Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/12/2025
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00At kabilang sa pinaka-inaabangan ang resulta ng Mayoral Ray sa Makati, Baluarte ng mga Binay.
00:07Doon kalaban ni Sen. Nancy Binay ang kanyang bayaw na si Congressman Luis Campos, asawa ni Mayor Abby Binay.
00:15Pero bago yan, kamustayin po natin ang botohan doon sa Live the Pagtutok ni Tina Panganibang Perez.
00:21Tina!
00:21Yes, Vicky, matapos dumagsa ang maraming botantes sa Nemesyo Yabot Elementary School kaninang umaga,
00:32ay nabawasan na yung bilang ng mga boboto pagdating ng hapon.
00:35At kasama sa mga nagtiis sa mainit na panahon at pabugso-bugsong ulan ay mga senior citizen.
00:41Mula Laguna, sakay pa ng ambulansya nang dumating sa presinto kung saan siya bumuboto sa Makati,
00:52si Adalberto Lavinia, 72 years old na cancer patient.
00:56Gusto lang din po niyang bumoto. Tinanong naman din po namin siya kung gusto niyang bumoto.
01:01Malaki ang priority polling place sa ground floor ng Nemesyo Yabot Elementary School.
01:05Pero maraming senior citizen ang piniling umakit na lang ng hagdan para sila mismo ang magpasok ng balota sa kanilang presinto.
01:14May mga nag-akalang nawala sila sa list of voters pero naiba lang pala ang kanilang presinto.
01:19This is the number that we have been using, 0895A.
01:24So now, sabi ko, kailan niyo pinost yan? Siguro daw mga two weeks ago.
01:29Ganon, two weeks ago. But without telling us na we're supposed to do that.
01:34Nakaboto rin sila sa priority polling place kalaunan.
01:38Si Rolando Tumalon, inilipat ang voter registration mula sa Mindanao patungong Makati pero hindi rin nakaboto.
01:46Last election, nakaboto pa kami sa province, sa Sambuanga.
01:49Ang pinapaliwanag nila, possibly ang verification daw ng application for transfer registration namin, may mga problema na nangyari siguro.
01:58Ang reklamo naman ng isang votante, nakashade na umano ang posisyon ng party list sa balotang inabot sa kanya.
02:05Napansin lang anya ito nang ishade na ang gusto niyang party list, kaya na-overvote siya sa party list.
02:11Sabi ko, gusto kong makount yung vote ko sa ano, kasi baka pag dalawa yung shade nito, hindi maka-count.
02:17Sabi ko, kasi aware naman ako na isa lang ang iboboto na party list.
02:22Chinicheck ko, front and back. Wala malinis lahat. Kaya nagtataka ako, baka kasi dahil senior, hindi niya nakita na baka na-shadean niya or dalawa na-shadean niya.
02:35Hindi naman bababa sa dalawang automated counting machine sa paara lang ito ang nasira at di tumatanggap ng balota.
02:43Pero naayos din matapos ang may isang oras.
02:46Isang sa mga binabantayan dito sa Makati ay ang labanan sa pagkaalkalde.
02:51Dahil sa pangalawang pagkakataon, dalawang membro ng pamilya Binay ang naglalaban.
02:56Sina Sen. Nancy Binay at Makati City Rep. Luis Campos, asawa ni Mayor Abe Binay.
03:03Tumatakbo rin sa pagkaalkalde, Sina Victor Neri at Orlando Steven Solido.
03:13Vicky, nandito tayo sa Makati Coliseum kung saan ginagawa ang canvassing ng mga boto dito sa Makati.
03:19May malaking screen dito sa loob ng Coliseum kung saan makikita ang mga pumapasok na resulta.
03:26Mula rito sa Makati, ako po si Tina Panganiban Perez. Nakatutok 24 oras para sa eleksyon 2025.
03:34Tina, habang nandiyan ka noong nagko-cover, ramdam mo ba itong intense rivalry sa pagitan ni Sen. Nancy Binay
03:41at ng kapatid niya na si Abby dahil yung asawa nga ni Abby ang tumatakbo at kumakalaban sa kanya, sa Mayoral race?
03:48Tina.
