00:00Ipinagutos na ng DepEd ang pagbuo ng election task force na magtitiyak ng maayos, ligtas at makatarungang eleksyon sa bansa.
00:08Muli namang tiniyak ng kagawaran ang kapakanan ng mga guro na magsisilbi sa papalapit na eleksyon.
00:14Ang Sentro ng Balita mula kay Kenneth Pasyente.
00:19Upang tiyakin ng maayos, ligtas at makatarungang eleksyon sa bansa,
00:23inilabas ng Department of Education ang DepEd Memorandum No. 37
00:27na naguutos sa pagbuo ng 2025 DepEd Election Task Force o ETF.
00:32Bahagi ng mandato ng DepEd sa ilalim ng Election Service Reform Act,
00:36ang pagtatalaga ng mga pampublikong guro bilang miyembro ng Electoral Board.
00:40Ang kanilang partisipasyon ay may kaakibat na kompensasyon at proteksyong legal.
00:44Dagdag pa rito, tinukoy sa memo ang pondong inilaan para sa operasyon ng ETF ngayong taon.
00:49Ang bagong task force ay magiging aktibo sa tatlong antas,
00:52Central Office, Regional Offices at Schools Division Offices.
00:56Bawat antas ay magkakaroon ng sarili nitong ETF Operations Center
01:00na tututok sa real-time monitoring, assistance at legal support.
01:04Sa Central Office, ang task force ay bubuuin ang Steering Committee,
01:08Technical Working Group o TWG at support teams.
01:11Itatatag naman ang Pangunahing Election Command Center ng DepEd sa Makati
01:15na bukas mula alauna ng hapon ng May 11 hanggang alas 5 ng hapon sa May 13.
01:20Nilinaw din sa memo ang mga benepisyo ng mga miyembro ng ETF na maaaring makatanggap ng onorarya
01:25o di kaya ay mag-claim ng overtime pay o ng compensatory time off.
01:29Mahigpit namang pinaalalahanan ng DepEd officials at personnel na umiwas sa electioneering
01:34at pangangampanya upang mapanatili ang integridad at nonpartisan na papel ng DepEd sa panahon ng eleksyon.
01:40Muli namang tiniyak ng kagawara ng kapakanan ng mga guro na magsisilbi sa papalapit na eleksyon.
01:46Sa ilalim kasi ng Memorandum of Agreement na pinirmahan sa pagitan ng DepEd,
01:49COMELEC, Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at iba pa,
01:53maglalaan ng legal at medikal na tulong para sa mga guro at kawani na itatalaga sa election service.
01:59Pinaiigting din nito ang koordinasyon sa pagitan ng mga ahensya upang masiguro ang kanilang kapakanan.
02:06Nangako rin ang Integrated Bar of the Philippines o IBP na magbibigay ng legal na tulong sa mga guro
02:11na maaaring harapin ang reklamo kaugnay ng kanilang pagtupad ng tungkulin sa halalan.
02:17Kenneth Pasyente
02:18Para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas
Comments