00:00Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development ang kanilang kahandaan na magbigay ng anumang tulong ngayong Semana Santa.
00:08Ayon kay Assistant Secretary Irene Dumlao, nakastandby ang kanilang quick response teams na handang umalalay kung kinakailangan.
00:16Dagdag ng opisyal, nakikipag-ugnayan din ang DSWD sa pag-asa at iba pang kaukulang ahensya sa pagbabantay sa weather systems na maaaring makaapekto sa bansa sa mga susunod na araw.
00:28Patuloy naman ang paalala ng kagawaran sa publiko na gawing prioridad ang kanilang kaligtasan, particular na ang mga uuwi sa kanikanilang probinsya.