03:48Medyo Vicky, dahil yung ilang mga botahante na excluded o yung mga hindi nakaboto,
03:58ang concern talaga nila ay yung botohan sa Mayoralty race.
04:02Dahil sinasabi nila, ito ang gusto ko, ito ang gusto niya,
04:06at gusto ko mabilang sana yung boto ko, makadagdag doon sa kandidatong gusto ko.
04:12So doon sa race na yun, sa Mayoralty race, doon mo talaga mararamdaman yung kagustuhan ng mga taga Makati na mga kaboto, Vicky.
04:20Alright, sige, maraming salamat sa iyo, Tina.
04:22Panginiban peras, aabag niyo namin yung mga kaganapan diyan.
04:26Kung hindi Blankong Resibo ang inilalabas,
04:30hindi nakakabasa ng balota ang ilang makina sa Lipa, Batangas,
04:33kaya ang ilang botante iniwan na sa electoral board member ang kanilang mga balota.
04:38Nakatutok si Darlene Kai.
04:42Naging kontrobersyal ang kahong ito na pinaglagyan ng official ballots
04:47sa Clustered Precinct 167 sa Malitlit Elementary School sa Lipa, City, Batangas.
04:53May mga balota raw kasing nakalagay diyan na miyembro na ng EBO electoral board
04:57ang nagpapasok sa mga ACM o automated counting machine.
05:01Kinumpirma yan ng DESO technical support staff na assigned sa Malitlit
05:04para bantayan at solusyonan ng mga aberya.
05:06Yung po kasing mga bumoto, hindi na po siya ma-read.
05:12Nagkaroon nga po ng error yung ACM.
05:16Ang nangyari po doon, tinanong po muna yung mga bumoto
05:21kung sila po ba ay ano, kung anong magiging plano nila.
05:24Ang iba po ay nagmamadali at may mga pasok po sa trabaho.
05:30So ang iba po ay willing na iwanan na lang daw po nila
05:33at ipagkatiwala na lang sa mga naka-assign na teacher
05:38na sila na lang po ang maglalagay sa machine.
05:4144 na botanti ang nag-iwan ang kanilang mga balota
05:44sa third member ng electoral board
05:45at siyang nagsusubo ng mga balota sa ACM.
05:48Wala raw silang pinirmahang dokumento, verbal agreement lang.
05:51Alternate po yung nabaklag at saka yung nakapila sa ano,
05:56nakapila na mga bumoto, yung mga botanti po natin.
05:59Naayos din naman daw ang ACM.
06:02Dito naman sa Gaudensio B. Lontok Memorial Integrated School sa Lipa pa rin,
06:06nagkaaberyang ACM sa Clustered Precinct 211.
06:09Blanko ang lumalabas na resibo sa tuwing nagfifid ng balota ang botanti.
06:13Ang resibong tinutukoy ay ang Voter Verified Paper Audit Trail o VVPAT
06:17na piniprint ng ACM para ma-check ng botanti kung tama ang nagrehistrong boto sa makina
06:23base sa mga shined niya sa balota.
06:25Kaya natatagalan po ako, nakakaroon po ako ng delay
06:27dahil kung minsan po ang resibo ng botanti ay hindi agad nagpiprint out.
06:31Kada botanti, kailangang ipasok ni Ramil ang kanyang smart card
06:35para makapag-print ang ACM ng mga resibo.
06:38Kapag nagkataon po, doble rin po ang kailangan kong thermal paper
06:41dahil marami po ang natatapon.
06:43Ay kung ako noon po ay maghihintay na may ayos nila
06:47na hindi ko noon po alam kung kailan maayos,
06:49tatambak naman po ang aking mga botante.
06:51Nag-alala tuloy si Maricel.
06:53Walang laman eh.
06:54Pero, kumalma siya ng makitang tugma naman ang laman
06:57ng kanyang balota sa naprint sa resibo.
06:59Yun nga lang, talagang nagkapila sa presinto dahil sa Aberia.
07:04Ganyan din sa Clustered Precinct 217
07:06dahil iniluluwa ng ACM ang mga balota.
07:08Darlene Kay, nakatutok 24 oras para sa eleksyon 2025.
