00:00Nanawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines sa publiko na iwasan ang pagkampanya kay Luis Antonio R. Cardinal Tagle na maging Santo Papa.
00:10Sa halip, sinabi ni CBCP Episcopal Commission on Public Affairs Executive Secretary, Father Jerome Siciliano, na ipagdasal na lamang ang mga kardinal o cardinal elector sa kanilang pagpili.
00:22Gait pa ni Siciliano, ito'y pakamaiwasan din ang pagkakaroon ng impresyon na ang gagawing pagpili sa bagong pinuno ng Simbahang Katolika ay may external influences at hindi sa desisyon ng conclave.
00:35Ayon naman kay Caloocan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David na tumayo din bilang CBCP President ang pagpili ng susunod na Santo Papa ay isang eleksyon na walang kandidato.
00:49Wala ani ang makakapagsabi kung sino nga ba ang susunod na magiging leader ng Simbahang Katolika at ang kanilang obligasyon ay ang kilalanin ang bawat isa.
00:59Ang lagi umanong tanong ay hindi kung sino ang kanilang gusto, kundi kung sino ang nais ng Panginoon.
01:06Bagay na nangangailangan aliyah ng malalim na pagnililay.
01:10Inaasahang magko-convene ang conclave sa Mayo matapos ang siyam na araw na Misa sa St. Peter's Basilica na magsisimula sa April 27 o pagkatapos ng libing ni Pope Francis.
01:22135 na Cardinals na nasa edad 80 years old pa baba ang maaring bumoto para sa April election.