Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/13/2025
Aired (April 12, 2025): Isang Grade 8 na estudyante, nasawi matapos saksakin sa loob mismo ng kanilang silid-aralan. Samantala, ang isang rambulan ng mga kabataan, nauwi sa pananaksak!



Bakit tila nagiging karaniwan na ang mga insidente ng karahasan sa loob ng mga paaralan? Ano ang mga ugat ng tumataas na bilang ng krimen sa mga eskwelahan? Panoorin ang buong episode. #ReportersNotebook

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Eskwelahan ang dapat nagsisilbing pangalawang tahanan ng mga mag-aaral.
00:11Pero paano kung sa loob at labas nito nangyayari ang karahasan?
00:18Nito lang Pebrero sa Pasig City, isang grupo ng mga kabataan ang nagrambulan sa labas mismo ng kanilang eskwelahan.
00:30Hanggang ang isa sa kanila, nakita na lang na duguan.
00:42At nito lang March 26 sa Paranaque City, binawian ng buhay ang isang grade 8 student matapos daw saksakin ng kanyang kaklase sa loob mismo ng kanilang silid-aralan.
00:55Ang laki ng tama po dito sa maikini-kini. Sabi ko, anak, napuruan ka! Napuruan ka na!
01:06Ang dami mong sinasabi sa akin, nagkatutuong, binubuli ka ka nga lang kayo, di na akapumasok.
01:13Nakakapagpasok ng ganito ang bata. Kalagay lang sa itim, na stick. Alam mo, simple yung suklay.
01:19Pero, matulis. So ito yung mga delikado.
01:24Paano humantong sa ganitong kalagim na trahedya ang mga insidenteng ito?
01:29Gabi ng March 28, 2025, dumating ang labi ng labing apat na taong gulang na anak ni Evelyn Lambojo.
01:56Ang kanyang bunso, pinatay habang nasa loob mismo ng kanilang silid-aralan sa Paranaque City.
02:19Paranaque City
02:26We are here at Moonwalk in Paranaque City.
02:51Kukumustahin natin yung pamilya ng grade 8 student na namatay sa pananaksak.
02:58Magandang umaga po. Condolences, ma'am. Condolences po.
03:05Bunso sa anim na magkakapatid ang biktima.
03:09Masayahin po siyang anak.
03:11Masayahin naman siya, sila silang kakapatid.
03:14Close din. Ayun ang mga anak po, sila tuwan-tuwa sila.
03:17Mahala lahat sa mga anak ko. Mahilig po siya sa make-up, mga pabango, mga namahal niya, mga gamit niya.
03:25Pangarap daw ng kanyang anak na maging isang flight attendant.
03:28Pero hindi na ito matutupad ngayon.
03:34Bandang alauna ng hapon noong March 26, 2025,
03:38nag-aalangan na raw pumasok sa eskwelahan ang grade 8 student na anak.
03:42Mama, hindi ako papasok. Sagot ko naman, bakit? Maglalaba ko.
03:48Mayamaya, mga ilang segundo, binawi niya, mama, nandito ako sa eskwel.
03:53E di sabi ko, oh, sabi mo hindi ka papasok, maglalaba ka na sa eskwel ka pala.
03:58Ito na pala ang huling beses na makakausap ni Evelyn ang kanyang bunso.
04:02Hindi na siya nag-comment. Nakailang text na po ako sa kanya, siguro apat o lima, hindi niya na sinisit.
04:12Sa isinagawang imbesigasyon ng Paranaque City Police,
04:17Bago po mangyari yung pananaksak, tumakbo po siya sa isang teacher.
04:22Sinumbong po niya na yung suspect may daladalang kutsilyo at nagbabanta na papatayin siya.
04:29Nang pumasok daw ang teacher sa classroom para alamin ang sitwasyon.
04:34Nagkataon po yung victim ay nasa likod po ng teacher at papasok din sa classroom.
