00:00Saan ni puersa na ngayon ang mga ahensya ng pamahalaan para tungunan ang epekto ng pagsabog ng Bulcang Kanlaon?
00:06Ang detali ay sa balitang pambansa ni Kenneth Pasiente ng PTV, Manila.
00:12Mabilis na tulong. Yan ang nais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasunod ng pagsabog ng Bulcang Kanlaon.
00:19Kaya naman tiniyak ng palasyo ang whole of government approach na pagtugon sa kalamidad.
00:24Ayon kay PCO Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro, nakaalerto na ang mga kinaukulang ahensya ng pamahalaan.
00:32Katunayan, tutok na sa sitwasyon ng DSWD sa pamamagitan ng paghahanda ng mga family food packs sa mga pamilya na nakatira sa mga apektadong lugar.
00:41Patuloy pa rin po ang binibigyan ng servisyo po. Ayon na rin sa direktiba ng ating Pangulo.
00:48Ang DSWD po ay hanggang sa ngayon po ah, ngayong April 8 ay sinabi po na ang field offices po sa Western and Central Visayas
00:59ay closely coordinating po sa mga affected local government units.
01:05At patuloy pa rin po ang pagbibigay ng mga provisions ah, o family food packs and non-food items sa ating mga kababayan na naaapektuhan.
01:14Nagpaalala naman ang Health Department sa mga residente na malapit sa bulkan na magsuot ng masks at mga damit na mapoprotektahan ng balat
01:23mula sa abo ng bulkan na ayon sa ahensya ay mapanganib.
01:26Hinihikayat din ang mga residente na makipag-ugnayan sa kanila para matugunan ng anumang emergency situations.
01:33Habang ang Kanlaon City Government naglabas na rin ang abiso na nagbabawal ng pagpasok sa loob ng 6km danger zone ng bulkan
01:40para sa kanilang kaligtasan, lalot na nanatili sa Alert Level 3 ang bulkan.
01:44Tiniyak naman ang palasyo, ang kahandaan ng gobyerno, sakaling kailanganin ang karagdagang pondo para sa lokal na pamahalaan.
01:51Kung kinakailangan po, ito po'y titignan po, titignan po mabuti kung ano po ang pangangailangan ng mga LGUs at agad-agad pong bibigyan po ito ng tulong.
02:00Ilang lugar din ang nagsuspinde ng klase at trabaho bunsod ng ashfall.
02:04Gayunman, wala pang naitatalang nasaktan kasunod ng naging aktibidad ng bulkan.
02:08Pero pinaalalahanan ng mga residente roon na maging mapagmatsyag at sumunod sa mga abiso ng otoridad.