07:14Mula sa ilang katutubong Aita ng Zambales
07:18hanggang sa mga nakatira sa Kalayaan Islands sa West Philippine Sea,
07:23hindi po nauubo sa mga kwento ng tagumpay,
07:27sa pagboto, sa kabila ng mga hamon.
07:30Ang isa naman naming nakilala sa Pasig City,
07:34mayigit isang daang taon na.
07:37Nakatutok si Bam Alegre.
07:42Bago mag-alasais na umaga,
07:44nasa San Miguel Elementary School sa Pasig City na
07:46ang 101-year-old senior citizen voter na si Romeo Santana.
07:50Kasama niya sa pagboto ang kanyang kapatid na si Manuel Santana,
07:5392 years old, pati ang ilan pang senior citizen sa kanilang pamilya.
07:57Pero imbis na bumoto sila sa priority polling place sa ground floor,
08:00chinagana nilang akyatin ang ikatlong palapag para mabilis na makaboto.
08:04Gusto po yung pagboto po ninyo ngayon?
08:07Mahayos naman, walang problema.
08:10Nakiyat pa naman dito na meron kaming guide papunta dito.
08:14Kasi gusto kong iboto yung nagugusto akong kandidato.
08:19Karapat paon ko yun eh, para meron akong say sa pwedeng mangyari sa bayan.
08:25Sa Samalbataan, kabilang naman ang 103 years old na senior citizen
08:29at World War II veteran na si Onofre Bugay sa mga bumoto kanina sa early voting hours.
08:34Tinulungan siya ng kanyang asawa sa pagsulat sa balota dahil malabo na ang kanyang mata.
08:39Sa Isabela City sa Basilan, pinayagan din matulungan ng kanyang kamag-anak ang senior citizen na si Lola Paula
08:44na malabo na rin ang paningin.
08:46Nakaboto rin ang isang mild stroke patient at nakawheelchair na si Jesus Milan sa tulong na kanyang anak.
08:51Hindi rin alintana ang sakit sa ilang mga butante.
08:54Sa Batangas, matagumpay din nakaboto si Christopher na isang dialysis patient kahit pa naging pahirapan noong una.
08:59Hirap na hirap maglakad tapos akit panahagdalan ganyan.
09:03Pag akit mo nangahagdalan sa taso, wala yung present number mo.
09:06Eh Diyos ko po, parusa, parusang parusa.
09:09Kalaunay ibinaba ang balota niya at inakay para makaboto.
09:12Samantala sa Albay, isang 65-year-old na butante naman ang nasawi matapos niyang bumoto.
09:17Ayon sa pulis siya, pasado lang sa isang umaga na makaramdam siya ng pagkahilo.
09:21Na isugod pa rin sa ospital ang biktima pero itiniklarang dead on arrival.
09:24Hindi naman nagpahuli ang mga kababayan nating Aita sa Botolan Sambales na kahit hindi kasama sa priority voters, maaga pa rin pumila para makaboto.
09:33Tuloy-tuloy rin at walang naging malaking problema sa botohan sa Kalayaan, Palawan na mayroong 819 registered voters.
09:40Bamalegre, nakatutok 24 oras para sa eleksyon 2025.
09:45Kuha tayo ng update. Balikan natin si Marisol Abduraman sa Davos City. Marisol.
09:54Emil, nagpapatuloy pa rin nga dito yung Board of Canvassers dito sa Davos City.
10:03At sa pinakahuling ibinigay nila sa atin, as of 11, rather 8.11pm ngayon, ay nasa 811 na rin.
10:12Ang bilang ng mga election returns or katumbas ito ng 69% ang natatransmit na.
10:17Samantala, Emil, nasa umaabot naman sa 537,000 ang bilang ng mga actual na bumoto.
10:24At inaasahan, Emil, bagamat wala pa rin tayo siyempre ng actual voter turnout, unexpected na buboto.
10:30Or rather, ang bumoto dito sa Davos City ay aabot sa mahigit 1 million.
10:36So hopefully, Emil, siguro bago matapos yun. Kasi napakabilis lang.
10:39So yung nakikita ninyo dyan sa ating, although hindi sila nag-update ngayon dito, napakabilis kasi kanina lang,
10:45nung inipisahan nila ito ng exacto at 7pm, ang bilis ng pasok ng kanilang transmisyon.
