- 7 months ago
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Miyerkules, June 18, 2025
-LRMC: Operasyon ng LRT-1, limitado dahil sa isyu sa kuryente; mula Gil Puyat hanggang Fernando Poe Jr. Station lang muna ang biyahe
-Lalaking nagnakaw ng motorsiklo ng kanyang kababata sa Brgy. Escopa III, arestado/Suspek, inaming nagawa ang pagnanakaw dahil sa hirap ng buhay
-PAGASA: Bagong Low Pressure Area, binabantayan malapit sa Pangasinan; mababa ang tsansang maging bagyo
-Ilang lugar sa Metro Manila, inulan sa magdamag
-PBBM, binisita ang nasunog na San Francisco High School at nagbigay ng tulong/Nasunog na gusali ng San Francisco H.S., inirekomenda ng DPWH na gibain at palitan ng bago
PBBM: Pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, asahan dahil sa gulo sa Middle East
-Dept. of Agriculture Sec. Tiu Laurel: Pinoy delegation na na-stranded sa Israel, nakalikas na sa Jordan; nakatakdang umuwi sa Pilipinas sa Sabado
-Pagnanakaw ng gasolina mula sa tribike, nabisto; salarin at mga kasabwat, nakatakas
-Atty. Ferdinand Topacio: Arnie Teves, nagpapahinga matapos ang kanyang appendectomy
-LTFRB: Posible ang pisong dagdag-pasahe sa jeep kasunod ng big-time oil price hike/ DOE: P2.5B fuel subsidy para sa PUV, ride-hailing services at delivery platforms, nakahanda na
-Grade 7 student, nagkapasa sa mata matapos suntukin daw ng kaeskwela sa loob ng classroom
-De-Sidecar na motorsiklo, nasunog sa gitna ng kalsada sa Brgy. Bibincahan
-Nagbebenta umano ng ilegal na droga, arestado sa Brgy. Nangka; mahigit P2M halaga ng hinihinalang shabu, nasabat/ Suspek, sa korte na lang daw magpapaliwanag
- PNP Chief Torre: 2 police provincial directors, aalisin sa puwesto dahil bigong maipatupad ang 5-minute response policy
-Lalaki, arestado sa panloloob sa isang bahay sa Brgy. Bankal; cellphone at sapatos, natangay
-OFW na sinasabing biktima ng hit-and-run, natagpuang patay matapos ang 4 na araw/OWWA, handang tumulong sa pamilya sakaling magsampa sila ng reklamo
-Councilor-elect, nakaligtas mula sa tangkang pamamaril
-Dept. of Agriculture: 4 na puwesto sa Paco Market na nagbebenta umano ng smuggled na sibuyas, iimbestigahan/ Ilang nagtitinda sa Paco Market, sinabing hindi nila alam na smuggled ang hinango nilang mga sibuyas
-Sen. Bato Dela Rosa, nabatikos dahil sa pag-share ng video na gawa ng artificial intelligence/A.I.-generated video na tumututol sa impeachment trial ni VP Duterte, halatang deepfake, ayon sa isang eksperto
-Sparkle Campus Cutie Top 20, sumalang sa iba't ibang training at workshops
-Bulkang Lewotobi Laki-laki, nagbuga ng makapal na abo; alert level, itinaas sa most dangerous
-Phl Navy: Misinformation ang ulat na may coordinated patrols umano ang China kasabay ng aktibidad ng Pilipinas at Japan sa WPS
-Ilang cast members ng "Beauty Empire," ibinahagi ang insights tungkol sa kanilang role na relate sila in real life
-Nasa 1,800 estudyante ng Calubcob Elem. School, nagsisiksikan sa 2 standard-sized at 6 na makeshift classrooms/DepEd Sec.
-LRMC: Operasyon ng LRT-1, limitado dahil sa isyu sa kuryente; mula Gil Puyat hanggang Fernando Poe Jr. Station lang muna ang biyahe
-Lalaking nagnakaw ng motorsiklo ng kanyang kababata sa Brgy. Escopa III, arestado/Suspek, inaming nagawa ang pagnanakaw dahil sa hirap ng buhay
-PAGASA: Bagong Low Pressure Area, binabantayan malapit sa Pangasinan; mababa ang tsansang maging bagyo
-Ilang lugar sa Metro Manila, inulan sa magdamag
-PBBM, binisita ang nasunog na San Francisco High School at nagbigay ng tulong/Nasunog na gusali ng San Francisco H.S., inirekomenda ng DPWH na gibain at palitan ng bago
PBBM: Pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, asahan dahil sa gulo sa Middle East
-Dept. of Agriculture Sec. Tiu Laurel: Pinoy delegation na na-stranded sa Israel, nakalikas na sa Jordan; nakatakdang umuwi sa Pilipinas sa Sabado
-Pagnanakaw ng gasolina mula sa tribike, nabisto; salarin at mga kasabwat, nakatakas
-Atty. Ferdinand Topacio: Arnie Teves, nagpapahinga matapos ang kanyang appendectomy
-LTFRB: Posible ang pisong dagdag-pasahe sa jeep kasunod ng big-time oil price hike/ DOE: P2.5B fuel subsidy para sa PUV, ride-hailing services at delivery platforms, nakahanda na
-Grade 7 student, nagkapasa sa mata matapos suntukin daw ng kaeskwela sa loob ng classroom
-De-Sidecar na motorsiklo, nasunog sa gitna ng kalsada sa Brgy. Bibincahan
-Nagbebenta umano ng ilegal na droga, arestado sa Brgy. Nangka; mahigit P2M halaga ng hinihinalang shabu, nasabat/ Suspek, sa korte na lang daw magpapaliwanag
- PNP Chief Torre: 2 police provincial directors, aalisin sa puwesto dahil bigong maipatupad ang 5-minute response policy
-Lalaki, arestado sa panloloob sa isang bahay sa Brgy. Bankal; cellphone at sapatos, natangay
-OFW na sinasabing biktima ng hit-and-run, natagpuang patay matapos ang 4 na araw/OWWA, handang tumulong sa pamilya sakaling magsampa sila ng reklamo
-Councilor-elect, nakaligtas mula sa tangkang pamamaril
-Dept. of Agriculture: 4 na puwesto sa Paco Market na nagbebenta umano ng smuggled na sibuyas, iimbestigahan/ Ilang nagtitinda sa Paco Market, sinabing hindi nila alam na smuggled ang hinango nilang mga sibuyas
-Sen. Bato Dela Rosa, nabatikos dahil sa pag-share ng video na gawa ng artificial intelligence/A.I.-generated video na tumututol sa impeachment trial ni VP Duterte, halatang deepfake, ayon sa isang eksperto
-Sparkle Campus Cutie Top 20, sumalang sa iba't ibang training at workshops
-Bulkang Lewotobi Laki-laki, nagbuga ng makapal na abo; alert level, itinaas sa most dangerous
-Phl Navy: Misinformation ang ulat na may coordinated patrols umano ang China kasabay ng aktibidad ng Pilipinas at Japan sa WPS
-Ilang cast members ng "Beauty Empire," ibinahagi ang insights tungkol sa kanilang role na relate sila in real life
-Nasa 1,800 estudyante ng Calubcob Elem. School, nagsisiksikan sa 2 standard-sized at 6 na makeshift classrooms/DepEd Sec.
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Transcription by CastingWords
00:30And customer advisory, mula Hill Puyat Station hanggang Fernando Poe Jr. Station lamang muna ang biyahe ng mga tren. Vice versa po yan.
00:39Kasabay niya ng pagsusuri at pagkukumpuni sa iba pang pasilidad para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero. Wala pang anunsyo kung anong oras may babalik ang full operations.
00:51Samantala, balikulungan ang isang lalaking na hulikam na nagnakaw ng isang motrosiklo sa Quezon City.
00:57Ang sospek na umamin sa krimen, kababata pala mismo na may-ari ng motrosiklo. Balita hatid ni James Agustin.
01:08May dalang helmet ang lalaking ito habang naglalakad na makuha ng sa CCTV sa bahagi ng barangay Escopa 3 sa Quezon City.
01:15Matapos ang ilang minuto, sa isa pang anggolo kita na ang lalaki na nakasakay sa motrosiklo.
01:19Ang motrosiklo, ninakaw pala niya. Pagsikatan ng araw na madiskubre na may-ari na wala na ang kanyang motor.
01:27So nung tinitignan niya na yung motor niya doon sa pinagparadahan niya, nawawala na ito.
01:33So kagad niya naman ito na sinumbong sa barangay at inireport.
01:39Nang i-review ang CCTV footage, namukaan ng biktima ang sospek.
01:43Nakababata araw niya at dating kapitbahay sa lugar.
01:46Sa ikinasang follow-up operasyon ng polisya sa San Jose del Monte, Bulacan,
01:50namataan ng sospek sa gilid ng kalsada.
01:53Inaresto ang 32 anyo sa sospek.
01:56Nabawi sa kanyang ninakaw ng motrosiklo na tinanggalan na ng plaka at fairings.
02:01Nung na-verify sa CCTV yung itsura ng tao na kumuha ng motor,
02:07kaagad-agad na na-verify natin na yung sinasabi ng sospek ay tigaroon din dati sa lugar na yun.
02:15Kaya pamilyar yung mga complainant, mga victim at pati na rin po yung kapulisan natin doon sa tao na yun.
02:22Dati nang nakulong ang sospek dahil sa kaso may kinalaman sa iligal na droga.
02:26Ngayon sinampahan naman siya ng reklamong paglabag sa new anti-carnapping law.
02:30Inakaw ko po yun.
02:33Gawa po ng kahirapan.
02:34Ginamit ko lang po yun kasi po gusto ko po kumuha doon sa amin sa Bulacan.
02:39James Agustin, nagbabalita para sa Gemma Integrated News.
02:49Mainit-init na balita, may bagong low pressure area na binabantay ngayon sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
02:56Namataan po yan ang pag-asa sa dagat sakop ng Bolinao, Pangasinan.
02:59Sabi ng pag-asa, mababa ang chance na itong maging bagyo pero asahan daw ang mga pag-ulan.
03:05Kabilang po dyan ang Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon Region at sa mga probinsya ng Benguet,
03:12Quirino, Nueva Vizcaya, Pangasinan, Oriental Mindoro at Marinduque.
03:17Nakataas po ngayon ang rainfall advisory dito sa NCR.
03:22Apektado rin po ang Tarlac, Cavite, Zambales, Pampanga, Nueva Ecija, Bataan at ilampanig ng Quezon, Bulacan at Rizal.
03:32Tatagal ang rainfall advisory hanggang pasado alas 12 ngayong tanghali.
03:36Ang LPA naman na nasa Southern Luzon na lusal na o nag-dissipate na.
03:41Ulang dulot naman po yan ng Intertropical Convergence Zone ang aasahan sa ilang bahagi ng Mindanao
03:46habang posible ang mga local thunderstorms sa iba pang panig ng bansa.
03:51Base sa rainfall forecast ng Metro Weather, halos pong Luzon at Mindanao ang uulanin sa mga susunod na oras.
03:58May ulan din po sa ilang panig ng Visayas.
04:01Posible ang heavy to intense rains na maari magdulot ng baha o landslide.
04:06Magdamag na nakaranas ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Metro Manila.
04:15Halos mag-zero visibility sa ilang kalsada sa Quezon City kanilang madaling araw, pati na sa ilang kalsada sa Maynila.
04:23Kaya ang mga motorista dahan-dahan lang ang pagmamaneho.
04:26Ayon sa pag-asa, Easter Lease ang nagdala ng ulan sa ilang lugar sa NCR.
04:30Sa Pantukan Davo de Oro, nagmistulang ilog ang kalsada na yan.
04:38Kasunod ito ng naranasang pag-ulan doon.
04:41Naging pahirapan ang biyahe ng mga motorista roon.
04:43Pinasok ng baha ang ilang bahay at negosyo.
04:46Sa makilala ko tabato, pansamantalang stranded ng ilang estudyante sa paralan dahil sa malakas na ulan kahapon.
04:57Sunilong muna sila at nagpatila sa ulan bago umuwi.
05:00Nagpaalala ang mga otoridad sa mga nakatira malapit sa ilog na maging alerto.
05:06Binahari ng ilang lugar sa UP Maguindanao del Norte.
05:09Apektado ang ilang negosyo sa barangay Nuro Poblasyon.
05:13Sa kuha ng video, isinalbang isang refrigerator ng kainan mula sa baha.
05:17Kanya-kanyang likas din ang kanina mga gamit at paninda ang ilang negosyo na binaha.
05:21Ininspeksyon ni Pangulong Bongbong Marcos ang gusali ng San Francisco High School sa Quezon City
05:33na nasunog bago po magbalik eskwela.
05:36Kaya naman kumuha tayo ng detalya sa ulat on the spot ni Ivan Mayrina.
05:40Ivan?
05:41Connie, sa pagbisita ni Pangulong Bongbong Marcos na nasunog ng San Francisco High School sa Quezon City,
05:47agarang tulong at pagpapalit sa mga nasunog na gamit ang hatid niya sa mga apektado mag-aaral at mga guru.
