:43na parehong may dalang
18:44mga Pilipinong
18:45siyentista sa lugar
18:46para sa pag-aaral.
18:48Ang China Coast Guard
18:49sinisi sa Pilipinas
18:50ang nangyari
18:51sa Sandy K.
18:52Sabi ni si CG
18:53spokesperson
18:54Liu De Xion
18:54nagsagawa lamang
18:56daw sila
18:56ng control measures
18:57matapos ang ilegal
18:58aniang pagpasok
18:59ng mga barko
19:00ng Pilipinas
19:00sa Sandy K.
19:01Isa pa raw
19:02sa mga barko
19:03ng Pilipinas
19:03ang delikatong lumapit
19:05at bumanga
19:05sa kanilang barko.
19:07Ang Sandy K.
19:082 ay may
19:083 nautical miles
19:09lamang mula
19:10sa Pag-asa Island.
19:11Dito na-discovery
19:12noong 2023
19:13ang mga nakatambak
19:14na patay
19:14at durug na corals
19:15na ayon sa mga eksperto
19:17noon ay karaniwang
19:17ginagawa ng China
19:18bago magsagawa
19:19ng reclamation activities.
19:21Ilang beses
19:22na rin nakaranas
19:22ng pangaharasang BFAR
19:24mula sa China
19:24sa pagsisagawa nila
19:26ng research missions.
19:27Sa kabila
19:28ng mga agresibong
19:29aksyon ng China
19:30sa Pag-asa Island,
19:31we have
19:32sovereignty
19:33over these waters
19:34and that
19:35despite of
19:35the harassment
19:36and bullying
19:37ang ating
19:38BFAR
19:39ang Coast Guard
19:40ay patuloy pa rin
19:41pong gagawin
19:42ng marine scientific
19:42research dito
19:43and
19:44it will not
19:45stop us
19:46in doing
19:47this operation.
19:48Sa linggo,
19:49May 25,
19:50babiahe
19:50pa Kuala Lumpur,
19:51Malaysia,
19:52si Pangulong Bongbong Marcos
19:53sa 46th ASEAN Summit
19:55sa harap
19:55ng mga kapwa-leaders
19:56sa ASEAN
19:57ng China
19:58at mga bansang
19:58miyembro
19:59ng Golf Corporation
20:00Council
20:00o GCC
20:01igigigit ng
20:02Pangulong
20:03ang posisyon
20:03ng Soberania
20:04karapatan
20:05at jurisdiksyon
20:06ng bansa
20:06sa West Philippine Sea.
20:08Ito ang unang balita,
20:09Joseph Morong
20:10para sa GMA Integrated News.
20:13Kinundinan ng Bureau
20:14of Fisheries
20:15and Aquatic Resources
20:16o BFAR
20:17ang anilay
20:17agresibong pakikaalam
20:18ng dalawang
20:20China Coast Guard
20:20Vessels
20:21sa ginagawang
20:21scientific research
20:23sa Sun Decay.
20:24Patuloy rao
20:25isusulong ng BFAR
20:26ang scientific integrity,
20:29sustainable fishing
20:30at proteksyon
20:31ng interes ng Pilipinas
20:32sa West Philippine Sea
20:33alinsunod
20:34sa batas.
20:43Nagpamalas
20:44ng nakapigil,
20:46hiningang galing
20:46at bawat kalahok
20:48ng NCAA Season 100
20:49cheerleading competition.
20:51Itinanghal na panalo
20:52ang Arellano University
20:53na nagkamit
20:54ng 6-feet victory.
20:57Nakapusong
20:57mag-unang balita po
20:58si Darlene Caen.
21:03Makapigil hininga,
21:06nakamamangha,
21:09at talaga namang
21:10nakabubuhay
21:11ng school spirit.
21:12Ganyan ang routine
21:18ng bawat isa
21:19sa siyam na school
21:19na lumahok
21:20sa NCAA Season 100
21:22cheerleading competition
21:24sa Pasay City.
21:26Sa bawat stunt
21:27at cheer,
21:28kitang-kita
21:29kung paano
21:29pinagandaan
21:30ang squad
21:30sa kanilang performance.