10:50Pero meron daw ilang nagkakaroon ng mga delay kasi meron daw school na hindi agad nakapag-transmit.
10:54Kaya kailangan pa nilang lumipat sa ibang skwelahan.
10:57Ito yung mga remote na school kaya kailangan nilang lumipat dito sa mga skwelahan sa city para agad silang makapag-transmit.
11:03So hopefully, pagka na kumpleto na ang transmission itong lahat ng mga ERs, mapapabilis na rin nga.
11:09Itong pagbibilang ng boto dito sa Davao City.
11:11So ang tabayanan natin yan, Emil.
11:13So nandito pa rin po tayo dito pa rin sa Board of Canvassers dito sa Davao City.
11:18Live mula rito, ako si Marisol Abduraman, nakatutok 24 oras para sa eleksyon 2025.
11:24Maraming salamat, Marisol Abduraman.
11:28Pati ilang senatorial candidates eh hindi nakaligtas sa mga aberya sa botohan.
11:32At nakatutok si Oscar Oida.
11:34Labing limang minuto pa lang, matapos buksan ng early voting kaninang alas 5 para sa mga vulnerable sectors.
11:45Nasa Porak Elementary School sa Tampanga, si Sen. Lito Lapid.
11:49Kasabay rin ng isang senior citizen, pumila at bumoto si Ben Tulfo sa Pasong Tamo Elementary School sa Quezon City.
11:57Si Ping Lakson, ilang minuto lang ang inilagi sa kanyang polling presin sa Bayan Luma Elementary School sa Imus, Cavite at nakaboto agad.
12:08Maaga rin dumating sa Perpetual Village sa Bacuor, Cavite si Sen. Bong Rebilla, kasamang asawang si Congresswoman Lani Mercado.
12:16Matsaga rin pumila sa kanyang polling presin sa Quezon City si Willie Rebillame.
12:21Gayun din si Sen. Francis Tolentino sa Tagaytay City, Cavite at si Congressman Rodante Marcoleta na pumila sa Cainta Rizal.
12:32Maagang dumating pero inabot ng halos dalawang oras sa Kamuning Elementary School sa Quezon City si Rep. Erwin Tulfo.
12:41Sa Conception Tarlac, bumoto si Bam Aquino kasamang kanyang asawa pero ang kanyang balota, tatlong beses na iniluwa ng automated counting machine.
12:51Si Tito Soto, kasamang bumoto sa Quezon City, ang asawang si Helen Gamboa at kanilang mga anak.
12:58Maygit isang oras na pumila si Nakiko Pangilinan at asawang si Sharon Cuneta bago nakapasok sa kanilang polling presin sa Silang Cavite.
13:09Maaga rin dumating sa San Jose Elementary School sa Lupon Davao Oriental si Sen. Bonggo kasama ang kanyang anak.
13:16Sa Apolinar Franco Senior Elementary School sa Davo del Sur, bumoto si Sen. Bato de la Rosa.
13:23Sa Las Piñas naman si Congresswoman Camille Villar.
13:26At sa Taguig bumoto si Sen. Pia Cayetano.
13:30Mga anak ni Sen. Aimee Marcos ang kanyang kasamang bumoto sa Lawag City, Ilocos Norte.
13:34Si Manny Pacquiao, kasamang asawang si Jinky Sabagboto sa Kiamba, Saranggani.
13:41Mayor Abibinay, kasamang asawang si Congressman Luis Campos na bumoto sa Nemesyo Ayabut Elementary School.
13:49Si Benher Avalos, bumoto naman sa Mandaluyong.
13:54Si Philip Salvador, bumoto sa Pasig.
13:57Ako si Oscar Oida, nakatutok 24 oras para sa eleksyon 2025.
14:02Patlo ang patay habang dalawang sugatan sa Basilan bago pa man magsimula ang botohan.
14:11May gulo rin binaril sa parehong probinsya.
14:14Ang mga yan at iba pang insidente ng karahasan sa pagtutok ni Dano Tingkungko.
14:23Nabalot ng tensyon ng loob ng isang paaralan sa barangay Salman, ang Patuan, Maguindanao del Sur.
14:28Kasunod yan ang pag-alingaungao ng sunod-sunod na putok ng baril sa lugar.
