00:00Mga residente sa New Lucena, maagang pumila para makapag-avail ng iba't ibang servisyong tampok sa Lab for All program.
00:08May balitang pambansa si Minya Oliverio ng PTV Cebu Live.
00:13Yes, nandito tayo ngayon sa New Lucena sa Iloilo kung saan gaganapin ang Lab for All program ngayong araw
00:21at maya-maya lang ay pupunta dito si First Lady Luis Araneta Marcos.
00:26Alas 5 pa lang ng madaling araw ay nagsimula ng pumila ang mga nais mag-avail ng mga servisyo para sa libreng laboratorio, konsulta at gamot
00:36para sa Lab for All program na pinangunahan ni First Lady Luis Araneta Marcos.
00:41Ito ay inulunsad noong 2023 at layo ng programa na magbigay ng libreng servisyong medikal sa mga hindi nasaservisyohan
00:49at lalo na sa mga malalayong komunidad sa bansa.
00:52Maaring mapakonsulta ang mga dadalo at mabibigyan sila ng libreng gamot at may libreng eye at dental check-up din.
00:59Ang mga ito ay ilan lamang sa marami pang services na pwedeng ma-avail ng ating mga kababayan dito.
01:05Ang sabi ng mga pumila dito ay nais nilang mag-X-ray, ECG at iba pang laboratory tests.
01:10May mga nurses, physicians, mga doktor sa government hospitals naman dito sa Western Visayas upang pagsilbihan ang mga dumalo sa aktibidad.
01:19Gabi lang na rin ang iba pang ahensya ng gobyerno.
01:23Sa ating likuran ay makikita natin na mahaba-haba na yung pila sa mga gustong mag-avail ng services para sa Lab for All program.
01:32At sabi naman ng polis na dineploy nila ang higit dalawang daang kapulisan para sa siguridad ng programa o ng mga dadalo sa programang ito.
01:44Yan muna ang latest mula dito sa New Lucena. Balik dyan sa inyo sa studio.
01:49Maraming salamat niña Oliverio ng PTV.