00:00Tumulong sa mga nangangailangan at magbigay ng kasiyahan sa kapwa.
00:04Kabilang ito sa mga panawagan ni Pagulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga Pilipino ngayong Kapaskuhan.
00:11Paalala pa ng Pangulo, huwag kalimutan ang tunay na tiwa ng Pasko.
00:17Hanga din niya ang maayos na pamumuhay ng bawat Pilipino. Yan ang ulat ni Kenneth Paciente.
00:23Magsilbing liwanag at maging mabuti sa kapwa. Yan ang mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga Pilipino ngayong araw ng Pasko.
00:34Binigyang diin niya ang diwa ng Paskong Pilipino bilang panahon ng kasiyahan, pagmumuni-muni at pagbabahagi ng mga biyaya lalo na sa mga nakararanas ng hirap sa buhay.
00:45Paalala ng Pangulo, sa kabila ng mga salo-salo at pagtitipon, mahalagang itoon ang pansin sa mga pinakanangangailangan ng tulong.
00:53Kabilang na ang mga may hirap, may sakit, biktima ng kalamidad at yaong mga nasa laylayan ng lipunan.
01:00Binigyang halaga niya ang pagpapakita ng espesyal na pagmamalasakit sa mga bata na siya ang niyang pinakadiwa ng pagdiriwang ng Pasko.
01:07Kasabay ang paghimok sa lahat na ipamalas ang kabutihan, kasiyahan at malasakit sa bawat makakasalamuha bilang pagtupad sa tunay na kahulugan ng panahon ng Pasko.
01:16Ipinahayag din niya ang kanyang pag-asa na matupad ang mga pinakamimithi ng bawat Pilipino at napatuloy na gabayan ng pagmamahal at kabutihang loob ang mga pamilya at pamayanan sa buong bansa.
01:27Hinimok din niya ang mga Pilipino na magpasalamat sa mga biyayang kanilang natanggap sa buong taon.
01:33Sa pagtatapos nitong taon, tayo ay magpasalamat para sa mga biyayang ating natanggap na sa lahat ng pagsubok na buong tapang nating hinirap, tayo ay naging matagumpay.
01:45Hangad din niya ang maaluan na pamumuhay ng bawat Pilipino na yung darating na bagong taon.
01:50Sa salubong natin sa Pasko at ng bagong taon, naway lalo pa tayo mabiyayaan ng magandang kalusugan, mapaligiran ng mabubuting pamilya at kaibigan at magkaroon ng mas masaganang kabuhayan.
02:05Kaya po, mula sa aming pamilya, kami ay bumabati sa inyo ng maligayang Pasko at maligong bagong taon.
02:14Kenneth Pasyente para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Be the first to comment