14:32Nahinala ng ilang botante ay mula taga-suporta ng isang kandidato.
14:39Ang ilan nagsara na ng kanilang mga pinto at nagtago sa kanikanilang polling precinct sa takot na tamaan ng mga ligaw na bala.
14:46Wala namang naiulat na nasaktan.
14:47Nagkaroon ng komosyon sa paglabas ng mga election paraphernalya sa Datu Odin, Sinsu at Maguindanao del Norte.
14:59Hinarang kasi ng ilang mga taga-suporta ng isang grupo ang sasakyan ng militar.
15:04Yan para ipapanawagan na ang mga polis na ang magsilbi nilang board of election inspectors.
15:09Tutulakan sila, kaya na ipush ito ang gate para makapalabas ang mga 6x6 na ito.
15:17Ayaw nila itong talabasin dahil ang gusto nga nila ang magsisilbi ng mga BA ay mga polis.
15:24Bisperas ng eleksyon, isang guru na magsisilbisa ng electoral board ang binaril sa isang paaralan sa Basilan.
15:30Ayon sa Western Mindanao Command, inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga sospek at ang motibo sa krimen.
15:37Nasa ospital pa rin ang biktima na ngayon ay wala na sa kritikal na kondisyon.
15:41Sa Basilan pa rin, ilang oras bago magbukas ang pooling precincts,
15:45nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng mga armadong lalaki at polis siya.
15:49Ayon sa Basilan Police Provincial Office, pinaputukan sila ng mga lalaking sakay ng isang motorized pump boat
15:54matapos nila itong mamataan at pahintuin sa gitna ng kanilang maritime patrol sa karagatan ng barangay Sang Baibig.
16:02Tatlo ang nasawi kabilang ang mga kaanak ng Mayor LTS Piran na si Jamar Manzul na dumaan doon para bumoto.
16:08Dalawa ang naiulat na sugatan.
16:11Apat na lalaki ang inaresto ng pulis siya sa Buluan, Maguindanao del Sur.
16:15Nakuha sa kanilang ilang baril na ayon umano sa pagtatanong ng isang local official sa lugar
16:20ay gagamitin daw para manggulo at para umanopatayin ang kalaban ng kanilang kampo.
16:26Patuloy ang ginagawang imbesigasyon ng pulis siya at militar.
16:30Apat na pong individual naman ang hinuli ng pulis siya sa bayan ng Rosary Heights 5, Cotabato City.
16:36Nag-ugat umano ito sa pananakot ng isang grupo sa mga botante sa lugar.
16:40Umalma-umano ang ilang residente na nagresulta sa komosyon at pisikalan.
16:45Para sa GMA Integrated News, Dana Tingkungko Nakatutok 24 Horas.
16:50Pumila pero hindi nakita ang kanyang pangalan.
16:57Kaya hindi nakaboto si Sen. Candidate Amira Lidasan sa kanyang polling presence sa Matanog Central Elementary School sa Maguindanao.
17:04Ilang botante rin ang nawala umano ang pangalan sa parehong lugar.
17:07Pero matapos ang pahirapang paghanap ng pangalan, nakaboto rin si Lidasan.
17:13Sa ilang lugar kahit ipinagbabawa ng pangangampanya sa mismong araw ng botohan,
17:16may ilan pa rin namata ang namimigay ng sample ballots gaya sa Makati.
17:21Tumigi lang ang mga namimigay ng sample ballots nang may namata ang polis.
17:25Pero bumalik din sa pumamigay kalaunan.
17:28Sa pasay na kuhanan ng youth cooper, nagkalat na mga sample ballot na ito sa Apelo Cruz Elementary School.
17:34May mga naitala rin namimigay ng sample ballots sa Isabela.
17:37Sa Carcar City sa Cebu, tatlong sangkot umano sa vote buying at vote selling ang magkakahiwalay na inaresto.
17:44Aabot sa 5,000 piso ang halaga ng nakumpiskan ng mga otoridad.
17:47Sa bayan ng Cabiao sa Nueva Ecija, sampung flying voters umano na mula pa sa Metro Manila
17:52ang sumuko sa kalaban mismo ng kanilang ibinoto.
