00:00Patay na pero kumukubra pa rin ang pensyon.
00:03Yan po ang nabisto ng ilang taga-Maynila
00:05nang mapansin nilang pirmato sa listahan ng mga nakatanggap ng pensyon
00:09ang pangalan ng ilang kaanak nilang matagal ng patay.
00:13Balitang hatid ni Jomer Apresto, Exclusive.
00:20Halos apat na taon ng patay ang 84 years old na si Santos Conde,
00:24residente ng isang barangay sa Santa Ana, Maynila.
00:26Pero nagtaka ang kanyang kaanak na mayroong nagkiklaim umano
00:30ng social pension niya na 500 piso kada buwan
00:33mula sa lokal na pamahalaan ng Maynila.
00:36Bukod kay Santos, may kumukuha rin daw sa pensyon ng kanyang bayaw
00:39na si Efren de la Rosa na apat na taon na rin patay.
00:43Ang kapatid ni Efren na kumuha ng sariling pensyon
00:45ang nakakita na nasa listahan pa ang kanyang kapatid.
00:49Agad daw silang dumulog sa Office for the Senior Citizens Affairs
00:52o OSCA ng Manila LGU.
00:54Doon nila nakita na may mga nakapirma sa pangalan ni Efren at Santos
00:59para sa payout ng January 2026 hanggang March 2026.
01:03Hindi rin daw bababa sa sampung senior citizens sa nasabing barangay
01:07ang patay na pero nasa listahan pa rin at may kumukuha rin
01:11ng kanilang pensyon.
01:12The worst thing is nakakapag-payout sila and then may signatures pa.
01:16Ang malalasar na pipirmahan nila, ang dinodoktor nila yung signatures.
01:21Ayon kay Dara, mga opisyal ng barangay lang ang may authority
01:24na humawak ng dokumento para sa payout sa beneficaryo.
01:27Nang matuklasan nila at ilapit sa OSCA,
01:29lumapit daw sa kanilang kapitan ng barangay.
01:32Iginiit daw na wala siyang alam sa nangyari.
01:34Biro niyo sir, four years. Sa four years na yun, kung hindi pa makita
01:38nung tita ko yung signature nung tito ko, hindi nila i-de-declare
01:43yung mga senior na patay na.
01:45Nagmamakaawa yung chairman namin.
01:46Biglang sabi na baka naman pwedeng i-urong na lang kung anong gagawin.
01:50Ibibigay ko yung sahod nung dalawa, i-urong nyo lang.
01:53Maling-mali, kustisya.
01:56Desidido ang pamilya ni Dara na ituloy ang reklamo
01:59laban sa barangay officials na sangkot umano.
02:01Ang asawa ni Lolo Santos na si Elsa, hindi makapaniwala sa nangyari.
02:05Malapit daw sa kanilang pamilya ang kapitan at sekretary ng barangay.
02:09Hindi ho namin akalain na gagawin niya sa pamilya namin ng ganyan.
02:13Ang hirap po ba tanggapin na ganun?
02:15Kasi alam ho ng buong barangay kung gano'n kami kahirap.
02:18Narito ako sa mismong barangay hall na inire-reklamo ng ilang residente.
02:22Sinubukan namin makipag-ugnayan sa mga opisyal ng barangay
02:24pero ayon sa ilang nakaduti na tanod,
02:26e walang mga opisyal ng barangay na nakaduti sa mga oras na ito.
02:31Bukod sa investigasyon ng OSCA,
02:33dumulog na rin kanina sa istasyon ng pulisya ang pamilya ni Dara
02:36para magsampa ng reklamo.
02:38Ayon sa pulisya, posibleng maharap sa patong-patong na reklamo
02:41ang mga sangkot sa nasabing iligal na aktividad.
02:43Kabilang na rito ang malversation of public funds,
02:46falsification of public documents at estafa.
02:49Ayon naman sa DILG,
02:50aalamin muna nila ang katotohanan sa likod ng kwento
02:53bago magbigay ng komento.
02:54So, hinihintay pa namin ang tugon na Manila LGU
02:57kaugnay sa nangyari.
02:58Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA News.
Comments