05:53Personal na ininspeksyon ng Pangulong dalawang palapag na school building sa paaralan na natupok ng apoy
05:58nitong linggo na umaga, isang araw bagong pasukan.
06:01Ang school building na ito ay para sana sa may halos 700 senior high school students ng San Francisco High School.
06:07Sa pagsusuri ng DPWH, kailangan nanggibain ang 45 taong gulang.
06:12At ito, itatayong apat na palapang nag-usali na doble ang kapasidad na para sa 1,500 mga mag-aaral.
06:21At sa mga na-ininspeksyon ng panggusali sa mag-aaral, at sa halip na isang shift lang,
06:26pinawang dalawang shift ng klase.
06:286am hanggang 12.20pm ang morning shift at 12.30pm hanggang 40pm ang afternoon shift.
06:35Sa kabila ng nangyaring sunog ay hindi naantala ang pagsisimula ng klase.
06:39Ang DepEd agad na nagbigay ng mga mesa at silya at may paunang sampung computer na ibinigay para sa mga guro.
06:46At Pangulo naman mismo, nangako ng mga school supplies hindi lang para sa mga mag-aaral, kundi maging para sa mga guro.
06:53Samantara, sa isang panayang pagkatapos sa Inspeksyon Connie ay nagsalita ang Pangulo
06:57tungkol ang malalang sitwasyon ng kaguluhan sa pagitan ng Isra Salat Gran,
07:01kung saan libu-libong Pilipino ang naiipit sa gulo.
07:04Tinababantayan ang Pangulo ang sitwasyon sa mga kensya ng pamahalaan.
07:07Tinababantayan ang mga Pilipino para sa mga nais ng repatriation.
07:12Yun na lang sa ngayon ay pahirapan ang ruta dahil sarado ang mga effort.
07:16Pero papuntara mismo si DMW Secretary Hans sa Jordan para pangasiwaan ito.
07:23Ayon naman sa Pangulo, asa ang taas ang presyo ng mga produktong petrolyo
07:27dahil may iibit ang supply at takaanda ng tao ang mga subsidiya para sa mga pinakapektado
07:32sakaling pumalo ng husto ang presyo ng petrolyo na may efekto rin sa presyo ng pamasahe
07:37at gayon din ng mga pangonahing bilihin.
07:41At yan ang latest mula sa Malacanang. Balik sa iyo, Connie.
07:43Marami salamat, Ivan Mayrina.
07:45Sa gitna ng palitang atake ng Israel at Iran,
07:49dalawamput isang Pinoy na nasa official travel ang stranded sa Israel.
07:53Ayon sa Philippine Embassy ng Tel Aviv, labim tito sa kanila ang LGU officials
07:57habang taga Department of Agriculture naman ang apat.
08:00Inisponsor na ng Israeli government ang pagdalo nila sa isang training doon
08:04na nagsimula noong nakarang linggo at magtatapos sana ngayong linggo.
08:08Ayon kay Israeli Ambassador Ian Fluss,
08:11nagbibigay na ng tulong ang Israeli government.
08:12Sabi naman ni DI Secretary Francisco Chulaurel Jr.
08:16nakarating na kagabi sa Jordan ang mga Pilipino.
08:20Inaasang makauwi sila sa Pilipinas sa Sabado ng umaga.
08:23Ayon sa ating embahada sa Israel,
08:25may mahigit 30,000 Pilipino sa Israel.
08:28Ito sa kanila ang nasugatan sa mga airstrike ng Iran
08:31habang halos 50 ang nawala ng tirahan.
08:38Huli ka mang paglapit ng lalakingan sa isang nakaparadang tri-bike
08:42sa labas ng isang bahay sa barangay Bonoan,
08:44Geset sa Dagupan, Pangasinan.
08:46Tila may kinakalikot.
08:47Yun pala,
08:48ninanakaw na niya ang kargang gasolina ng tri-bike.
08:52Ayon sa may-arin ng bahay,
08:53nabisto niyang ninanakawan ng gasolina ang tri-bike
08:56ng pamangkin niya nang lumabas siya.
08:58Tinutukan niya raw ng flashlight ang salarin hanggang
09:00nagpambuno sila.
09:02Nakatakas ang salarin.
09:04May dalawa pa raw kasama ang lalaki na nakatakbo rin.
09:07Ayon sa barangay council,
09:08may insidente ng paihi ng motorsiklo sa barangay noon.
09:11Ngayon na lang ulit umatake ang mga salarin ng mga dayo raw.
09:15Inalerto na ang mga barangay tanod para doblehin ang kanilang pag-iikot,
09:19lalo na tuwing gabi.
09:23Mainit-init na balita tungkol po sa kondisyon
09:25ni dating Negros Oriental Representative Arnie Tevez.
09:29Tagumpay raw ang kanyang appendectomy
09:31o pagtatanggal sa appendix sa Philippine General Hospital sa Maynila.
09:35Ayon sa abogado ni Tevez na si Atty. Ferdinand Topacio,
09:38nagpapahinga ngayon ang dating kongresista.
09:41Pasado hating gabi kanina nang ilipat si Tevez sa PGH para sa kanyang operasyon.
09:46Bago din nila sa PGH,
09:48isinugod si Tevez kahapon sa isang hindi pinangalanang ospital
09:51dahil sa matinding pananakit ng shan.
09:53Abiso sa mga commuter,
09:58posibleng tumaas ng piso ang pasahe sa jeep.
10:01Dahil yan sa big-time oil price hike ngayong linggo na maaaring manong masundan
10:05dahil sa tensyon sa pagitan ng Israel at Iran.
10:08May mga petisyon ang nakahain sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board
10:12ang ukol sa taas pasahe.
10:14Ayon sa LTFRB,
10:16piso across the board lang ang maibibigay nila para hindi mabigat sa mga consumer.
10:21Posible rin daw nilang pagbigyan ng fair hike petisyon para sa mga provincial buses,
10:24pero wala pang nakukuhang kompetisyon ng ahensya.
10:28Samantala, nakahanda na ang gobyerno na magpalabas ng 2.5 billion pesos na fuel subsidy
10:33para sa mga PUV, taxi, ride hailing services at delivery platform sa buong bansa
10:39sakaling tumaas pa ang presyo ng langis.
10:44Ito ang GMA Regional TV News.
10:49Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
10:54Nagkapasa sa mata ang isang grade 7 student sa mga Aldan, Pangasinan,
10:59matapos umanong mabuli sa loob ng classroom.
11:02Chris, anong nangyari?
11:05Connie, nagsimula raw yan sa biruan at tuksuhan noong unang araw ng pasukan nitong lunes.
11:11Hanggang sa tumawag daw ang kaklase ng biktima ng iba pang kaibigan mula sa kabilang seksyon.
