00:00Tiwala ang World Bank na makababawi sa susunod na taon ang ekonomiya ng Pilipinas
00:05sa bahagyang bumagal o nabahagyang bumagal ngayon 2025
00:09dahil sa iba't ibang hamon tulad ng mga kalamidad.
00:13Si Gav Bilega sa Sentro ng Barita.
00:17Positibo ang World Bank na lalo pang lalakas ang paglago ng ekonomiya ng bansa
00:21sa susunod na dalawang taon sa kabila ng naging mabagal na paglago ng ekonomiya ng bansa ngayon taon.
00:26Batay sa kanilang projection, aabot sa 5.1% ang inaasahan projected economic growth ng bansa ngayon taon
00:34at inaasahan na aakyat ito sa 5.3% sa susunod na taon at 5.4% pagsapit ng taong 2027.
00:43Ayon sa World Bank, palalakasin ng matibay na domestic demand ang magiging paglago ng ekonomiya.
00:48Nakikita ng World Bank na mananatiling malakas ang private consumption
00:52dahil sa nananatili pa rin mabagal ang inflation sa bansa.
00:55Nananatili rin mataas ang employment rate sa bansa at ang mas mababang interest rate
01:00dahilan upang maging madali ang pangungutang.
01:04Inaasahan rin na muling lalakas ang infrastructure projects ng gobyerno at pribadong sektor,
01:09pati rin ang pagganda ng business environment para sa sektor ng telekomunikasyon,
01:13transport, logistics at renewable energy
01:16dahil sa mga bagong ipinapatupad na investment liberalization reforms ng pamahalaan.
01:21Ilan sa mga nagpabagal sa ekonomiya ng bansa ngayon taon ay ang pagtama ng sunod-sunod na mga bagyo.
01:29Inaasahan rin na mananatiling mabagal ang pagtaas ng inflation sa susunod na dalawang taon.
01:35Ayon sa senior economist ng World Bank na si Jafar Al-Ricabi,
01:39para muling lumakas ang pagpasok ng investment sa bansa.
01:42Kailangan ng pamahalaan na palakasin pa ang mga institusyon para mapanatili ang tiwala ng publiko.
01:49Masigurong tuloy-tuloy na nababayaran ang bansa ang mga utang nito
01:53at ang panghuli, maipatupad ng maayos sa mga reforma para mapataas pa ang malilikhang mga trabaho,
02:00lalo na sa sektor ng renewable energy at logistics.
02:03This type of reforms are going to be really important to improve the efficiency of expenditure.
02:09Now, what we think is, it might be some of these reforms might be disruptive in the short term, right?
02:16But over the medium term, these can be very important to improving the efficiency of expenditure
02:21and improving fiscal conspitation.
02:23Tiwala pa rin ang ekonomista na si Michael Ricafort na mananatili pa rin ang Pilipinas
02:28bilang isa sa mga bansa na may pinakamabilis na pag-unlad ng ekonomiya sa Asia at sa ASEAN region.
02:35Gab Villegas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments