00:00Sa gitna ng kasiyahan ay isang trahedya ang nangyari sa Vancouver, Canada
00:04matapos araruhin ang isang sasakyan ang mga dumalo sa nasabing selebrasyon
00:09ang detalye sa balitang pambansa ni Gab Villegas ng PTV.
00:15Makikita sa video na ito ang sinapit ng mga dumalo sa Filipino celebration
00:19na lapo-lapo Black Party sa Vancouver, Canada.
00:23Nagkalat ang mga debris at gamit.
00:26Marami rin ang mga ginagamot na nakahiga na lang sa kalsada.
00:29Makikita ang marami ang ginagamot ng mga emergency response teams sa pinangyarihan ng insidente.
00:37Ayon sa mga ulat, aabot sa siyam ang bilang ng mga namatay matapos silang sagasaan ng kotse.
00:43Hawak na ng Vancouver Police ang sospek na may edad na 30 taong gulang.
00:48Sa inilabas na pahayag ni Vancouver Mayor Ken Sim,
00:51nakiramay siya sa Filipino community na apektado ng insidente.
00:55Gin din si Canadian Prime Minister Mark Carney.
00:57Si King Charles III at Queen Camilla ng United Kingdom,
01:01ikinalungkot ang nangyaring insidente sa Commonwealth.
01:04Nagpaabot na rin ang pakikiramay si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
01:08at First Lady Lisa Araneta Marcos sa mga kaanak ng mga biktima at Filipino community sa Canada.
01:15Pangako ng Pangulo na nakikipag-ugnayan na ang gobyerno sa Canada
01:18para sa investigasyon para mabigyan ng hustisya ang pamilya ng mga biktima.
01:23Ang Lapu-Lapu Day ay special working holiday sa ating bansa
01:27na ipinagdiriwang tuwing April 27 sa visa ng Republic Act 11040
01:33bilang pagkilala sa bayaning Cebuano na si Lapu-Lapu.
01:37Si Lapu-Lapu ang nakapatay sa Portuguese explorer na si Ferdinand Magellan
01:41sa labanan sa Mactan noong 1521.
01:43Mula sa People's Television Network, Gabo Milde Villegas para sa Balitang Pambansa.