00:00Sinibak ng Malacanang ang isang commissioner ng National Commission of Senior Citizens o NCSC
00:06dahil sa umano'y pagsisinungaling at iba pang paglabag.
00:10Sinampakan ng reklamong administrativo si Commissioner Raymar Mansilungan
00:14dahil sa pagsisinungaling kaugnay ng napag-aralan.
00:18Lumalabas umano'ng hindi natapos o nakapag-aral ng journalism
00:21sa University of the Philippines taliwa sa resume na isinumiti niya ng mag-apply sa komisyon.
00:27Sobra rin umano'ng paggamit ni Mansilungan ng oras at kagamitan ng NCSC
00:32sa pagdalo niya ng iba't ibang lakad na hindi naman daw sakop ng trabaho.
00:37Nagbigay rin umano si Mansilungan ng grant para sa bonus sa hindi kwalifikadong personnel
00:42at tumanggiling magtalaga ng Executive Director na nominado ng Executive Secretary.
00:48Sa desisyon ng Malacanang, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin
00:52na dapat kundinahin ang pagsisinungaling ng sinumang opisyal ng gobyerno.
00:58Itinanggin naman ni Mansilungan ang mga paratang at iginiit na nakapagtapos siya ng journalism.
Comments