00:00Pinasubok ng COMELEC sa mga residente ng La Carlota, Negros Occidental, ang mga bagong automated counting machine.
00:07Naging maayos naman daw ang testing sa mga ACM.
00:10Si Luisa Erispe na PTV sa Balitang Pambansa. Luisa?
00:16Princess, personal na pumunta ang mga opisyal ng Commission on Elections dito sa Negros Occidental
00:22para magsagawa ng voter education at silipin ang mga apektadong voting centers dahil sa bulkang kanlaon.
00:28Bit-bit ang mga automated counting machines, ballot boxes at mga balota.
00:33Maagang bumiyahe ang COMELEC sa Negros Island sa pangunguna ni Chairman George Erwin Garcia.
00:38Dumiretsyo ang poll body sa La Carlota Elementary School na nagsisilbiting evacuation center
00:43na mga naapektuhan ng pagputok ng bulkang kanlaon.
00:47Dito, pinasubok na bumoto ang mga residente.
00:49Karamihan naman sa kanila, pinuri ang bagong ACMs na gagamitin sa halalan.
00:54Anya, mas mabilis at maayos ang proseso ng pagboto ngayon dahil sa ilang mga pagbabago sa makina.
01:01Kaya lang may pangamba pa rin ang ilang mga evacuees.
01:04Dahil nasa evacuation center sila, hindi nila sigurado kung paano sila boboto.
01:09Hindi rin nila alam kung kakailanganin ba nilang umalis sa eskwelahan
01:12dahil baka Anya gamitin ang kanilang evacuation site bilang polling centers.
01:16Pero sabi ni Chairman Garcia, hindi sila dapat mangamba magkakaroon ng makeshift polling place
01:22para sa mga botante na nakadakda saan ang bumoto sa La Carlota Elementary School.
01:27Imbis na classroom, maaaring ilagay ang mga makina sa covered court
01:31at kahit sa mga opisina ng eskwelahan.
01:34Para naman sa mga bakwit na iba ang presinto.
01:36Karamihan sa kanila ay sa SPED Elementary School, Boboto.
01:40At sa iba naman ay dadahin o dadalhin sa kanika nilang mga presinto.
01:44Sa tala naman ng Comalex sa buong Negros Island,
01:4816,991 ang apektadong botante ngayong nasa Alert Level 3 ang Bulcang Kanlaon.
01:54At yan muna ang latest. Balik muna sa iyo, Princess.
01:58Maraming salamat, Luisa Erispe, ng PTV.