Skip to playerSkip to main content
Napanatili ng Bagyong #OpongPH ang lakas nito habang unti-unting lumalapit sa Visayas. May mga nakataas ng wind signal gaya sa Camarines Sur na nasa Signal No. 2 ngayon. Nagpatupad na roon ng preemptive evacuation.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Napanatili ng Bagyong Opong ang lakas nito habang unti-unting lumalapit sa Visayas.
00:06May mga nakataas ng wind signal gaya sa Camarines Sur na nasa signal number 2 ngayon.
00:12Nagpatupad na roon ng preemptive evacuation.
00:16At mula po sa Baaw, nakatutok live si JP Soriani.
00:19JP!
00:23Vicky, na-troma na raw ang ilang residente ng bayan na nabuha sa Camarines Sur
00:28sa biglang pagtaas ng tubig sa kasagsagan ng Bagyong Christine noong 2024
00:32kaya pinaghahandaan nila ng husto ang Bagyong Opong
00:35sabay panawagan sa gobyerno ng isang maayos at efektibong flood control project.
00:44Basa na sa pawis at ulan si Eden sa kakabalot sa ilan nilang gamit
00:48at pagpapanik ng aplayan sa mataas na bahagi ng kanilang bahay dito sa barangay San Luis.
00:54Nag-umpisa na kasing umulan bandang hapon na nagpaalala kay Eden at kanyang mga kapitbahay
01:01kung paanong biglang pinasok ng baha ang kanilang barangay noong October 2024.
01:07As in madbilis po. Segundo lang po.
01:10In 30 minutes talagang lampas tao.
01:14Isa lang ang bayan ng Nabuha sa flood prone area sa probinsya
01:18o yung lugar na madalas malubog sa baha.
01:20At dahil nasa signal number 2 na ang kamarinesur,
01:24ang ilang residente gaya ni Akay,
01:26nagkabit na ng makapal na kahoy sa kanilang bintana
01:29para di mabasag at pasukin ng tubig.
01:32Para sabi daw malakas na sabi mag-prepare.
01:39Yan nga mismo ang panawagan ng barangay officials
01:42kaya nag public service announcement na sila ng mga paalala.
01:45Open po ade, ade yung evacuation center.
01:49Namin po, pwede po sa ade yung magtumasko.
01:53Sakto at may bagong gawang evacuation center ang barangay
01:56na kayang mag-accommodate ng hanggang 20 pamilya.
02:00Batid naman daw ng mga taga rito na may kinalaman sa climate change
02:04ang mga matinding pagbaha.
02:06Pero dahil bilyon-bilyong piso ang mga inilaan sa mga proyektong
02:09pipigil sana sa pagpasok ng baha,
02:12hindi daw ba dapat nagawa na ito ng solusyon?
02:15Bilang Pilipino, tayo lahat, tayo nagbubuwis.
02:18Kawawa naman yung mga Pilipino.
02:21Kawawa naman yung taga na buwa.
02:22Para kaming kawa.
02:24Doon natitipo ng tubig.
02:26Sana naman po gamitin nila ng tama.
02:29Na maayos at saka yung mga materiales na gagamitin nila
02:33yung para sa karapat-dapat din na
02:36para sa flood control talaga.
02:39Sa ngayon, nagpatupad na ng preemptive evacuation
02:43sa buong probinsya ng Kamarinesur
02:45at 24 oras na ang operasyon
02:47ng Emergency Response Office ng probinsya.
02:51Inaayos na rin ng mga taga-Philippine Army
02:53ang antena at iba pang gamit
02:55para sa mga backup na linya ng komunikasyon
02:58para sa mga gagawin nilang operasyon.
03:02Sa Naga City, nilagyan na rin ng mga kahoy
03:04at pangharang ang bintana ng ilang hotels at opisina
03:07para sa inaasahang malakas na hanging dala
03:10ng bagyong opong.
03:12Hindi na rin muna nagbukas ang ilang establishmento
03:14para bigyang panahon ang kaninang staff
03:17na mapaghandaan din ang bagyo.
03:19At Vicky, mga kapuso,
03:25narito po tayo ngayon sa Bayan ng Bao
03:27sa panulukan ng Bayan ng Bulas, Kamarinesur.
03:30Umuulan po ngayon,
03:31pero hindi pa ganun kalakas ang hangin.
03:33Papunta po tayo sa direksyon ng Legaspi Albay
03:35para silipin din ang sitwasyon doon.
03:38At iyan muna ang latest.
03:39Balik po na sa iyo, Vicky.
03:40Maraming salamat sa iyo, J.P. Soriano.
03:42Maraming salamat sa iyo, J.P. Soriano.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended