00:00Matapos pansamantalang ipatigil, balik na ulit sa Mercado o Kadiwa Center
00:05ang pag-ibenta ng 20 pesos na bigas ng pamahalaan
00:08kung saan tinatarget rin na palawigin pa ito sa mga sektor na pwedeng mapagbentahan ng murang bigas.
00:16Ang detalye sa Balitang Pambansa ni J.M. Pineda ng PTV.
00:22Maaga pa lang, marami na ang nakapila sa Kadiwa Store na ito sa Mandaluyong Public Market.
00:26Isa kasi ito sa mga unang nagbenta ng 20 pesos kada kilo ng bigas sa National Capital Region.
00:32Sa ngayon, tanging mga vulnerable sector lamang ang mabibentahan nito
00:36o yung mga senior citizen, PWD, solo parent at mga miyembro ng 4-piece.
00:41Ayon sa Department of Agriculture, malaking bagay ang murang bigas para makatulog
00:45at makatipid na mga Pinoy sa gitna ng matataas na bilihin.
00:49We will be in 32 centers and markets this week.
00:53Ang usual naman po natin na, based po sa run natin ng P29, yun po yung nang uubos natin
01:02nasa 30 bags of 50 kilos per week ang average.
01:08Sa outside Metro Manila ngayon, meron po tayo sa Bulacan, meron din po tayo sa Kalapan.
01:13Tapos by this week po, meron din tayo sa Cavite, Laguna.
01:17So yun po yung target natin.
01:19Noong ibinenta sa publiko ang P29 na kilo ng bigas, halos 30 hanggang 50 sako
01:25ang nai-deliver o mano ng ahensya sa mga kadiwa stores.
01:28Ibig sabihin daw nito, tinangkilik ito ng mga mamimili.
01:32Nauna na nang inulunsad ang pagbebenta ng P20 na bigas sa Visayas noong May 1.
01:37Pero pansamantala muna itinigil dahil nga sa inilabas na utos ng komisyon na eleksyon
01:41na ipagliban muna ang pagbebenta ng murang bigas dahil ikunukonsidera nga itong ayuda.
01:46Tumalima dito ang ahensya para na rin daw maiwasan ang bahid ng politika sa naturang programa.
01:52Wala pa nga kalahating araw, ubos na agad ang 20 pesos na kilo ng bigas
01:57dito sa kadiwa stores sa Mandaluyong Public Market.
01:59At ayon nga si Department of Agriculture, hindi lang vulnerable sector ang kanilang target
02:04dahil gusto rin nilang palawigin ng programa sa mga low, mid-class
02:09o yung mga minimum wage earners na naghirapan din sa taas ng mga bilihin.
02:13Sinagot rin ang ahensya ang mga taong pinupulaan ng kalidad ng murang bigas.
02:18Ito po ay local rice, meron po siyang 25% broken siya
02:24compared talaga sa mga imported na 5% premium.
02:29Iba po talaga yung quality niya pero definitely po,
02:32ito nga po yung sinasayang namin sa DA, ito rin sa bahay namin.
02:37Maganda po siya maalsa. Yun nga lang po, makikita natin yung grain,
02:42hindi po ganun kabuo dahil nga po 25% broken ito.
02:46At yung kaputian niya, syempre yung in-expect natin maputi na bigas,
02:49hindi po siya ganun kaputi. Pero definitely masarap naman po siya at malambot maalsa.
02:55Asahan rin daw sa mga susunod na linggo ay madadagdaga ng mga kadiwa store
02:59na magbebenta ng mga 20 peso na kilo ng bigas.
03:01Kahit ang mga LGU ay nakatakda na rin daw na magbenta nito
03:05para mailapit pa sa mga Pilipino ang murang bigas.
03:09Mula sa PTV Manila, J.M. Pineda para sa Balitang Pambansa.