11:16Isa sa kanilang sumuntok daw sa biktima sa loob ng classroom.
11:20Wala noon ang teacher dahil break time.
11:21Ipinatawag na ng paaralan ang mga magulang ng sangpot sa umanoy pananakit pero tumanggi silang humarap sa kamera.
11:28Anila, handa silang ilipan sa ibang paaralan ang mga anak kung kinakailangan.
11:33Ipapakounseling din ang biktima na ayon sa kanyang ina ay natatakot ng pumasok sa eskwelahan.
11:38Nasunog naman ang isang the sidecar na motorsiklo sa gitna ng isang kalsada sa Sorsogon City.
11:46Sa video, napuha ng isang motorista.
11:48Kita ang nasusunog ng motorsiklo sa intersection ng Diversion Road sa Barangay Bibingkahan.
11:53Ayon sa ibestigasyon, huminto ang motorsiklo sa intersection ng paandari ng rider doon na nagsimula ang apoy hanggang sa tuluyang labunin nito ang sasakyan.
12:04Ligtas naman ng rider na nakaalis bago lumaki ang apoy.
12:08Napulang sunog matapos rumesponde ang mga otoridad.
12:11Patuloy pa ang ibestigasyon ukol sa sanhi ng pagliyab ng motorsiklo.
12:15Arestado sa Marikina ang isang nagbebenta umano ng iligal na droga.
12:22Ang suspect, iginitna sa korte na lang magpapaliwanag.
12:26Balitang hatid ni EJ Gomez.
12:30Sa loobang bahay na ito sa barangay ng Kamarikina City,
12:35naaresto ng mga pulis ang isang lalaking tulak umano ng iligal na droga.
12:40Nabilhan siya ng operatiba na nagpanggap na buyer mag-aalas 11 ng gabi nitong lunes.
12:45Sa imbestigasyon ng pulisya, sa Cavite nang gagaling ang supply ng droga ng high-value target na residente ng San Mateo Rizal.
13:01Nakumpis ka sa sospek ang labintatlong pakete o 295 grams ng umano'y shabu na nagkakahalaga ng mahigit dalawang milyong piso.
13:10Yung sospek, yung mga droga niya ay binibenta o kinakalat, hindi lang dito sa ating EOR, sa Marikina,
13:18kundi maging sa mga karatig bayan, kagaya ng San Mateo at Antipolo Rizal.
13:24Ang 32-anys na sospek, sa korte na lang daw magpapaliwanag.
13:28Yung pong nakuha pong droga sa inyo, sa inyo po ba yun?
13:31Ang nakumit po.
13:32Sa records ng pulisya, dati nang nakulong ang sospek dahil din sa droga noong 2020 at 2022.
13:38Dahil ito ay newly listed SBI, titignan namin.
13:42Yung sa baba, sino mga, ano rin niya, mga courier or sino mga kasabwat niya.
13:49Titignan namin kung mayroon pa siyang grupo o involvement na iba.
13:57Reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isasampas sa sospek.
14:04EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
14:08Dalawang Police Provincial Director ang aalisin sa pwesto dahil bigu o man ang maipatupad ang 5-minute response policy sa mga emergency.
14:18Idineklara ni PNP Chief Nicolastore III na bakante ang dalawang posisyon.
14:23Pipili raw muna sila ng kapalit bago tuluyang tanggalin ang dalawang Provincial Police Director.
14:28Bago yan, tinanggal din sa pwesto ang mga police chief sa Walong Lungsod sa Metro Manila dahil hindi rin nakasunod sa 5-minute emergency response policy.
14:38Sa viral video, makikita ang pagtalon ng lalaking yan mula sa bakod na isang bahay sa barangay Bangkal sa Lapulapus, Cebu.
14:50Dahan-dahan siya naglakad at nagmasid hanggang makapasok sa loob ng bahay.
14:55Una niyang pinasok ang kusina at saka dumiretsyo sa sala.
14:58Ayon sa may-ari ng bahay, natangay ng suspect ang isang cellphone at pares ng sapatos.
15:04Na-aresto na ang 34-anyos na suspect sa barangay poblasyon matapos makuha na ng armas.
15:10Inamin niyang siya ang lalaking nakuhana ng CCTV camera noong June 10.
15:15Humingi rin siya ng paumanhin sa kanyang nagawa.
15:17Paliwanag ng lalaki, may plano siyang sumuko sa mga otoridad ng mag-viral ang video pero nag-alangan para sa kanyang kaligtasan.
15:24I-desidido ang biktima na ituloy ang reklamo laban sa kanya.
15:30Nakahanda raw ang gobyerno ng Pilipinas na tumulong sakaling porman na ireklamo ang nasa likod ng pagkamatay ng isang OFW sa Saudi Arabia.
15:39Ang biktima unang napaulat na nawawala.
15:42Balitang hatid ni Jonathan Andal, Exclusive.
15:45Noong June 11 pa, hinahanap sa Riyad, Saudi Arabia ang 30-anyos na OFW si Juljiri Agong.
15:58Pero makalipas ang apat na araw, natagpuan siyang patay.
16:01Ginoldap daw, tapos hinapunta sa disyerto.
16:07Tapos isang kwento, nasagasaan lang daw, hindi daw ginoldap.
16:12Eh sabi ko, pag hindi hinoldap, nasaan yung gamit niya, cellphone niya, pera niya, at saka ginto na ipapadala sana sa nanay niya.
16:22Pero hindi raw hinoldap si Agong, batay sa report ng Saudi authorities na ipinasas sa Pilipinas.
16:27Na-hit and run siya ng kotse, and that caused fatal injuries.
16:33Yung reported incident is June 11, approximately around 12.31pm,
16:39habang tumatawid sa King Salman Eastbound Road at a non-designated pedestrian crossing.
16:44So yun ang natanggap namin.
16:46And siguro sa ngayon, hindi ko muna bibigay yung detalye, but the vehicle was identified,
16:51the plate number was identified, including the concerned driver of the vehicle.
16:59Sisikapin daw ng OWA na makakuha ng kopya ng CCTV ng insidente.
17:03Meron din daw silang abogado sa Riyad na tutulong sa kaso.
17:06Ustisya lang po.
17:08Yan lang po yung paniwagan na namin.
17:10Hindi po ito pwedeng maging kwento lang na walang ustisya.
17:16Marami pa po tayong mga kababayan doon.
17:18Pag hindi po ito, inaction ang siguradong may susunod pa.
17:21We stand ready to pursue yung kaso and makamit yung hostisya.
17:27The Saudi police are investigating the case if there's possible foul play.
17:31Panganay sa magkakapatid si Agong, Tagahulo, Sulu.