17:56Nakaboto umano sa iba't ibang lugar sa bayan ng mga naturang flying voter.
17:59At bukod sa kanila, mayroon pang hindi bababasa sa 1,000 flying voters ang kanilang kasama.
18:04Mayroon din umanong hinihinalang flying voters na nakapasok sa bayan ng Talavera.
18:09Para sa Gemma Integrated News, James Agustin nakatuto 24 oras.
18:15Hanggang tatlong oras na pagboto ang ininda ng ilan sa Pasig.
18:19Bukod sa mga palyadong makina, eh mahaba rin ang pila para sa mga senior at iba pang prioridad na nasa ground floor.
18:27Kaya ang iba, pumanhit na lang sa mas mataas na palapag.
18:30At nakatutok live si Marie Tumali.
18:34Vicky, maganda sana ang layunin ng paglalaan ng priority polling place para matulungan ang vulnerable sector ngayong eleksyon.
18:46Pero mukhang kinulang yung foresight sa paghahandanga nitong priority polling place.
18:52Kaya ang dapat sana ay priority ay naisantabi.
18:55At isa lamang ito sa katakot-takot ng mga problemang umusbong sa buong maghapong eleksyon dito sa Nagpayong Elementary School na may pinakamaraming rehistradong butante sa buong bansa.
19:06Naiyak na sa dinanas na hirap at pagkadismaya ang 63 anyos na si Nanay Elaine matapos kinailangang akyatin ang ikalimang palapag ng eskwelahan para mapuntahan ang presinto kung saan siya rehistrado.
19:23Ang akala namin yung mga senior, dito lang sa baba, ay ako kagaya ako may sakit, ako hihikap.
19:29Hirap na hirap ako umagat sa taas. Halos pa po po tuluhin na yung hininga ko.
19:34Hindi ka kumakahinga kasi hirap na hirap ako umagat saagdanan kasi nasa piplor po kami.
19:40Meron namang priority polling place sa unang palapag.
19:43Ang problema, dahil nagsabay-sabay naman silang lahat na priority, aabutin ka rao ng siyam-syam bago makaboto.
19:49Kaya ang mag-asawang ito na may iniindaring sakit, napilitang umaki at nasa ikatlong palapag kahit ang padre de familia may kondisyon sa baga at mabilis hingalin at masakit din ang tuhod.
20:00Habang ang asawa niya ay nahihilo at may Alzheimer's disease pa.
20:04At pagdating sa taas, hapong-hapo ang ginang.
20:12Si Nanay Rufina uwing-uwi na dahil mahigit tatlong oras na raw naghihintay.
20:19Ito lang kasing hirap. Eh wala. Talagang hindi nang nangyari yan.
20:24Hindi nangyari yan ka rin?
20:25Yung binigyan kayo ng priority. Pag hindi pa ako nakabigyan ang number, hindi na ako boboto.
20:34Bakit?
20:35Eh, Diyos ko sayang, biray mo oras namin dito. Diyos ko, biray mo ang tuhod ko.
20:40Ito ay ano, na-disgrasya pa ako noon.
20:46Pumunta kami na mas maaga, 4.30. O anong oras na ngayon, hindi pa kami nakabuto.
20:51Wala kaming almusal. Yung maintenance namin wala na rin.
20:57Bali, wala rin yung pagpunta namin ng maaga.
21:00Nakiusap ang mga polling aid na habaan pa ang pasensya.
21:03Paliwanag nila, lahat po priority. Di po ba?
21:07Yung first come first serve, yung mga nakawelchair mostly ang inuuna po namin.
21:12Kaya nagiging matagal dahil waiting pa po, pila.
21:16Hahanapin pa ang present number.
21:19Tapos, kukunin po ang kanilang balota pa doon sa kanilang presento pa.
21:24Hahanapin pa po.
21:26So, matatagalan pa rin yung dahil hahanapin, bababa pa po, saka po lang sila makakapagboto.
21:32Nag-sulputan pa ang ibang mga problema sa buong maghapon gaya ng di mahanap na pangalang sa presinto.
21:38Kahit may hawak naman daw siyang pruweba na rehistrado rito.
21:41First time sana niyang boboto sa pasig matapos lumipat mula Valenzuela.
