00:00Ititigil muna ng Agriculture Department ang pagpapatupad ng maximum suggested retail price sa Baboy.
00:06Umaaray naman ang mga retailer ng bigas ngayong mabenta ang 20 pesos per kilong bigas sa Metro Manila.
00:13May report si Bernadette Reyes.
00:18March 10 pa, sinimulang ipatupad ang maximum suggested retail price o MSRP sa Baboy sa Metro Manila.
00:25Pero hirap pa rin ng mga retailer na sundin ito pagkalipas ng mahigit dalawang buwan.
00:30Ang liyem po halimbawa, 380 pesos per kilo ang MSRP.
00:34Pero ang bentahan nito sa ilang pamilihan, umaabot sa 480 pesos ang kilo.
00:39Kailan taas na? Hindi po kaya talaga. Kasi po, taas na naman.
00:44Dahil dyan, pansamantalang iihinto ang pagpapatupad ng MSRP sa Baboy habang pinag-aaralan kung paano ito mas efektibong maipatutupad.
00:52Dahil nga sa pagkawala ng Baboy dahil sa ASF, and there is so much demand because of the present election,
01:01hirap na ma-implement yun. So we're going to study it again.
01:05Sabi ng Department of Agriculture, sapat naman ang supply ng Baboy.
01:09Manipis ang supply ng local pork pero marami ang imported pork.
01:13Dumadaing din ang mga retailer ng bigas. Mas pinapakyaw kasi ng mga mami-mili ang 20 pesos per kilong bigas,
01:20kaya ang mas mahal nilang bigas na titenga.
01:23Pagka laging may stocks, malulugi kami.
01:25Pero para sa mga mami-mili, malaking bagay ang bagsak presyong bigas.
01:29Kaya kahit nasa kalahating oras ang pagpila sa Agora Complex sa Navotas,
01:34tiniis yan ng mga mami-mili para makabili ng 20 pesos per kilong bigas.
01:38Sa sobrang saya, naiiyak ako. Marami-raming araw na yung kakainin naman.
01:43Mahalaga naman po yung 1 kilo 20 lang o halimbawa 100 o 5 kilo na yun.
01:47Yung sobrang nun, mabili mo na na ulam.
01:49Sabi naman ang DA,
01:51Ililimit natin muna yung selling nila to a certain time para naman makapag-sell sila ng iba at another time.
01:58Para at least meron naman siyang makita.
02:02Ikalawang araw nang may ibinibentang ganito sa Metro Manila, ngayong tapos na ang election ban.
02:07Itong P20 po is a conversion po ng ating P29 project ng Kadiwa.
02:12Ayon sa Malacanang, iniutos ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagbibenta nito sa ilang Kadiwa Center
02:17tulad sa DA Central Office sa Casan City, sa Barangay San Antonio, Paranaque,
02:22AMVA Cooperative sa Valenzuela, Bureau of Plant Industry sa Maynila,
02:26Kadiwa Center sa Malabon, PNPSPD sa Taguig, Kalentong Market sa Mandaluyong at sa Public Market sa Pasay.
02:34Nauna nang ibinenta ang 20 pesos kada kilang bigas sa Visayas.
02:38Bukas, mabibili na rin ang mas murang bigas sa 32 kadiwa centers sa Bulacan, Cavite, Mindoro at Rizal.
02:45We hope na kahit sa market po ay maibaba nila ang presyo ng bigas na hindi naman po din naaapektuhan ng ating mga magsasaka.
02:53Bernadette Reyes, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:04Say YouTube.
Comments