00:00Magandang balita po ha, sa ating pong mga kababayan na nagahanap po ng trabaho.
00:06Aabot po sa maygit 200,000 trabaho ang bubuksan ng Department of Labor and Employment o DOLE
00:13sa celebration po yan ang Araw ng Paggawa sa darating na May 1.
00:17Yan ang unat ni Bian Manalo.
00:20Kasado na ang Department of Labor and Employment sa celebration ng Araw ng Paggawa sa darating na May 1.
00:27Aabot sa maygit 200,000 trabaho ang bubuksan ng DOLE,
00:32kabilang ang maygit 100,000 local vacancies at higit 30,000 trabaho naman abroad.
00:38Kasama sa mga trabahong bubuksan ay mula sa sektor ng manufacturing, retail, BPO, food and service activities at financial insurance industries.
00:49Gaganapin ang mga job fairs sa halos 70 sites sa buong Pilipinas.
00:53Sa pinakamarami pa rin trabaho sa Metro Manila na may mahigit 60,000 trabaho.
00:59Mahigit 2,000 employers naman ang makikiisa sa mga job fair.
01:03Gusto ko namin mahigitan din yung number ng mga vacancies nung nakaraang taon.
01:09At yun nga, nadadagdagan na siguro tatlong araw pa bago mag-labor day,
01:15mas dadami pa po yung available na vacancies.
01:17Hinihikayat naman ng ahensya ang mga first-time job seeker na kumuha ng barangay certification na sila ay first-time job seeker
01:24para sa mga libring servisyo ng ahensya para sa kanila.
01:28Magsasagawa rin sila ng employment counseling at payo naman ng ahensya para mapagtagumpayan ang job interview.
01:35Matulog ng maaga bago po magkaroon ng job fair.
01:39Bago pumunta sa job fair, kiyakin na medyo maayos ang kasuotan.
01:44Yung kung pagka ikaw ay tinignan, eh medyo makumbinsi mo kaagad yung representante ng employer.
01:51Dapat huwag tayong nervusin at kabahan.
01:53Kasi kung naniniwala po tayo na tayo ay may katangian o kakaihan na makakuha ng trabaho, dapat ready tayo.
02:00Pinapayuhan ang mga job seeker na bisitahin ang official website at social media page
02:06ng peso at dollar regional and field offices sa kanilang lugar.
02:10Pinapalalahanan din sila na magbao ng tubig at magsuot ng komportabling damit
02:15para maiwasan ng heat stress ngayong matindi ang init ng panahon.
02:19BN Manalo para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.