04:40At doon na po, biglang kinuha ng suspect yung kutsilyo, nasa bag niya,
04:45at doon niya na po sinaksak yung biktima.
04:50Nakatakbo pa ang biktima, pero hinabol daw siya ng suspect at muling sinaksak.
04:55Yung dinamit po ay isang kitchen knife, lumalabas po, daladala po ng suspect yung kutsilyo.
05:05Malamanggalin po sa kanilang bahay.
05:07Ayon sa mga polis, nai-report sa kanilang insidente halos isang oras matapos ang krimen.
05:11Walang dadaan po nila doon, mga may bayad po ng dugo at yung upuan po doon ay kalat-kalat na.
05:22So wala na pong tao doon, maliban na lang po doon sa kinordon nung iskwilahan yung crime scene.
05:28Napasakamay din na mga otoridad ang suspect.
05:33Nung mga oras din yun, isang kamag-anak ang tumawag kay Evelyn.
05:37Nasa bahay, naglalaba. Tita, nasaan si Bunso? Pangalawa. Kinabahan na ako.
05:43Agad daw niyang tinawagan ang cellphone ng anak.
05:46Ang sumagot, teacher, ikaw ba yung mother nilang buho? Opo, ma'am.
05:50Ma'am, tuto ba ang nangyari? Nasaksa po ang anak ko.
05:54Pinuntahan pa ni Evelyn ang anak sa paaralan, pero naisugod na raw ang bata sa isang ospital.
06:00Nung pagdating niyo po sa school, hindi ko kayo sinabihan agad na nasa hospital.
06:05Wala. Ang sagot ng teacher, hindi po namin alam.
06:08Saan ako tatakbong ospital, teacher? Saan ako tatakbo? Saan ang ospital?
06:12Las Piñas? Sa ganito? Baka hindi ko na maabutan ang anak ko na buhay.
06:16Pasensyahan po. Kung anong mangyari, kasalanan nyo to, pananagutan nyo.
06:20Kayo po ang may hawak sa anak ko ng pupis. Bakit nyo pinabayaan ang anak ko?
06:25Pagdating ni Evelyn sa ospital, hindi na niya inabutang buhay ang anak.
06:30Nakita ko ang anak ko, parang tuyong-tiyo na yung sugat niya.
06:33Nakikita ko, pagbukas ko po, nakialam po ako sa luktor.
06:36Inangat ko ang anak ko. Ang daming dugo. Ginanyan ko pa yung anak ko.
06:39Nako, ang laki ng tama po dito sa maikili-kili.
06:43Sabi ko, anak, napuruan ka! Napuruan ka na!
06:49Ang dami mo sinasabi sa akin, nagkatutubi.
06:51Totoo, binubuli ka ka nga lang kayo, di na ka pumasok.
06:55Ganun yung panampagyayari.
06:58Ayon sa mediko-ligal, apat na saksak sa katawan ang tinamon ng dalagita.
07:04Ano nga ba ang motibo ng suspect para saksakin ang kanyang kaklase?
07:08Sino ang binubuli?
07:10Yung anak ko.
07:11Ayon kay Evelyn, ilang beses nabanggit ng anak sa kanya ang pambubuli sa kanya ng isang kaklase.
07:17Ang sabi niyo po sa akin, Mama, sasaksakin ako. Binubuli-buli po ako, Mama. Marami po kami kakaklasmate.
07:25Nagsusulat ako, Mama, ng project ko. Pinapakailaman ako.
07:28Ang ginawa ko, Mama, sa bandang huli, Mama, eh. Nanggigil na ako.
07:32Hindi ko man, Mama, sinampalang malakas. Parang hinawi lang daw niya.
07:37Ayon naman sa salaysay ng suspect sa mga polis.
07:40Ang sinasabi naman po nung suspect, binubuli daw sa school.
07:44Kasama na po yung biktima na nambubuli sa kanya.
07:47So, yun po ang alibay niya. Kaya na nagawa yung ganong krimen.