21:32Inaabangan
21:33ng lahat
21:33kung madedepensahan
21:35ng AU chief squad
21:36ng Arellano University
21:38ang kanilang corona.
21:39Sa gitna
21:43ng performance,
21:44may isang stunt
21:45silang hindi nagawa.
21:47Pero sa huli,
21:50Arellano University
21:58pa rin
21:58ang cheerleading
21:59champion
21:59sa makasaysayang
22:016-speed win.
22:02I-expect ako
22:03na kayang-kaya
22:04pa rin ako
22:04yung mag-champion
22:04dahil sa skills
22:05and difficulty
22:07ng mga ginawa namin.
22:09Pero naging hopeless ako
22:10kasi nagkaroon din kami
22:11ng error.
22:12Pero siguro nga,
22:13tumaas pa rin
22:13yung scores namin
22:14dahil nga sa
22:15difficulty
22:15na ginawa namin.
22:16So team ko,
22:17thank you so much.
22:18Especially sa sacrifice nila,
22:19sa pag-intindi nila.
22:21Mag-uuwi sila
22:22ng 100,000 pesos
22:23na cash prize.
22:24First runner-up
22:25uli ang
22:26Altas Perp squad
22:27ng University of Perpetual
22:28Health System,
22:29Delta
22:29na mag-uuwi
22:30ng 75,000 pesos
22:32na cash prize.
22:33Habang second runner-up
22:35ang Letran
22:35cheering squad
22:36with 50,000 pesos
22:37na cash prize.
22:39Ang bumuo ng
22:39panel of judges
22:40ay distinguished
22:41cheerleading coaches
22:42and judges
22:43hindi lang dito
22:43sa Pilipinas
22:44kung hindi maging
22:45sa international teams
22:46and cheerleading associations.
22:48The cheerleaders
22:49are always present
22:51during competitions.
22:53Mapa basketball,
22:55volleyball,
22:56badminton,
22:57lahat yan,
22:58nandun sila
22:58because they're the ones
23:00who drum up interest
23:01and provide
23:02extra oomph
23:04when it comes
23:05to the competition.
23:06So,
23:07this is their
23:08ultimate showcase.
23:11That's why
23:12it's very important.
23:13Nasa NCAA
23:14season 100
23:15cheerleading competition din
23:17si Senior Vice President
23:18and Head of GMA
23:19Integrated News,
23:20Regional TV
23:21and Synergy
23:22Oliver Victor B. Amoroso,
23:24pati na ang buong
23:25management committee
23:26ng NCAA.
23:27Ito ang unang balita.
23:29Darlene Kai
23:29para sa GMA
23:30Integrated News.
23:37Naging magical
23:38ang free diving moment
23:39ni Slay actress
23:41Mikey Quintos.
23:42Sa video na
23:43sinare ni Mikey
23:43sa kanyang Instagram,
23:44kita ang graceful niyang
23:46paglangoy
23:47sa dagat sa buhol
23:48habang napapaligiran
23:50ng school of fish.
23:52Wow!
23:52Ang kanyang caption,
23:54more to grow,
23:56more to be.
23:57Mapapanood si Mikey
23:58sa revenge drama series
23:59na Slay
24:00sa GMA Prime
24:01noon its last
24:02three weeks na.
24:03Kailangan natin gawin yan.
24:04Ang ganda-ganda.
24:05Ang ganda.
24:06Sana all.
24:07Mapapa-sana all.
24:08Oo,
24:08mabuhol lang nga tayo.
24:11Kapuso,
24:12mauna ka sa mga balita.
24:13Panaorin ang unang balita
24:14sa unang hirit
24:15at iba pang award-winning
24:16newscast
24:17sa youtube.com
24:18slash GMA News.
24:19I-click lang
24:20ang subscribe button.
24:21Sa mga kapuso naman abroad,
24:22maaari kami masubaybayan
24:23sa GMA Pinoy TV
24:24at www.gmanews.tv
24:27Outro
24:31Transcription by CastingWords

Recommended