17:35Kalahating taon pa lang siya sa Riyad bilang office and facility cleaning laborer.
17:40Sa ngayon, ang desisyon daw ng pamilya.
17:42Doon na sa Riyad, ilibing si Agong alinsunod sa tradisyon ng mga Muslim.
17:45Nangako naman ang gobyerno ng tulong kabilang na ang financial assistance mula sa OWA at DMW.
17:52Jonathan Nandal, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
17:57Ito ang GMA Regional TV News.
18:03Balita sa Visayas at Mindanao mula sa GMA Regional TV.
18:07Nahuli kamang tangkang pamamaril sa isang counselor-elect sa Hagonoy Davao del Sur.
18:12Tessil, kumusta ang biktima?
18:13Raffi, ligtas ang biktima matapos hindi o manopumutok ang baril ng gunman.
18:19Sa kuha ng CCTV, kita ang pagdating ng isang motorsiklo sa kalsanang sakop ng barangay poblasyon nitong linggo ng hapon.
18:28Makikita ang pagmamadali ng angka sa motorsiklo na tila may kinukuha sa bag niya.
18:33Sa kanya, hinabol ang isa pang lalaki na nanggaling naman sa gilid ng sasakyan.
18:39Nakapasok ang hinabol na lalaki sa loob ng barangay hall.
18:42Dali-dali namang tumakas ang sospek.
18:45Ang hinabol na lalaki, si counselor-elect Melvin Ordonesa.
18:49Kinumpirma ng pulisya na posibleng target si Ordonesa ng pamamaril.
18:54Hindi lang daw pumutok ang baril na pinaniniwala ang nakatago sa pink na bag sa kanyang social media post.
19:01Sinabi ni Ordonesa na pangalawang buhay na niya ito at wala rin siyang kaaway.
19:06Ayon sa pulisya, wala rin silang natanggap na report na banta sa buhay ni Ordonesa.
19:12Sa ngayon, ipapa-enhance muna nila ang CCTV footage para malaman kung sino ang mga salarin.
19:18Samantala, may nabisong mga umanay-smuggled na sibuyas ang Department of Agriculture sa Paco Market sa Maynila.
19:41Kuha tayo ng detalye sa ulot on the spot ni Bernadette Reyes.
19:45Bernadette?
19:46Pony, apat na pwesto sa Paco Market sa Maynila ang hinihinalang nagbebenta ng smuggled na sibuyas.
19:54Malalaki at mahikinis ang balat ito kumpara sa lokal na sibuyas.
19:58Ayon sa Department of Agriculture, dadaan daw ito sa pagsusuri para malaman kung ligtas pa bang kainin.
20:05Iimbestigahan din daw ito at papadalhan daw ng shoe cost order ang mga nagtikinda.
20:10Paliwanag ng mga nagtikinda, hinangunan daw nila ito at hindi nila alam na smuggled ang mga produkto.
20:16Ang iba namang namimili, nagulat na malamang smuggled kaya hindi nila muna sila bibili sa susunod.
20:22Samantala, naglalaro naman sa P380 hanggang P430 ang kada kilo ng baboy sa Paco Market.
20:29Ayon sa DA, mas mababa pa raw ito kumpara sa ibang pamilihan na umaawot sa P490 ang kilo ng baboy.
20:37Gayunpaman, magtatakda ng MSRP sa imported na baboy o frozen fork.
20:42Kapag ginawa raw ito, magkikinda ng mga nagbebenta ng tariwang baboy na ibabari ng kanilang presyo.
20:48Pag-uusapan pa raw kung magkano ang itatakda ng SRP.
20:52Pony?
20:53Maraming salamat, Bernadette Reyes.
20:55Hindi nagpatinag si Sen. Bato de la Rosa sa mga kumukondina sa kanyang shinier na video ng mga estudyante na tutol sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
21:06Ang video, nilikha gamit ang artificial intelligence.
21:10Narito po ang aking report.
21:15Umanin ang samutsaring reaksyon ng i-repost ni Sen. Bato de la Rosa sa kanyang personal na Facebook page ang AI-generated video na ito
21:22na nagpapakita ng dalawang estudyanteng tutol sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.
21:28Sabi ng Senador sa pag-share niya ng video,
21:29Buti para ang mga bata, nakakaintindi sa mga pangyayari,
21:33sabay-banat na dapat makinig ang mga yelo o dilawan at mga komunista.
21:37This is obviously politically motivated.
21:39They want justice, but their justice is selective.
21:42Noong nakarang linggo, si Senador de la Rosa ang nagsusulong ng pagpapadismi sa impeachment complaint
21:47sa Senate Impeachment Court laban sa Vice Presidente.
21:50Ayon sa isang eksperto, bagamat magandang pagkakagawa sa AI video, halatang deepfake ito.
21:55Kung iso-zoom din sa logo ng uniforme ng estudyante, gibberish o wala itong ibig sabihin.
22:15Tila wala rin maintindihan sa mga nakasulat sa mga karatula sa paligid.
22:19Pero dahil pagaling pa ng pagaling ang AI sa huli,
22:21sa mensahe pa rin daw mabubuko kung deepfake ang isang video o hindi.
22:26Mabilis rin itinaman ng mga netizen na AI-generated ang video at hindi ito totoo.
22:30Pero sa isang hiwalay na post, sinabi ni de la Rosa na wala siyang pakialam kung AI ito.
22:35Ang mahalagaan niya, ang mismong mensahe.
22:38At kahit flag na bilang false information ng kanyang nirepost,
22:41patuloy ito ipinagtanggol ng Senador sa comment section ng kanyang post.
22:45Maaring delikado mano ang ganitong reaksyon ng Senador ayon sa isang AI expert.
22:49The proper thing to do would be to own up, pero ang dating parang nag-double down pa eh.
22:54It doesn't matter kung AI or in the important part is the message.
22:59So talagang di-double down pa niya na ito talaga yung message na gusto niya.
23:03So I feel that that can be dangerous just if people are not critical about the message.
23:10Sinubukan namin kunan ng payag ang Senador pero ayon sa kanyang staff,
23:14ayaw muna niyang magbigay ng panayam.
23:16Ang vice-presidente ipinagtanggol ang kanyang kaalyado.
23:19Wala naman problema siguro sa pag-share ng AI video in support sa akin.
23:27Basta hindi ginagawang negosyo.
23:30Kung baga if I were a social media account owner
23:38and gagawa ako ng AI to support a certain personality,
23:44walang problema doon kasi hindi ko naman siya ginagawang negosyo eh.
23:48Hindi ko naman binibenta sa mga tao yung produkto ko eh.