07:54Sinusubukan natin kunan ang pahayag ng administrasyon ng paaralan,
07:57pero naka-online class daw ngayong araw, kaya't wala ang mga guru ng paaralan.
08:03March 27, 2025, naglabas ng pahayag ang paaralan.
08:09Sinisiguro raw nilang isang isolated case ang insidente
08:13at walang banta sa kaligtasan ng kanilang mga estudyante.
08:17Makikipagtulungan din daw ang paaralan sa isinasagawang imbesigasyon ng PNP
08:21para mabigyan ng justisya ang pagkamatay ng biktima.
08:25Dagdag pa ng paaralan, meron na rin isinasagawang bag inspections
08:29para masiguro ang seguridad sa loob ng eskwelahan.
08:34Ayon sa isang child behavior specialist, mahalagang malaman ang punot dulo ng insidente.
08:43Dati ba silang magkakilala na may away?
08:46Dati ba silang magkakilala na nagkaroon ng hindi magandang pagsasama?
08:53Kinakailangan masagot yung mga tanong na yon
08:57kasi napakahalaga nung tiyatawag sa behavior,
09:01may tiyatawag tayong antecedent yung behavior, yung consequence.
09:05Ano ang pinagmulan nung away na yon?
09:10Maaring meron silang pinag-awayan, meron silang ayaw sa isa't isa.
09:18Napakahalaga rin na ano yung family dynamic nung bawat isa sa kanila.
09:23Dahil 14 years old ang suspect, ayon sa Republic Act 93-44 o ang Juvenile Justice and Welfare Act of 2006,
09:32wala pang criminal liability ang batang, pero kinakailangan pa rin niyang sumailalim sa intervention program.
09:39Pero nakasaad din sa batas na kung nagawa ang isang krimen ng isang batang edad 15 taong gulang hanggang 18 taong gulang
09:46at meron ng discernment o pag-unawa sa nagawang krimen, sasailalim siya sa naaangkop na paglilitis.
09:54Sa ngayon po, nagkaroon na po ng endorsement galing DSWD na may discernment po yung kanyang ginawa.
10:00Mabalik po siya sa DSWD at doon po siya temporarily for custody sa bahay pag-asa.
10:08Under the law, ang tinitingnan ano yung edad ng bata at the time the crime was committed.
10:13In which case, ang mag-a-apply pa rin ng procedure ay yung RA 93-44.
10:19So halimbawa, at the time of the offense, yung bata ay minor de edad.
10:23Susundin pa rin siya at atratuhin siya ng batas, yung court proceedings niya,
10:27patuloy pa rin yung diversion and intervention programs kahit na lumagpas na siya ng 18 years of aid.
10:33Hindi yun, automatically, as soon as you get 18, magiging normal criminal case na yun.
10:37February 20, 2025 sa Pasig City.
10:45Makikita ang kumpol ng mga binatinyong naglalakad sa gilid ng ilog malapit sa isang paaralan.
10:53Maya-maya pa, makikitang nagtatalo na ang mga kabataan.
10:57Hanggang mauwi ito sa suntukan.
11:09Isang estudyante ang halos humampas na sa pader ng ilog nang makatak at mga itulak sa nangyayaring rambulan.
11:16Pero nang mahawakan ng kalaban.
11:22Hindi siya nito pinakawalan at tuluyang pinagsusuntok.
11:34Ilang sandali pa, ang binatinyong nakasuot ng PE uniform may duguna sa kanyang tiyan.
11:39Ang binatinyo, nasaksak na pala habang kinukuyog ng iba pang ka-eskwela.
11:54Inireport ng isang concerned citizen sa Kanyogan Punisab Station ang rambulan ng mga estudyante.
12:02Dito po tayo sa likod ng school kung saan nangyayari yung insidente.
12:10Nagkaroon po ng pisikalan yung parehas na optima sa kayong mga CICL.
12:16At yung isa ay bumunot ng patalim.
12:22Napagalamang hindi lang pala isa kundi dalawa ang naging biktima ng pananaksak na nangyayari sa likod lang mismo ng iskwelahan.
