00:00Nagkaisang Department of Information and Communications Technology at Commission on Elections
00:04para itaguyod ang digital bayanihan ngayong papalapit ang eleksyon.
00:09Ayon sa Malacanang, sa ginawang pagpupulong ng mga ahensya,
00:12sumentro ang talakayan sa paglaban sa mga banta online sa harap ng papalapit na halalan.
00:18Pinag-usapan din ang mga update mula sa Comlec,
00:20rekomendasyon sa paggamit ng digital at automated systems
00:24at schedule ng pagsusumite ng inputs sa pool body.
00:27Tiniyak ng DICT ang pagpapalakas ng technological infrastructure para sa halalan.
00:32Kabilang dito ang pagtatayo ng configuration hubs
00:35kung saan tutulong ang mga tauhan ng DICT sa proseso ng eleksyon.
00:39Gumagawa rin ang ahensya ng mga online services
00:42gaya ng Precinct Finder, Registration Status Verifier at Election Results Website
00:47para masigurong transparent ang eleksyon.
00:51Nagpapatupad din ng inisyatiba tulad ng Vulnerability Assessment and Penetration Testing
00:56para tukuyin at hadlangan ang mga posibleng pangalib sa digital infrastructure.
Comments