00:00Mainit na tinanggap ng Pilipinas ang pagdating ni Japan Coast Guard Commandant Admiral Seguchi Yoshio
00:07para sa bilateral meeting hingin sa pagpapatibay ng kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at Japan.
00:14Yan ang ulat ni Bernard Ferrer.
00:18Binigyan ng arrival honor si Japan Coast Guard Commandant Admiral Seguchi Yoshio
00:23sa kanyang pagbisita sa National Headquarters ng Philippine Coast Guard sa Maynila.
00:27Mainit na tinanggap ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gilgavan si Admiral Yoshio kasamang iba pang opisyal ng Coast Guard.
00:35Ang pagbisita ay bahagi ng matagal lang maritime cooperation ng Pilipinas at Japan na nagsimula pa noong 1998.
00:42Matapos ang seremonya, nagsagawa ng bilateral meeting ang dalawang opisyal
00:45kung saan tinalakay nila ang mahalagang usapin sa pagpapatibay ng kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at Japan.
00:51Yung mga maritime capacity building activities, mga training activities na patuloy naman natin ginagawa sa kanila.
00:59Nagpapadala tayo ng mga officers, kumukuha ng master's degree sa kanila.
01:05Sila din nagpapadala din minsan ng barco dito, tinitrain din yung mga tauhan natin.
01:10Natalakay din ang pagpapalakas ng people-to-people exchanges kasamang pagdadagdag ng mga Coast Guard officers
01:17na ipapadala sa Japan at Pilipinas para sa paghasanay at pagpapalitan ng kaalaman.
01:23Bumisita rin si na Admiral Yoshio at Admiral Gavan sa BRP Teresa Magbanwa,
01:28isang multi-role response vessel ng PCG na nakadaong support area sa Maynila.
01:33Isa ito sa pinakamalaki at pinakamodernong barco ng PCG na ginawa sa Japan.
01:38Habang nasa barco ay pinamala sa mga taon ng Philippine at Japan Coast Guard
01:42ang kanilang arresting techniques.
01:44Ayon kay Admiral Gavan, sinimula na ng Pilipinas ang procurement process
01:48para sa karagdagang limang multi-role response vessels mula sa Japan.
01:52Yan ay isa sa mga flagship project ni Pangulong Bongbong Marcos.
01:59Ayon sa schedule, by late 2027, makukuha natin yung, ma-receive na natin yung una sa limang vessels.
02:09Kasalukuyan din ay sinasagawa ang feasibility study para sa pagtatayo ng bagong Coast Guard base sa bansa.
02:15Samatala, nakatakdang bumisita bukas si Japanese Prime Minister Ishiba Shigeru
02:20sa Philippine Coast Guard bilang bahagi ng patuloy na pagpapatibay ng ugnayan ng dalawang bansa.
02:25Bernard Ferrer para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.