00:00Inihahanda na ng DSWD ang listahan ng mga Psychological First Aider
00:05para tulungan ang 18 OFW na nakaligtas sa Lindol sa Myanmar.
00:10Bukod dito, bibigyan din ang kanilang mga pamilya sa Pilipinas
00:14ng mga Family Food Packs.
00:16Si Noel Talakay ng PTV sa Balitang Pambansa Live.
00:20Noel.
00:22Alan, magpapadala ng mga tauhan ang Department of Social Welfare Development o DSWD
00:29sa Bansang Myanmar para tulungan ang mga Overseas Filipino Workers o OFW
00:35na lubhang naapektuhan ng Lindol doon.
00:39Inihayag ng pamunuan ang DSWD na magpapadala ito ng Psychological First Aider
00:45para tulungan ang mga OFW sa Bansang Myanmar na lubhang naapektuhan
00:50ng 7.7 magnitude na Lindol doon.
00:54Ayon kay Director Maria Isabel Lanada ng DSWD Disaster Response Management Bureau,
01:01inihahanda na nila ang listahan ng mga personnel na ipapadala sa nasabing bansa.
01:07Sinabi rin ni Lanada, batay sa napagkasunduan ng DSWD at ng Department of Foreign Affairs,
01:13uunahin na mabigyan ng Psychological Aid ang labinwalong identified ng mga OFW na nakaligtas ng Lindol doon.
01:22Dagdag pa ni Lanada, bibigyan din ng tulong pinansyal sa ilalim ng assistant to individuals in crisis situation o AX
01:30at family food packs ang mga pamilya ng mga nasabing OFW na nasa Pilipinas.
01:36Ang DSWD ay nananatiling nakatuon sa pagsisiguro na habang nagre-responde ang ahensya sa mga sakuna,
01:45tutugunan din nila ang mga pangangailangan at recovery ng mga apektado ng isang sakuna doon,
01:52ayon yan kay Director Lanada ng DSWD.
01:56Alan, sinabi rin ni DSWD Director Maria Isabel Lanada na ang pagpadala nila ng mga Psychological First Aider doon sa Bansang Maymar
02:06ay may koordinasyon sa Department of Health. Alan?
02:12Maraming salamat, Noel Talakay.
02:14Maraming salamat, Noel Talakay.
Comments