00:03Update sa nationwide implementation ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program.
00:08Ating aalamin kasama si Department of Human Settlements and Urban Development Assistant Secretary Marie Loy Stikman-Canson.
00:16Asik, magandang tanghali po.
00:17Magandang tanghali, Asik, Joanne, Director Cherry.
00:20At maraming salamat sa pag-imbita sa amin dito para ma-explain din namin at mabigyan kayo ng update sa mga nangyayari sa 4PH Flagship Program.
00:29Sige po, ayan po, nabangit natin updates. Ano na po yung status ng mga 4PH Projects sa buong bansa?
00:35Sa buong bansa, okay. Start tayo dun sa mga na-turnover na natin na unit sa ating mga kababayan.
00:40So, umabot na po ng 840 yung official na na-turnover.
00:45Ito po ay sa Asenso U Home Residences sa Bacolod City.
00:49Meron din tayo sa Palayan City at People's Villes sa Davao City.
00:54Meron din tayo sa Nueva Ecija, Manila City, yung Tondo Housing, Deca Homes, and again, yung sa Bacolod sa Davao.
01:03So, ito officially na-turnover na, mga nakatira na po sila dito.
01:08Asik, ano-ano naman po yung mga makikita doon po sa 4PH Projects?
01:12Ano po ba ang mga amenities doon?
01:14Yes. Alam nyo po, matutuwa tayo kasi ito pong housing, yung vertical housing, or mas kilala natin bilang isang kondo.
01:23Alam nyo, walang ipinagkaiba ito doon sa mga ibang kondo na makikita natin kasi kumpleto ang amenities.
01:30Meron siyang swimming pool, merong basketball court, merong multi-purpose center,
01:35at kabilin-bilinan din ni Secretary Jerry, dapat merong parks and playgrounds.
01:40In fact, talagang mahigpit po siya na 40% ng space, ay dapat open spaces yan, no?
01:47For amenities talaga siya.
01:49Hindi lang 30%, 40%. Very strict po siya dyan.
01:52Kung nandito si Sec. Jerry the last time, parang may binabanggit pa siyang swimming pool.
01:56Yes. May mga iba tayong mga LGU.
01:58Sasabihin nila, pwede bang huwag na lang swimming pool, pwede bang tennis court, or ibang klase ng amenity.
02:05Kaya lang, talagang pinipilit niya, Secretary, swimming pool ang ilagay natin.
02:10Paano naman, Asek, may iwasan yung displacement ng informal settlers dun sa mga lugar na paglalagakan o pagtatayoan itong vertical structures na ito?
02:22It's very nice that you brought that up, Asek, Joey.
02:24Kasi yan yung kadalasang unang pangamba ng ating mga ISF families pagdating po dito sa mga areas na nais nating ayusin.
02:34So, kailangan mabigyan natin ng emphasis na wala hong displacement.
02:39So, paano po ito gagawin?
02:41Nagkaroon po tayo ng staging area.
02:44Merong fixed, meron namang mobile.
02:47Nakakatuwa, kasi mobile staging area, hindi mo kailangan na magpagawa ng...
02:52Ito kasi yung mga container vans.
02:54So, itong mga container vans, ano siya?
02:57Ilalagay namin siya sa truck.
02:58So, anywhere in the Philippines, pwedeng dalin yun.
03:01At, kumbaga, pwedeng magamit.
03:03Magamit, no?
03:04Mapapabilis namin yung pagpapalipat ng mga ISF.
03:08So, isa-stage muna po sila.
03:11Pag naitayo na po yung ating 4PH condo, sila po yung priority na titira doon.
03:18Asek, sino naman po yung mga pwedeng mag-apply?
03:20Yes.
03:20Sino po sa 4PH o sino rin po yung mga eligible para po makasali?
03:25Makasali.
03:26Okay.
03:26Number one po, kailangan ay pag-ibig member ka.
03:29Kung hindi ka pa man pag-ibig member, maaari kang mag-apply.
03:32At bayaran mo na yung two years na initial membership, pwede ka na nun.
03:37At, yun lang din, syempre, na kailangan din ikaw ay may trabaho.
03:42Or may pinagkakakitaan.
03:44May sariling negosyo, or ikaw ay kung tricycle driver ka, pwedeng-pwede rin.
03:48At, isa pa rin, syempre, binibigyang prioridad, yung talagang wala pang tirahan.
03:54So, kailangan, wala ka pang record na ikaw ay owner ng bahay at lupa.
04:00At, hindi ka pa naging awardee or beneficiary ng any socialized housing in the past.
04:05Para lang may idea po yung ating mga kababayan, magkano ba yung, magkano pumapatak yung monthly amortization ng 4PH?
04:12Okay. So, dahil nga, tinututukan din ng Dissoud na ito ay maging affordable,
04:18nag-re-range ito sa mag-umpisa sa 800 to about 2,400 per month.
04:25Mag-iiba-iba lang ito kasi depende dun sa size ng condo unit.
04:29Kasi, ang maximum size natin is 27 square meters, pero yung iba may mga mas maliliit na size.
04:35Also, meron din tayong schemes kasi may tatlong schemes yan eh.
04:39May option ka na graduated yung computation.
04:42May option din naman kasi alam mo, meron tayong mga beneficiary.
04:46Gusto nila bayaran agad para makuha siguro yung titul at maipamanan sa mga anak or sa kanilang magulang.
04:52So, iba-iba yung options.
04:53But, doon po nag-re-range yung presyo about 800 to 2,400 per month.
04:58Pagdating naman po dun sa maintenance ng 4PH projects, may dagdag bayad po ba ito?
05:03Magkakaroon po ng dagdag bayad, pero itatak-in na rin siya doon sa monthly na babayaran.
05:09Para nga masiguro po natin na yung real estate management ay talagang magbibigyan ng tamang proper execution and implementation.
05:17Kasi alam naman natin, paano mo rin naman masasustain at magbibigyan ng proper maintenance yung building kung wala naman po itong tamang charges.
05:26Katulad din sa ibang mga kondo.
05:28So, may bubuoyin din pong estate management council once napuno na yung building ng mga beneficiaries.
05:35As ekpanghuling mensahe na lamang po sa ating mga kababayan na nakatutok dito sa 4PH program ng ating pangunod.
05:41Yes, well, sa ating mga kababayan na umaasa po dito sa ating 4PH pangbansang pabahay,
05:49konting hintay na lang po at malapit ng maisang katuparan lahat ng mga units natin sa buong Pilipinas.
05:55Kung nais niyo pong humingi pa ng maraming impormasyon tungkol po dito, pumunta lang kayo sa Facebook page ng disud at ng pag-ibig.
06:03At makakaasa naman po kayo na talagang tututuhan namin na maipatayo itong mga housing projects bilang ito ay affordable, sustainable, and decent housing para sa mga Pilipino.
06:16Maraming salamat po sa inyong oras.
06:18Disud Assistant Secretary Marie Loy Stikman Canson.