00:00Nagsimula ng local absentee voting sa araw na ito.
00:04Mga tauha ng Philippine Army ang pinakamaraming bumotong ngayong araw.
00:09Si Luisa Erispe na PTV sa Balitang Pangbansa Live.
00:13Luisa!
00:16Princess, umarangkada na ngayong araw ang local absentee voting o pagboto
00:20ng mga tauha ng gobyerno at ng mga uniformed personnel para si 2025 midterm elections.
00:26Wala namang nakikitang aberya ang COMELEC sa pagsisimula ng botohan.
00:31Saktong alas otso ng umaga, binuksan na ng Commission on Elections ang kanilang mga opisina
00:36para sa local absentee voting.
00:38Pinatayang na sa 57,000 ang nagparehistro para sa LAV
00:42at puro itong mga tauha ng media at ng pamahalaan.
00:46Ang pinakamarami naman ay mula sa Philippine Army at sumunod ay ang sa Philippine National Police.
00:52Ang nagparehistro para sa ating local absentee voting ay 57,682
01:00at ina-expect natin more or less makakaboto ang mga yan,
01:03ang pinakamadaming contingent sa Philippine Army.
01:07Kumpara noong mga nakaraang halalan,
01:09ang pinagkaiba ng local absentee voting ngayong taon ay automated na ito.
01:13Kung dati, mano-mano ang bilangan at pagboto.
01:17Ngayon, gumagamit na rin ng balota ang absentee voters.
01:20Matapos ang pagboto, ilalagay na sa isang folder at isisil ang balota at pipirmahan ng botante.
01:28Bubuksan lang ito sa mismong araw ng halalan sa Mayo a 12 sa main office ng Comelec
01:33at bibilangin kasabay ng mga boto wala sa iba't ibang bahagi ng bansa.
01:38Wala mang machine sa bawat lugar kung saan boboto yung mga local absentee voter.
01:43Ang mga balota po nila ay isi-safe keep at isi-safe na nasa loob ng mga silyadong envelope
01:49at ito po ay sabay-sabay nabubuksan sa Mayo a 12 sa gabi at sabay-sabay itin po itong ipifid.
01:55Tiniyak naman ang Comelec, secure at hindi mabubuksan basta-basta ang mga balota para sa LAV.
02:01Ayon kay Comelec Chairman George Irwin Garcia, malaki ang ambag ng 57,000 na registered absentee voters
02:08dahil kaya nitong magpapanalo ng kandidato.
02:12Kaya umaasa sila na ngayon ay mataas pa rin ang voter turnout para sa local absentee voting.
02:18Prinses, magtatagal ang botohan hanggang mamayang alas 5 ng hapon at magtutuloy-tuloy ito hanggang sa April 30
02:25para dun sa mga botante na rehistrado sa local absentee voting ay hindi na kinakailangan na magdala ng anumang klase ng identification
02:33ayon ngayon kay Comelec Chairman George Irwin Garcia.
02:36Pero ang paalala nila kapag rehistrado ka sa local absentee voting ay hindi ka na pwedeng makaboto sa May 12
02:43at kung hindi ka talaga makakaboto ng LAV ay hindi ka na rin makakaboto sa mismong araw ng halala.
02:49Prinses.
02:50Maraming salamat, Luisa Erespe ng PTV.