00:00Hindi pinalampas sa maraming job seekers ang araw na ito para makapag-apply sa isinasagawang job fair ngayong araw sa pangunguna ng Dole.
00:08Si J.M. Pineda ng PTV para sa Balitang Pambansa Live.
00:12J.M.
00:16Naomi, dahil holiday nga, maagang gumising yung mga kababayan natin para pumila dito sa inilunsa ng Department of Labor Employment na job fair dito sa Maynila.
00:26Daladala ang mga requirements sa Tresume, nag-abang agad ang grupo na ito ng mga job seekers sa tapat ng Manila Science High School.
00:35Kahit alas 8 pa ng umaga, nakatakdag magsimula ang job fair.
00:39Ang ilan sa kanila, mga first-time job seekers at ang iba namana, ay mga estudyante na nagbapakasakali na makakuha ng trabaho para makatulong sa kanilang pag-aaralan.
00:48Ngayong taon, may temang manggagawang Pilipino.
00:51Sa tala ng ahensya, aabot sa 216,000 na trabaho ang job opportunities ngayong taon sa mga job fair na kanilang binuo ngayong Labor Day.
01:09Nasa 34,000 na overseas jobs ang kasama dyan na malaking oportunidad para sa mga Pilipino.
01:15Isa lamang ang Manila Science High School sa higit-anin na pong mga job seekers o job fair sites na binuksan ng ahensya ngayong araw.
01:23Labing-apat nga dito ay nakatayo sa Metro Manila o National Capital Region.
01:29Nakipag-ugnayan rin daw ang dole sa mga private sector para may mapagtayuan ang mga job fairs at mas marami pang mga Pinoy ang maabot nito.
01:37Malalaking kumpanya nga rin ang naghihintay para sa mga job seekers kung saan kasama nga sa mga industriya na may offer ang manufacturer, retailing, business processing, outsourcing o BPO at mga food services.
01:52Nayomi sa ngayon nga hindi pa nakabukas yung Manila Science High School dahil alas 8 pa nga magsisimula yung job fair.
02:02Pero unti-unti nang dumadami yung mga naghihintay dito sa labas ng eskwelahan ng mga job seekers.
02:08Kaya naman para sa mga taga-Maynila o mga taga-Queso City o ibang mga lugar na naghahanap ng trabaho ngayon,
02:14pwedeng-pwede pa kayong humapol at kumila dito sa job fair na inilusad ng dole.