21:45Bilang umayan na syempre gusto namin bumoto sa lugar namin, hindi ko na-espect na ganito pala.
21:51Bagamat bago naman ang mga makina na automated counting machine, hindi pa rin na iwasang magkaaberya.
21:56Nagkasunod-sunod pa yung mga presinto na kaproblema ang mga makina.
22:00Merong nag-jam ang makina kaya di maipasok ang balota.
22:03Kinailangang hilahin ang bahagya ito para mailabas.
22:07Meron namang kinain ang makina ang thermal paper kaya nag-clump.
22:10At merong may debris o marumi ang automated counting machine kaya di binasa ang balota o tila niluluwa.
22:16Kinailangang linisin muna at saka binuksan para gumana muli.
22:20Inabot ng hanggang 15 minutos bago magawa dahil hinihintay muna mga teknesian.
22:25Labis na sakripisyo naman ang kaakibat ng napakahalagang isang boto.
22:29Inabota namin ang isang ginang na dalawang linggo pa lang matapos manganak.
22:33Kahit iika-ika pa maglakad at halata sa mukhang iniindapang hirap,
22:37ay naglakad ng 30 minuto sa matinding init makaboto lang.
22:41Dala-dala pa niya ang sanggol dahil di raw niya maiwan at nagpapadede pa siya.
22:45Kaya nung bumoto siya, yung taga-electoral board muna ang kumarga sa sanggol.
22:49Ayon sa ginang mahirap man, para ito sa kinabukasan ng kanyang mga anak.
22:54Sa akin po kasi dumidede. Sobutag ang bumoto.
22:57Saka po kasi baka mawala ako sa master list pag hindi po ako bumoto.
23:01May isa namang labis ang panghihinayang dahil hindi tinanggap ang kanyang balota.
23:04Ayaw tangkapin ma'am. Ayang sabi nung kuhan naman doon, may naguitan daw ako.
23:11Hindi ko naman ginuitan yun eh.
23:14Di natin alam kung aksident na may gitsampo.
23:18Naginayang siyempre eh, yung buto ko, malaking bagayun.
23:23Isang buto lang, diferensya. Minsan natatalo yung manok natin.
23:29Inabot naman ang dalawa hanggang tatlong oras bago makaboto ang mga regular voters.
23:32Buong maghapon namang naging maalinsangan ang panahon na dagdag pahirap sa butante.
23:3734 degrees pero mas mataas yung damang init.
23:40Kaya naman di na iwasang may mga tumaasang blood pressure.
23:43Halos sunod-sunod yung pumunta sa istasyon na Red Cross
23:46sa may bungad ng nagpayong elementary school para magpa-check up.
23:50At lumalabas nga na tumaas ang kanilang blood pressure.
23:53Piplor yung inakia tapos mainit, naglakad.
23:57Tapos po ano, yung bato ko tsaka parang nahilo-hilo ako.
24:03Naupo na nga ako dun.
24:04Ayon sa staff ng Red Cross, mahigit isandaan na yung nagpapatingin sa kanilas of 3pm.
24:09Karaniwang dahilan ay matinding sakit ng ulo at pagkahilo.
24:13Inaabisuhan silang uminom ng tubig dahil ang pangunahing dahilan ay dehydration.
24:17Vicky, dito sa isa sa mga presinto dito sa nagpayong elementary school
24:27ay nagsasagwa na lang ng mga finishing touches yung electoral board.
24:30Kanina nakita natin na yung mga election returns ay nilagyan na nila na mga thumb mark
24:36at yung mga poll watcher ay pumirman na rin kanina dun sa mga election returns na yun.
24:41Pero natapos na nilang isagawa yan.
24:43At papakita ko lang sa inyo Vicky, dito sa may labas ay naipaskil na rin yung election return
24:49na kung saan makikita natin dito sa lahat ng mga presinto ay may mga election return na ganito.
24:58Dito magre-reflect na lahat ng mga bumoto o botoante dito sa presinto nito
25:04ay talagang lumabas yung kanilang mga boto sa bawat pangalan na kanilang mga binoto.
25:09So sa ngayon daw ay isa na lang because of some signal issues
25:13ay may isa pa silang election return na hindi pa nila napapadala sa CBOC.
