00:00Usap-usapan na ngayon sa Senado kung sino-sino ang tatayong minority bloc.
00:05May pahayag naman dito ang mga Senador. Yan ang ulat ni Daniel Manalastas.
00:11Di pa man nagsisimula ang 20th Congress, pero may mga alingas-ngas na kung sino ba ang tatayong minority bloc sa Senado.
00:19Si Senadora Riza Conteveros na kasalukuyang nasa minoria, ngayon palang nilino ng walang planong sumali sa tinatawag na Duterte bloc
00:28o ang grupo ng mga Senador na kaalyado ni dating Pangulong Nodrigo Duterte.
00:32Wala po akong planong sumali sa isang Duterte bloc.
00:40Bwede pong lahat kaming mga colleagues dito sa Senado ay patuloy na makipagtulungan sa mga usapin ng common advocacies.
00:47Nasa wishlist naman ni Conteveros, sina Sen. Elec Kiko Pangilinan at Sen. Elec Bam Aquino na makasama sa minoria
00:55o di kaya naman ay sa isang independent bloc.
00:58Target din daw nila Conteveros na palakasin at pag-isahin ang kanilang puwersa.
01:03Kaya hindi na iwasan tanungin kung para na ba ito sa 2028 presidential elections.
01:09I'm not saying no. I'm open to all possibilities.
01:12At yun yung hinihingi ko din sa lahat ng mga kasama sa oposisyon or independent bloc
01:17na maging bukas kami sa lahat ng possibilities at sa isa't isa alang-alang sa oposisyon at alang-alang sa ating mga kababayan.
01:28Kinumpirma naman ni Sen. Rona De La Rosa na sa ngayon ang kasali sa Duterte bloc ay siya,
01:33si Sen. Elec Rodante Marcoleta, Sen. Bongo, Sen. Robin Padilla at Sen. Aimee Marcos.
01:41Di pa makumpirma kung kasama na rin si na Sen. Elec Camille Villar pati na rin si Sen. Mark Villar.
01:47Hindi pwede baliwalaan. Malaki-laking grupo rin yan.
01:50Wala pa kami ang desisyon. Hintayin naman yung pag-uwi ni Iguan.
01:53Pag-uwi ni Ruben Padilla, galing abroad. Pag-usap kami.
01:57Tungkol naman sa impeachment na nindigan si Ontiveros na obligasyon ito ng Senado.
02:02Kahit paraw bukas si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na makipag-ayo sa mga Duterte.
02:08Ito ay dahil daw tin-transmit na ng Kamara ang articles of impeachment sa Senado.
02:17So, magiging pahirapan for either side.
02:25Ipaglalaban ang bawat boto.
02:26Because we have yet to hear even the first piece of evidence.
02:29At doon naman kami babatay at dapat bumatay.
02:33Bilang senator judges na exercising neutrality.
02:38Daniel Manolastas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.