00:00Magandang gabi Pilipinas!
00:02Bayan inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:05ang batas na titiyak sa matibay na pundasyon ng mga bata.
00:10Sa ilalim ng Early Childhood Care Development System Act,
00:14pangangalagaan ang lahat na mahalagang aspeto sa paghubog sa kanilang paglaki.
00:20Kasama na rin dito ang malawakang pagutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan
00:24para maipatupad ito sa buong bansa.
00:27Yan ang ulap ni Kenneth Pasyente.
00:30Para lalo pang paigtingin ang pangangalaga sa mga batang Pilipino,
00:36nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:38ang Republic Act No. 12199 o Early Childhood Care and Development System Act
00:43na magtitiyak na palalakasin ang edukasyon, nutrisyon at proteksyon
00:47para sa mga bata mula pagkapanganak hanggang edad lima.
00:50Layon itong maibigay sa mga bata ang matibay na pundasyon
00:53sa pinakamaagang yugto ng kanilang buhay.
00:55Ang Early Childhood Care and Development Council
00:58ang mangunguna sa pag-aalaga sa mga batang wala pang limang taon
01:01habang ang Department of Education naman ang mangangalaga sa mga nasa edad lima hanggang walo.
01:06Bahagi rin ang batas ang pagtiyak ng serbisyo para sa mga bata na may kapansanan
01:10kasama na ang maagang intervention at inclusive education.
01:14Kasama sa ipinatutupad na sistema,
01:16ang malawakang koordinasyon ng mga ahensya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan
01:20upang maipatupad ito sa buong bansa.
01:23Pinuri naman ni Senate Committee on Basic Education Sen. Sherwin Gatchalian
01:26ang hakbang na ito ng Pangulo.
01:28Ipinunto niya na dapat mabigyan ng pansin ang pundasyon ng kabataan
01:32lalo na sa murang edad dahil dito anya nakasalalay ang kanilang pagkatuto.
01:36Ikinalugod din ang 2nd Congressional Commission on Education ng Batas
01:39lalo't inilalagay nito sa tamang direksyon ang sistema ng edukasyon
01:43upang matugunan ang ugat ng hamon sa pagbasa at pagsulat
01:47sa pamamagitan ng pagtutok sa nutrisyon at edukasyon sa murang edad.
01:51Lumalabas daw kasi sa pag-aaral na matutugunan ang ilang problema
01:54gaya ng drop-out rates at mapapalakas ang literacy rates
01:57kung tutugunan ang foundation years ng mga bata.
02:00Nitong Abril, maaalalang sinaksihan ng Pangulo
02:02ang paglagda sa Joint Memorandum Circular
02:04para sa pagtatayo ng Child Development Centers.
02:07Nasa 300 CDCs ang target na maitayo
02:10kung saan mabibigyan ng prioridad ang mga low-income barangay
02:14na wala pang CDC.
02:15Alinsunod sa mga alituntunin ng Joint Circular,
02:18dapat magsumite ang mga LGU ng kanilang budget request
02:21sa pamamagitan ng DBM Apps portal
02:23kung saan susuriin at irerekomenda ng DepEd
02:26ang mga kwalipikadong proyekto.
02:28These CDCs are venues for the implementation
02:30of early childhood care and development center programs
02:34and services,
02:35especially the early learning programs
02:38and family support program.
02:39Sa mga center na ito,
02:42maaaring makapaglaro, makapagbasa,
02:45at makapag-aral ang ating mga kabataan.
02:48It can also be used as a resource center
02:51for developmentally appropriate learning materials
02:54and a laboratory for conducting research,
02:57data gathering,
02:58and innovations about early childhood.
03:01Kenneth, Pasyente.
03:03Para sa Pambansang TV,
03:05sa Bago, Pilipinas.