00:00Bayan, pangkalahatang naging mapayapa ang paggunita ng undas sa taong ito.
00:04Alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na siguruhin ng ligtas at maayos na paggunita ng undas.
00:11Ipinagmalaki ni PNP Chief Lieutenant General Jose Melencio Nartates na walang naitalang major untoward incident sa pagtatapos ng undas kahapon sa buong bansa.
00:20Sa pagtaya ng PNP, mahigit isang milyong katao ang bumisita sa mga pampubliko at pribadong sementeryo sa buong bansa.
00:27As of November 2, naging maayos ang biyahe ng mga pasahero sa mga paliparan, pantalan at mga terminal.
00:34Wala rin naitalang stranded ng mga pasahero sa mga pantalan at mga kanseladong flights sa mga paliparan.
00:40Sa kabuhan, nakapagtala ang PNP ng isang kaso ng pagkalunod sa Central Luzon, kaso ng illegal gambling at grave threats sa Calabarzon
00:48at isang physical injury sa Bicol at magkakahiwalay na nakawan at illegal na droga sa National Capital Region.
00:56Nagpasalamat naman ang pamunuan ng PNP sa mga naging katuwang nito sa pagpapatupad ng seguridad sa mga sementeryo.