25:18So yan ang pinakasariwang balita mula rito sa Nagpayong Elementary School.
25:22Ako po si Mariz Umali nakatutok.
25:2424 oras para sa election 2025.
25:27Vicky?
25:28Maraming salamat sa iyo Mariz Umali.
25:32Kamustahin naman natin ang sitwasyon sa Zamboanga City.
25:35Isang lolong butante ang kinailangang respondehan matapos madulas.
25:41Nakatutok live si JP Soriano.
25:44JP?
25:49Mel, buenas noches o magandang gabi sa salitang tiyabakano dito sa Zamboanga City.
25:53Alam mo maliban sa mga minor na problema niyan,
25:57talagang in general mapaya pa po ang nangyaring eleksyon dito sa Zamboanga City.
26:01Malayo po sa mga experience sa mga kalapit na probinsya dito sa Mindanao.
26:07Pero buong araw po nasaksihan natin ang determinasyon ng ating mga senior citizens
26:11kung paano nila naisi-exercise sa kanilang karapatan para bumoto ngayong eleksyon 2025.
26:17Kumpara sa ibang paaralan at probinsya,
26:25tila chilaks lang o kalmado ang mga electoral boards sa polling center na ito sa Zamboanga City.
26:31Linggo pa lang kasi,
26:33naipwesto na nila ang karamihan sa election materials dito sa Tetuan Central School
26:37matapos itong makolekta kahapon.
26:40Alas 5 ng umaga agad nakaboto ang ilang senior citizen
26:43gaya ng 69 years old na si Lola Juliet.
26:46Sa kabuan, maraming seniors at PWD sa Zamboanga City ang nakaboto.
27:01Ang good news, sa unang palapag nang gusali ang pwesto ng mga clustered prisons
27:06kaya walang nahirapang iakyat o bumaba.
27:09Pero ang isang lolo, kainailangan tulungan ng ilang botante at ng aming team
27:13matapos madula sa isang uneven o hindi pantay na bahagi ng semento
27:18sa isang bahagi ng paaralan.
27:21Agad din naman siyang nalapatan ng lunas.
27:23Ang Seltzina Elementary School sa remote island ng Santa Cruz na bahagi ng Santa Barbara naman
27:28binuhat ng isang lolo ang kanyang asawang may sakit bago at matapos makaboto.
27:33Halos kalahating milyon ang registered voters ngayong eleksyon 2025 sa Zamboanga City
27:39kaya sila ang ikapitong pinakamalaking voting population sa buong Pilipinas.
27:45Kabilang sa kanila, si Annaliza, na wala pang dalawang linggo ay kapapanganak lang.
27:51Masakit pa nga ang katawan pero bit-bit ang baby dahil nais niya raw bumoto.
27:55Pero nahirapan si Annaliza na hanapin ang kanyang pangalan at napag-alamang delisted na siya
28:15kahit parawag nakaboto naman siya noong huling eleksyon.
28:18Sayang daw at nais pa naman daw niyang matiyak sana na maiboto ang napupusoang kandidato.
28:24Mga kandidatong sa ibang kalapit na probinsya ng Zamboanga ay nasasangkot ngayon
28:29ang mga supporters at poll watchers sa ilang kaguluhan at barilan.
28:34Kaya ang Western Mindanao Command o West Mincom, walang patit ang pagmamonitor
28:38at pakikipag-ugnayan ng kanilang sinetap na Election Monitoring Action Center o EMAC sa Basilan
28:45upang matiyak ang pagbabantay at seguridad sa lugar.
28:48Sakop ng West Mincom ang Basilan bukod pa sa Zamboanga, Solu at iba pang probinsya.
28:55Men, hanggang sa pagsasara po ng botohan ay naging maayos ang sitwasyon.
29:03Wala na po mga humabol sa 7pm na pagsasara at naging maayos din po ang transmission
29:09ng mga boto dito sa Zamboanga City at papunta na nga tayo doon, Mel,
29:14sa gagawing canvassing o ginagawang canvassing dito sa Lonsod.
29:17At para po mula po rito sa Zamboanga City, J.P. Soriano nakatutok 24 oras para sa eleksyon 2025.
29:26Maraming salamat sa iyo, J.P. Soriano.

Recommended