00:00Tuloy-tuloy ang mga aktividad sa balikatan exercises sa ilang bahagi ng West Philippine Sea,
00:06sa kabila ng namataang mga barkong pandigma ng China, kinangulat ni J.M. Pineda.
00:13April 22, nang namataan ng Philippine Navy ang mga barko ng China sa ilagang bahagi ng Luzon.
00:19Isa dyan ang Shandong Chinese Aircraft Carrier.
00:21Pero sa kabila ng presensyang yan, hindi umano matitinag ang Philippine Navy,
00:25lalo pa at kasabay nito ang isinasagawang multilateral maritime event ng balikatan exercises sa ilang bahagi ng West Philippine Sea.
00:34Nakatutok ngayon ang mga tropa ng Pilipinas sa balikatan exercises para mapalakas pa ang kooperasyon ng Pilipinas sa mga kaalyado nating bansa.
00:42Wala umano magiging epekto ang pangihimasok ng mga nanggugulo pang ibang bansa.
00:48Ang mga pagsasanay at simulation na gagawin umano ay makakatulong sa koneksyon ng mga bansa pagdating sa usaping militar o pakikidigma.
00:56Kahapon ay lumapag na sa BRP Ramon Alcaraz ang Philippine Navy AW Alpha 109 helicopter
01:02na gagamitin rin sa mga cross-deck landing at search and rescue simulation.
01:06Ngayong araw naman, isasagawa ang gunner exercises o pagpapapotok ng mga baril ng barko.
01:11Kasama sa pagsasanay na yan ang US Navy at isa pang barko ng Philippine Navy na BRP Amolinario Mabini.
01:18Una, yung sa gunner exercises natin, this aim to enhance the capability of our personnel ng ating mga kasundalohin natin
01:30kung paano humawak at kung paano gamitin yung ating mga baril dito sa ating barko.
01:36Magkakaroon din ng pagsasanay sa replenishment o pagsasali ng fuel sa gitna ng paglalayag.
01:40Napaka-importante po nito dahil dito po pwede po tayong sinisimulate natin kung paano tayo makapagalagay ng fuel at sea
01:50at para may extend po natin yung endurance ng ating barko.
01:57Sa mga susunod na araw din ay magsasagawa ng mga photo exercises at division tactics o formation ng mga barko sa dagat.
02:05Dito ay makakasama ng Pilipinas at US ang Japan Self-Defense Force.
02:10Pasok rin sa MME ang search and rescue simulation at paglilikas sa mga casualty o mga sugatan sa gitna ng dagat.
02:17Pwede umanong magamit ito sa mga emergency situation.
02:21J.M. Pineda para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.