23:53Pero ang malakanya ang sinabing nakakawala ng tiwala
23:56ang aksyon ni Senador De La Rosa.
23:58Ang pag-share ng mga katulad na ganyan muli, disinformation, fake news,
24:05hindi po sana nanggagaling sa mga opisyal ng pamahalaan.
24:11Nakakaduda, mas nakakawala ng tiwala kung mismo sa matataas na opisyal,
24:19nanggagaling ang mga disinformation at fake news.
24:22Aminado ang mga eksperto, darating ang panahon,
24:25hindi na natin malalaman kung AI generated ang isang video o litrato.
24:29Kaya mahalaga raw na i-develop ang ating critical na pag-iisip
24:32dahil sa huli, nasa atin ang pagpapasya
24:34kung maniniwala tayo sa ating mga nakikita sa social media.
24:39Rafi Tima nagbabalita para sa GMA Integrated News.
24:42Happy Wednesday mga mari at pare, tuloy pa rin ang skills training
24:52ng Top 20 ng Sparkle Campus QT.
24:58Palaban at top of the industry ang naging mentors nila.
25:02Hinubog ang skills nila sa public relations,
25:05kasama ang king of talk himself na si Tito Boy Abunda.
25:08Sumalang din sila sa workshop with acting queen mentor na si Anna Feleo
25:13at comedy workshop kasama ang kapuso actor-komedia na si Paolo Contis.
25:18Saksi ang inyong kumari sa pinagdaanan nilang sketches
25:21para makubog ang kanilang humor at wit.
25:24Para full package ang susunod na Campus Crush ng Bayan.
25:28Nagkaroon din sila ng modeling, grooming, dancing at voice lessons.
25:33So baybayan ang journey nila sa YouTube at Facebook page
25:37ng Sparkle GMA Artist Center.
25:42Misinformation, disinformation at malinformation.
25:46Yan ang paglalarawan ng Philippine Navy sa pahayag ng China
25:49na sinabayan ng kanilang Navy ang Joint Patrol ng Philippine Navy
25:52at Japanese Maritime Self-Defense Force sa West Philippine Sea.
25:56Diit ng Philippine Navy, walang coordinated patrols ng China ang namataan.
26:01Bumuntot lang daw ang Chiang Kai-class frigate ng China
26:04sa mga barko ng Pilipinas at Japan.
26:06Habang nasa Sabina Show at bawang din masinuk daw
26:08ang mga dati na ang karaniwang dami ng Chinese Coast Guard vessel.
26:15The Philippine Navy did not monitor any coordinated air and maritime patrols
26:20in our maritime zones.
26:22Reports like this are mere attempts at misinformation, disinformation and malinformation
26:29to shape the internal and domestic narrative
26:33of the Chinese Communist Party's illegal claims in our maritime domain.
26:45Ibinahagi sa inyong mare ng ilang cast members
26:48ng revenge drama series na Beauty Empire
26:50ang insights tungkol sa kanilang role na relates sila in real life.
26:55May mga times na mapapagod ka eh kasi no matter how much you plan to do something
27:07ganyan, and sobrang hirap nun para makuha, mapapagod ka talaga.
27:13So pamila talaga yung pagkukunan mo ng lakas.
27:16Sila talaga yung magiging inspirasyon mo.
27:18There is a side of me that is sweet, but syempre palaban po tayo dapat sa buhay.
27:25And dun din naman ako nakaka-relate sa karakter ni Shari.
27:29May mga layers si Velma na I can relate to.
27:32Like gagawin mong lahat para sa pamilya mo, gagawin mong lahat para sa pag-ibig.
27:37Pag-asawa mo na, pag-boyfriend medyo, mag-iwan ka para sa sarili mo.
27:43Nito'ng lunes, nagsimula na ang pinakamagandang laban na napapanood na sa streaming platform na View Philippines ang Beauty Empire.
27:53Si Barbie ang gumaganap na Norin Alfonso, si Kailin Alcantra naman si Shari De Jesus,
27:58at si Rufa Gutierrez naman ang gumaganap na si Velma Imperial.
28:02Sa July 7, mapapanood naman sa GMA ang Beauty Empire.
28:06Present din sa media ko ng Beauty Empire ang ilang cast,
28:09gaya ni na Sam Concepcion, Che Bomin, Sid Lucero, Chai Ponasher, Isay Alvarez, Gabby Padilla, at marami pang iba.
28:18Full force rin ang support ng executives ng GMA, Creation Studios, at View Philippines.
28:26Update po tayo sa panibagong low-pressure area sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
28:31Pausapin po natin si Pag-asa Assistant Weather Services Chief, Chris Perez.
28:36Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
28:37Magandang umaga, honey, at sa lahat po ng ating mga taga-subaybay.
28:42Saan-saan nga ho ba magpapaulan itong bagong low-pressure area natin?
28:47Tama, honey. May namonitor nga tayong bagong low-pressure area.
28:51At kanina, las 8 ng umaga, ay nandito sa may coastal waters ng Pangasinan Area.
28:56At inaasahan na magdudulot ito ng maulap na kalangitan at mga pagpulan dito sa Metro Manila, sa Central Zone, sa Lalawigan ng Benguet, Quirino, Nueva Biscaya, Pangasinan, Calabarzon, Oriental Mindoro, at Marinduque.
29:11Dahil nga dito sa truck ng low-pressure area na ito.
29:14Malakas ho ba ito o talaga hong pabugso-bugso lamang?
29:19Well, sa ngayon, Connie, malit naman ang chance sa maging bagyo nito.
29:22Pero kung magkita nga natin sa ating pinaka-latest satellite imagery,
29:27ay talagang yung makakapal na ulap nito ay tumatama dito nga sa kaluram or nakararaming bahagi ng Central and Southern Zone area.
29:34Kaya sana mga kababayan natin yung mga pagbugsong-bugsong ulan ngayong araw, hindi lamang sa Metro Manila, kundi doon nga sa mga nabangit nating mga karating lalawigan.
29:42Ano ho ang ibig sabihin kapag kamabilis na nalulusaw yung LPA pero agad ding nagkakaroon ng panibagong LPA, sa loob pa rin ho ng ating Philippine Area of Responsibility?
29:52Well, Connie, kasi yung minonitor natin during the last 24 hours ay nandito na sa may bandang Southern Luzon area.
29:59So, yung previous LPA na binabantayan natin, nagkaroon ng interaction with the land bus, nabasag yung kanyang circulation, yung organization nito.
30:07Yung kaulapan nga nito na hindi pa ganun ko-organize dahil nga nagkaroon ng interaction sa mga land bus ay tuluyan ng nalusaw o nag-dissipate.
