00:00Positive ang Philippine Statistics Authority o PSA na maaabot ng bansa ang target na 2.3% na inflation para ngayong taon.
00:09Ayon kay PSA Economic Sector, Statistics Service Assistant, National Statistician, Rachel Laksa,
00:16basta't mapanatili lang ang pagbagal sa presyo ng mga bilihin ay maaabot ng average o target na inflation ngayong taon.
00:23Lumalabas rin anya na nahigitan pa ang target na average na 2.3% inflation mula January hanggang April.
00:32Sa loob kasi ng apat na buwan, pumalo lang sa average na 2% ang inflation na mas mababa pa sa target.
00:39Kung magpapatuloy ito kasabay ng pagabantay din sa presyo ng kuryente, tubig at transportasyon,
00:45mapapanatili ang pagbaba na inflation.
00:48Una ng tiniyak ng Finance Department na hindi sila makakampante at titiyakin nilang tuloy-tuloy ang aksyon ng pamahalaan
00:56para mapanatili ang mababang inflation at maramdaman ng mga Pilipino.
01:01Ngayon ay mas mababa pa dun sa target.
01:06Kung ma-maintain po natin yung pagbaba o pagbagal ng pagtaas ng mga presyo o nung antas ng inflation sa mga susunod na buwan,
01:14maaabot po natin itong average or target inflation for the year 2025.