00:00Music
00:00Umabot na sa 36 na sumbong ng vote buying ang natatanggap ng COMELEC.
00:13May sumbong na rin kaugnay ng pagsama ng mga kandidato sa pamimigay ng ayuda ng DSWD
00:18na ayon po sa COMELEC ay election offense.
00:22Nakatutok si Maki Pulido.
00:23Music
00:24Para sa election 2025, exempted o pinayagang ituloy ang pamamahagi ng labindalawang programa ng DSWD tulad ng ACAP at AX.
00:37Pero may mga sumbong sa COMELEC na nagagamit ito sa pangangampanya.
00:40Ayon sa COMELEC Resolution 11104, election offense ito bilang abuse of state resources o paggamit ng pondo, programa, gamit at empleyado ng gobyerno sa pangangampanya.
00:52Kaya dapat walang politiko o campaign material habang ipinapamahagi ang ayuda ng DSWD.
00:58Hindi pa pwedeng meron, hindi pa pwedeng naan dyan sila, hindi naman nila pera yan eh.
01:02At the same time, kinakailangan yung listahan, hindi galing sa politiko lang.
01:07Babala ng COMELEC, pag napatunayang inaabuso ang mga programa ng DSWD, maaring ipatigil ang pamamahagi nito sa lugar.
01:15Unfair doon sa mga mabibiyayaan dapat ng ayuda dahil sa presensya nyo na wala pa yung exemption.
01:2036 na kaso naman na ng vote-buying ang natanggap ng COMELEC.
01:25Karamihan ay sa Metro Manila, Calabarzon at Central Luzon.
01:28Pangunahin is money, pangalawa ang rice, goods, groceries.
01:35Inisuhan na ng show cost order si Palawan congressional candidate Abraham Mitra dahil may alokumanong libreng movie ticket sa kanyang official Facebook page.
01:44Sinampahan naman ang paglabag sa omnibus election code, kaugnay ng vote-buying si San Fernando Pampanga Mayor Vilma Caluwag at kanyang asawang si dating barangay chairman Melcher Caluwag.
01:54Kaugnay yan ang pamamahagi umano ng pera para sa kanilang sanitation program noong 2023 barangay elections.
02:01Giit ni Caluwag, politically motivated ang reklamo.
02:04Sa COMELEC Resolution 11104, vote-buying ang turing hindi lang sa pera at grocery items,
02:11kundi pati ang mga pabingo, talent show, medical mission, legal aid service, feeding program o mga katulad na aktibidad.
02:18Vote-buying din pati paghakot ng botante para bumoto at pagkuhan ng higit sa dalawang poll watcher.
02:25Diyan sa may bandang aklan, may namimigay dyan ng gas coupon.
02:30Dito sa Paranaque area, may mga tao ang pinapapasok sa iisang bahay paglalabas.
02:35May mga dalang plastic na may mga goods.
02:37Swarming ito sa kanila. We are watching you.
02:40Ikaw man ang namili, nagbenta o nag-ayos ng bentahan ng boto, pareho ang parusa.
02:45Isa rito ang pagkakakulong ng hindi bababa sa isang taon pero hindi hihigit sa anim na taon.
02:52Aminado ang COMELEC na lumalala ang vote-buying dahil wala sa mga namili at nagbenta noon ang napanagot.
02:58Pero umaaksyo na raw ang COMELEC.
02:59Tama, pwede kang kumita sa mga politiko sa isang araw na yan.
03:04Tatlong taon ang kapalit, anim na taon saan kukuhanin yung ipinambili nila ng boto.
03:10Hindi ba babawiin nila yan?
03:12Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido Nakatutok, 24 Oras.
Comments