30:14Subalit, may mga kaulapan dito nga sa West Philippine Sea, sa kalurang bahagi ng Northern Luzon area, na dahan-dahan naman nag-consolidate at nabuo at ito nga yung panibagong low pressure na binabantayan natin sa ngayon.
30:26Oho, bagamat sabi nyo nga kanina, maliit yung chance na maging bagyo nito.
30:31Pero normal ba na nasa kalagitnaan tayo ng toon pero parang wala pang mga bagyo maliban sa auring na dumaan po sa ating Philippine Area of Responsibility?
30:40Ano ba ang nakikita nating paliwanag dyan?
30:44Yes, Connie. From time to time, nangyayari dito sa atin na bagamat nasa neutral climate condition tayo,
30:50minsan, latter part of the second half, nagsisimula yung panahon ng bagyoan dito sa nating bansa.
30:56So, nangyayari ito occasionally, normal po ito.
30:59Subalit, ito nga, pag nagkaroon naman tayo ng mga bagyo, posibleng sunod-sunod naman yung mararanasan natin.
31:05Kaya sa mga kababayan po natin, dapat continuous monitoring sa mga pinapalabas na anunsyo ng pag-asa
31:09regarding mga potential na bagyo or maging mga regular weather system na pwede magdulot nga ng mga pagulan,
31:16lalo na ngayong panahon ng pasokan.
31:17Maraming salamat po sa inyong oras, Ibinayahagi dito sa Balitang Hallie, sir.
31:22Maraming salamat po at maganda umaga.
31:24Yan po naman si Pag-asa.
31:26Update po tayo sa panibagong low pressure area sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
31:31Pausapin po natin si Pag-asa Assistant Weather Services Chief, Chris Perez.
31:35Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hallie.
31:38Magandang umaga, honey, at sa lahat po ng ating mga taga-subaybay.
31:41Saan-saan nga ho ba magpapaulan itong bagong low pressure area natin?
31:45Tama, Connie. May namonitor nga tayong bagong low pressure area at kanina las 8 ng umaga
31:51ay nandito sa may coastal waters ng Pangasinan area at inaasana magdudulo dito ng maulap na kalangitan
31:59at mga pagulan dito sa Metro Manila, sa Central Zone, sa Lalawigan ng Benguet,
32:04Quirino, Nueva Biscaya, Pangasinan, Calabarzon, Oriental Mindoro at Marinduque
32:10dahil nga dito sa truck ng low pressure area na ito.
32:13Malakas ho ba ito o talaga hong pabugsu-bugsu lamang?
32:18Well, sa ngayon, Connie, malit naman ang chance sa maging bagyo nito
32:21pero kung magkita nga natin sa ating pinaka-latest satellite imagery
32:25ay talagang yung makakapal na ulap nito ay tumatama dito nga sa
32:29nakararaming bahagi ng Central and Southern Luzon area.
32:34Kaya sana mga kababayan natin yung mga pagbugsu-bugsong ulan ngayong araw,
32:37hindi lamang sa Metro Manila, kundi doon nga sa mga nabangit nating mga karating lalawigan.
32:41Ano ho ang ibig sabihin kapag kamabilis na nalulusaw yung LPA
32:45pero agad ding nagkakaroon ng panibagong LPA
32:47sa loob pa rin ho ng ating Philippine Area of Responsibility?
32:52Well, Connie, kasi yung minonitor natin during the last 24 hours
32:55ay nandito na sa may bandang Southern Luzon area.
32:58So, yung previous LPA na binabantayan natin,
33:01nagkaroon ng interaction with the land bus
33:02na basag yung kanyang circulation, yung organization nito,
33:06yung kaulapan nga nito na hindi pa ganun ko-organize
33:09dahil nga nagkaroon ng interaction sa mga land bus
33:11ay tuluyan ng nalusaw o nag-dissipate.
33:13So, balit, may mga kaulapan dito nga sa West Philippine Sea
33:16sa kandurang bahagi ng Northern Luzon area
33:18na dahan-dahan naman nag-consolidate at nabuo
33:21at ito nga yung panibagong low pressure na binabantayan natin sa ngayon.
33:25Oho, bagamat sabi nyo nga kanina, maliit yung chance na maging bagyo nito.
33:30Pero normal ba na nasa kalagitnaan na tayo ng toon
33:33pero parang wala pang mga bagyo, maliban sa auring
33:36na dumaan po sa ating Philippine Area of Responsibility?
33:39Ano ba ang nakikita nating paliwanag dyan?
33:43Yes, Connie.
33:44From time to time, nangyayari dito sa atin na
33:46bagamat nasa neutral climate condition tayo,
33:49minsan, latter part of the second half,
33:52nagsisimula yung panahon ng bagyohan dito sa nating bansa.
33:55So, nangyayari ito occasionally, normal po ito.
33:58Subalit, ito nga, pag nagkaroon naman tayo ng mga bagyo,
34:01posibleng sunod-sunod naman yung mararanasan natin.
34:04Kaya sa mga kababayan po natin,
34:05dapat continuous monitoring sa mga pinapalabas na anunsyo ng pag-asa
34:09regarding mga potential na bagyo
34:11or maging mga regular weather system na pwede magdulot nga
34:14ng mga pag-ulan, lalo na ngayong panahon ng pasukan.
34:17Maraming salamat po sa inyong oras,
34:18ibinayahagi dito sa Balitang Hallie, sir.
34:22Maraming salamat po at maganda umaga.
34:23Yan po naman si pag-asa Assistant Weather Services Chief, Chris Perez.
34:27Ito ang GMA Regional TV News.
34:31Sa gitna ng pagbabalik eskwela,
34:34doble ingat ang ginagawa ng mga estudyante at guro
34:37ng Buhisan Elementary School dito sa Cebu City.
34:40Nakitaan kasi ng mga opisyal ng CDRRMO
34:43ng malalaking bitak ang opisina, classroom at lupa ng eskwelahan.
34:49May posibilidad ding gumalaw ang lupang kinatitirikan ng paaralan.
34:53Ayon sa punong guro ng eskwelahan,
34:55gustuhin man nilang lumipat, wala silang malilipatan.
34:58Kaya tuloy pa rin ang pagbubukas ng klase roon nitong lunes.
35:02Handa naman daw silang magpatupad ng modular distance learning
35:06sa tuwing masama ang panahon.
35:07Sa ngayon, nasa mahigit 700 elementary students ang enrolled
35:11at mahigit 300 high school students naman
35:14ang gumagamit ng paaralan para sa night classes.
35:17Ayon naman sa Cebu City Hall,
35:19may lupa ng paglilipatan sa apektadong paaralan
35:22pero may mga proseso pa raw na kailangang gawin.