12:29Ang mga biktima itinago namin sa mga pangalang Agoy, 13 years old, grade 7.
12:35At Clyde, 15 years old at isang grade 10 student.
12:40So yung unang biktima, tinamaan po siya sa right portion ng kanyang abdomen.
12:45Samantalang yung isang biktima naman ay nagtamo ng iba't ibang sugat sa kanyang katawan.
12:52Sa investigasyon ng Pasig City Police Station, napagalaman na isang folding knife ang ginamit sa pananaksak.
13:04Walo ang binatilyong nanakit sa mga biktima.
13:08Isa rito ang nanaksak.
13:10Yung weapon use na ginamit sa pananaksak is wala naroon sa area.
13:15Ang ginamit po nung yung sumaksak po is isang color silver na folding knife.
13:22Approximately 10.5 po kasama yung handle nyo.
13:27Matapos ng krimen, ang mga nasagpot sa gulo, sinurender ng kanilang mga magulang sa PNP.
13:33Pansamantala silang binala sa bahay Kanlungan sa Pasig City para sa assessment ng mga social worker.
13:40Nakapanian ng reporter's notebook ang principal ng eskwelahang pinapasukan ng mga estudyante.
13:52Natural sa mga senior high school students na minsan mayroong mga away-away.
14:00Pero hindi siya umaabot sa punto na may patalim na.
14:05Patalim yung ginamit ng bata para dun sa kanyang kaaway.
14:11Ipinakita rin ang principal ang mga nakumpis ka nila mga patalim mula sa mga mag-aaral.
14:17Simula noong magsagawa sila ng inspeksyon matapos ang insidente.
14:20Ito makikita natin, makakapagpasok ng ganto ang bata na akala natin hindi natin sukat akalain na yan ay kalagay lang sa itim na stick.
14:31Kaya yan, kung titignan nyo, stick lang siya. Pwedeng gamitin ng bata na sasabihin pang ano-ano lang niya.
14:40Ito katulad din ito, alam mo, simple yung suklay.
14:43Pero matulis. So ito yung mga delikado.
14:49Sa pagpapatuloy ng investigasyon ng Pasig City Police, lahat ng mga sangkot sa gulo, mga binatilong edad, 17 years old pa baba.
15:00Kasi sabi nga po ng mga biktima is napagtripan lang siya.
15:06Paglilinaw ng Barangay Council for the Protection of Children ng Barangay Kanyogan sa Pasig City.
15:14Base dun sa salaysay ng mga respondent, nagumpisay ang gulo na yan noong panahon na nagkakatinginan sila ng masama.
15:24Ayon dun sa respondent ng nandito sa amin, madalas siyang tinitingnan ng masama nung mga victims.
15:34Ayan, naghamunan na sila na pagkatapos ng klase, magkita sila dun nga sa pinangyarihan.
15:44Sinampahan ng regamong frustrated homicide ang isa sa walong binatilong sangkot sa naging rambulan sa Pasig.
15:55Slight physical injuries naman ang isa ng pangkaso sa pitong kabataan.
15:59Lumabas sa resolution na may nakummit silang physical injury.
16:02Tulad ng insidente sa Paranaque City.
16:05Dahil nasa labing pitong taon pa baba ang edad ng mga binatilong sangkot sa nangyaring krimen.
16:10Exempted o wala pa silang pananagutang kriminal.
16:14Ayon sa Juvenile Justice and Welfare Act of 2006.
16:17Kaya bilang pagtugon sa RA 9344, ang mga kabataan inirelease mula sa shelter at ibinalik sa kanilang mga bagulang.
16:26Pero kailangan nilang sumailalim sa mga intervention program sa barangay.
16:30Ongoing po ang kanilang intervention program dito sa aming barangay.
16:35Meron po silang series of community service and counseling po.
16:39Nakapanayam din namin ang violence against women and children.
16:46Barangay Council for the Protection of Children ng Barangay may bunga.
