00:00Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panunumpa ng mga bagong halal na opisyal
00:05ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. o FFCCCII.
00:12Nasa 265 na bagong opisyal ang nanumpa.
00:16Kapilang dito ang corporate officers, honorary presidents, board members, executive directors,
00:22chairman at vice chairman ng 17 working committees, regional executive directors,
00:27at mga miyembro ng Council of Representatives.
00:31Sa kanyang talumpati, binigandiin ng Pangulo ang matatag na ugnayan ng pamahalaan at ng pederasyon
00:36na nagtataguyod ng mga programa para sa nation building,
00:39kabilang na ang pagtutulungan sa pagpapalakas ng edukasyon sa bansa,
00:43gayon din sa pagninegosyo.
00:46Umaasa ang Pangulong Marcos Jr. na mas tatatag pa ang ugnayan ito
00:50sa tulong ng mga bagong talagang opisyal katuwang ng gobyerno.