35:26Nakikipagugnayan na rin ang DepEd Region 7 sa LGU
35:29para mahanapan ng agarang solusyon ang problema.
35:31Samantala tuwing tag-ulan,
35:37masarap talagang humigop-higop ng sabaw.
35:40At kapag sinabing lipabatangas,
35:42ala e, lomi na ang pambato.
35:44Yan nga ang ibinida sa isang eating competition doon.
35:48Labindalawang empleyado ng City Hall
35:49ang kumasa sa Extra Yummy Challenge.
35:53Anim sa men's category at anim sa women's.
35:56Para tanghalin na lomi king and queen,
35:59isa lang naman ang dapat gawin.
36:01Maging pinakamabilis na magsimot-sarap
36:03ng isang mangkok ng mainit,
36:05kompletos ricados at OG na lomi Batangas.
36:09Bahagi ang contest ng pagdiriwang
36:11ng 78 Cityhood Anniversary ng Lipa.
36:14Kalusugan ng mga estudyante
36:25ang isa sa mga tinututukan daw
36:26ng Department of Education
36:27para tugunan ang learning crisis sa bansa.
36:30May ulat on the spot si Maki Pulido.
36:33Maki!
36:38Magkasama ang Deped at DOH ngayong umaga
36:41para ilunsan itong PhilHealth Consulta
36:44dito sa Esteban Elementary School
36:46dito sa May Quezon City.
36:48Dito ay pinagrehistro na yung mga magulang
36:50para maka-avail sila
36:52nitong PhilHealth Consulta Package.
36:54Ito yung medical consultation
36:56at laboratory tests
36:58na sagot ng PhilHealth
36:59sa mga participating health facilities.
37:02Ang tanging requirement lamang dito, Rafi,
37:04ay magparehistro.
37:05Ang kalusugan daw kasi ng mga estudyante
37:07may kinalaman sa kanilang learning.
37:10Kaya in fact,
37:11pagkatapos nilang magparehistro sa PhilHealth,
37:13meron na rin available dito ngayon
37:15sa Esteban Abada Elementary School
37:17na magpakonsulta sa doktor
37:19pati mga laboratory tests.
37:21Aminado naman ang Deped, Rafi,
37:23na may learning crisis sa Pilipinas
37:25kung saan hindi raw angkob
37:27sa kanilang grade level
37:28ang pagbasa at pagbilang.
37:30Reaction nito ni Deped,
37:32Secretary Sonny Angara
37:33sa assessment ng UNICEF
37:34na may learning crisis sa bansa.
37:37Sa assessment ng UNICEF,
37:39lumala ito noong COVID pandemic.
37:40Tinayak ni Angara
37:42na may mga ginagawang hakbang
37:43ang Deped to address this
37:45at ito raw ang isa
37:46sa kanilang tututukan
37:47sa natitirang tatlong taon
37:49ng Marcos administration.
37:51So sabi naman sa atin dito
37:52ng principal ng Esteban Abada
37:54ay sa paralan nila
37:56napababa naman nila
37:57yung bilang ng mga learning difficulty
38:00dahil nag one-on-one session.
38:03Ito yung intervention
38:04na kanilang ginawaan.
38:05Sa loob ng isang taon
38:07ay nagkaroon ng one-on-one session
38:08yung mga teacher
38:09at mga bata
38:11post-pandemic.
38:12So ang problema raw ngayon,
38:13sabi sa atin
38:14ang principal ng para lang ito
38:15ay gadgets.
38:17Bumabagal yung learning
38:18ng mga bata
38:19dahil sa pagtutok nila
38:20sa kanilang mga gadgets.
38:22Rafi?
38:23Maraming salamat,
38:24Maki Pulido.
38:25Abisala mga Encantadix!
38:33Finally,
38:34ay nasagot kagabi
38:35kung bakit mapupunta
38:37sa mundo ng mga tao
38:38si Danaya Sanya Lopez.
38:42Ihanda ang aking tagapagmana?
38:47Hindi ba't inihanda ko na nga si Gaya?
38:50Sundin niyo ang aking utos!
38:53Wala ni isa sa inyo
38:55ang may karapatan
38:57mga tuiran sa akin!
38:59Ipinakilala na si
39:00Hara Cassandra ng Lireo
39:02played by Michelle D.
39:04Gusto ni Cassandra
39:05na magtungo
39:06ang pamilya ni Danaya
39:07sa mundo ng mga tao.
39:08Kasunod ito
39:09ng pag-uusap
39:10ni na Cassandra at Kasyopeya
39:12played by Solene Hussaf
39:13tungkol sa kapalaran
39:15ng anak ni Danaya.
39:16Maagang masasawi si Gaya
39:18played by Cassie Lavarias.
39:21Sa kanyang mata
39:21makikita
39:22ng sinaunang reyna
39:23na si Tera
39:24played by Bianca O'Malley
39:26ang bagong
39:27tagapagliptas
39:28at tunay
39:29na magmamana
39:29ng brilyante ng lupa.
39:31Ni-revealed din
39:32sa episode na si PBB
39:34celebrity collab
39:35housemate
39:35Mika Salamangka
39:36ay si Anna Ka
39:38ang alagang kuwago
39:39ni Kera Mitena
39:40played by Rian Ramos.
39:42Ipinasilip naman
39:47ng ilang cast members
39:48ang kanilang behind the scenes
39:50sa set ng Sangre.
39:51Kabilang dyan
39:52si na Alena Gabby Garcia
39:54at
39:54Perena Glaiza De Castro.
39:56Enjoy sa pagbabaliktiping
39:58si Solene
39:58na may BTS
39:59sa kanyang jardin.
40:01May pa-BTS din
40:02si Bianca Manalo
40:03as Olgana
40:04sa Mineave.
40:05Subaybayan
40:06ang Encantadio Chronicle Sangre
40:08tuwing alas 8 ng gabi
40:09pagkatapos ng 24 oras
40:11sa GMA Prime.
40:18Nakataas po ngayon
40:19ang rainfall advisory
40:20sa ilang bahagi
40:21ng Central at Southern Luzon.
40:23Ayon sa pag-asa
40:24apektado po ang
40:24Tarlac, Pampanga,
40:26Bulacan, Laguna,
40:27Bataan
40:28at sa ilang panig
40:29ng Zambales,
40:30Nueva Ecija
40:30at Quezon.
40:32Ang maulang panahon
40:33sa mga nasabing lugar
40:34ay epekto ng
40:35low pressure area
40:36o ng bagong
40:37low pressure area
40:37malapit po
40:38sa Pangasinan.
40:40Tatagal ang
40:40rainfall advisory
40:42hanggang alas 2
40:42mamayang hapon.
Be the first to comment