16:51Kung saan naninirahan ang dalawang bitima.
16:53Sasa ilalim din sa counseling ng barangay.
16:55Sa amin naman po, meron din po.
16:58Kaya lang sa sitwasyon po kasi nila sa ngayon.
17:00So nagpapagaling sila.
17:02Siguro by next week, mag-start kami ng counseling sa kanila.
17:06Ayon din sa prinsipal ng paaralan.
17:08Nagpapatuloy ang pag-aaral ng lahat ng kabataang sangkot sa rambulan.
17:13In distance kasi iniiwasan muna natin yung anumang retaliation.
17:18Bagamat nagkasundo na yung magulang na walang mga risk back-risk back.
17:22No, na kung saan pagkatapos ang interventional program nila sa CSWD
17:27ay itatransfer nila sa ibang school yung kanilang mga batak.
17:33Lahat naman ng tao, kabila ng mga bata, merong mga karapatan.
17:39At hindi yung nawawala dahil lang merong nagawang krimen or may nagawang kasalanan.
17:44At ang basic guiding principle ng batas dyan ay yung best interest of the child na tinatawag.
17:50So titignan ng korte, ng barangay, ng social workers, ano ba yung nakabubuti para sa bata.
17:55At doon ipapattern yung kailangan nilang pagdaanan na diversion or intervention programs.
18:03Sa report ng Program for International Student Assessment o PISA noong 2022,
18:11napag-alaman na isa sa kada tatlong Filipino students ang nabubuli sa eskwelahan.
18:1743% ito ang babae, samantalang 53% naman ang lalaki.
18:22Sa mga lakalipas na taon, tumaas ang bilang ng mga reported bullying cases sa bansa.
18:30Mula 1,158 noong 2013, umakit ito sa 20,172 noong 2018.
18:39Ang problema sa 339 reported cases ng bullying sa bansa, 38 lang ang narisolba.
18:45Ayon sa datos ng Department of Education, Learner Rights and Protection Office.
18:52Pinakamaraming bullying cases sa National Capital Region, Calabarzon at Central Luzon.
19:05Ayon sa isang child behavior specialist, ang pagsapit ng adolescence sa pagitan ng edad,
19:11sampu hanggang labing siyam, ay may tuturing na maselang mga taon para sa isang bata.
19:16Pumapasok na raw dito ang complex behavior ng isang tao habang dumadaan sa mga pagbabago ng katawan,
19:23dulot ng puberty o pagbibinata at pagdadalaga.
19:27Dito yung mga bata nagsisimulang mag-explore outside.
19:31Dito nagsisimulang magkaroon ng friends outside.
19:34Yung kind of thinking na nabuo sa bata, mahalaga yun.
19:40Sa nanggaling yun sa turo ng magulang, sa turo sa eskwela.
19:44Pero mahalaga na pag-aralan natin ano yung magbibigay nating motivation sa taong ito towards doing the right thing.
19:53Para sa mga CICL, dapat ay may angkop na intervention.
19:59Ang problema sa buong bansa, nasa 77 lang ang Centers and Residential Care Facilities ng DSWD,
20:07kung saan maaring pansamantalang madirahan ng mga kabataang nasasangkot sa krimen
20:11habang sumasa ilalim sila sa intervention at rehabilitation.
20:16Kulang na kulang din ang psychology sa bansa na nasa 1,600 lang.
20:23Ayon na rin sa datos, dumarami ang mga batang nabubuli sa bansa.
20:28Ang masaklap, ang ilang sa mga kasong ito na uuwi sa karahasan at maging sa kamatayan.
20:37Malinaw sa batas na dapat may angkop at sapat na intervention para sa mga batang nasasangkot sa gulo at krimen.
20:46Ang tanong na ipatutupad ba ito sa ngayon?
20:48Hanggang sa susunod na sabado, ako si Maki Pulido.
20:57Ako si Jun Veneration at ito ang reporters.
21:18Ako si Jun Veneration at ito ang

Recommended