00:00Pagkatapos ng butohan at bilangan, nakatutok naman ngayon ang ilang LGU sa pagtatanggal ng campaign materials at sangkaterbang basura.
00:11Ang mainit na balita hatid ni EJ Gomez.
00:16Dalawang araw na ang lumipas matapos ang eleksyon at ang eksena ng mga lokal na pamahalaan ngayon,
00:22paglilinis ng sangkatutak na eleksyon para Fernelia gaya ng mga posters.
00:27Sa Marikina mula kahapon, abala ang mga tauhan ng barangay-barangka sa paglilinis at pagtatanggal ng mga eleksyon para Fernelia,
00:35gaya ng mga tarpaulin at poster ng mga tumakbong kandidato.
00:38Sangkatutak daw na posters ang kanilang nakokolekta.
00:42Aabot daw sa tatlongpong sako ang dami ng posters na kanilang natanggal kahapon.
00:46Nakalahati raw nito ang isang dump truck na nag-pick up ng kanilang mga basura.
00:50Target daw nila natanggalin ngayong araw ang mga poster na kailangang akyatin dahil nakasabit sa mga linya ng kuryente o matataas na lugar.
00:58Actually po, sobrang dami talaga ng mga tarpaulin, ng mga nakasabit, yung billboard, then yung mga nakasabit na kayo sa pader.
01:06Sa mga billboard po ma'am, mahirap talaga dahil gagamit pa po kayo ng martilyo, ng flyers, ng hagdanan.
01:13Meron po kasi tayo mga nakasabit like sa mga wirings natin sa may poste.
01:18Yun po ang susunod namin trabaho ngayon.
01:20Pus-pusan din ang pagbabaklas at paglilinis ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila.
01:29Sa pagadian Zamboanga del Sur, tambak din ng basura ang naiwan sa isang paaralan matapos ang botohan.
01:35Di lang sa loob ng polling precinct.
01:37Sanda makmak na campaign material din ang naiwan sa mga pader at puno.
01:42Nagsimula na rin ang mga tagalawag Ilocos Norte sa pagbabaklas ng campaign materials.
01:46Ilang grupo ang nagtulungan para i-recycle ang mga mapapakinabangan pa.
01:52Nag-clearing operations din ang Iloilo City General Services Office sa mga naiwang campaign para Fernelia.
01:58Sabay paalala ng lokal na pamahalaan sa mga kandidato na tumulong sa pagbabaklas ng posters.
02:04May panawagan ang grupong Eco-Waste Coalition.
02:06Ito ay simbolo at panawagan sa ating mga kandidato sa nasyonal at lokal na maglinis na.
02:18Ito na yung araw na kailangan ay ang lahat naman ng focus nating lahat ay sa paglilinis at pagtanggal ng lahat ng election para Fernelia.
02:28Manalo at matalo, maglinis po kayo.
02:31EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:36EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments