00:00Samantala bilang paghahanda sa inaasahan dagsa ng mga biyahero ngayong Semana Santa
00:05at alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.,
00:09pinaigting pa ng DPWH ang regular ng mga aktividad sa mga kalsada sa bansa.
00:14Ayon kay DPWH, Secretary Manuel Bonoan,
00:17ni-reactivate na ang programang Lakbay Alalay
00:19na nag-aata sa lahat ng regional at district engineering offices
00:23na tiyakin ang ligtas at bukas ang mga national road.
00:26Bahagi nito ang pagtatayo ng mga pansamantalang roadside assistance stations
00:30sa mga pahunahing kalsada at transport corridors.
00:34Kabilang sa mga sinasagawang maintenance activities,
00:36ang pagsasayos ng mga sirang bahagi ng kalsada,
00:38gaya ng mga lubak at bitak,
00:40repainting ng road markings,
00:42pag-aalis ng mga damo sa gilid ng daan,
00:44at pagsasayos o pagpapalit ng mga sirang road signs.
00:48Magtatalaga ang DPWH ng mga Lakbay Alalay team
00:50na binubuo ng mga uniform field at crew personnel
00:53sa mga piling lokasyon sa mga national road,
00:56simula alas 8 ng umaga sa April 16
00:58hanggang alas 5 ng hapon sa April 19.