00:00Assalamualaikum warahmatullahi wabarakatuh.
00:07Madayaw umayyadlaw kaninyong tanan.
00:10Magandang araw sa inyo lahat.
00:12Nakikiisa po ako sa ating mga kapatid na muslim sa pagdiriwang ng Eid al-Fitr.
00:17Ipinagbubunyi natin ang pagtatapos ng banal na buwan ng Ramadan,
00:22isang panahon ng pananampalataya, pagsasakripisyo, at pagninilay.
00:28Ang mahalagang araw na ito ay hindi lamang paalala ng kabutihan ni Allah,
00:33kundi pati na rin ng mahalagang turo ng banal na Quran.
00:37Ang pagkakaisa at pagbabahagi ng biyaya sa pamilya at higit sa lahat sa mga nangangailangan.
00:44Hangad namin na ang Eid ay magdala ng kapayapaan sa inyong mga puso,
00:49liwanag sa inyong diwa, at walang hanggang kasiyahan sa inyong tahanan.
00:54Nawaitanggapin ang inyong mga panalangin, gantimpalaan ang inyong mga sakripisyo,
00:59at pagpalaan ang inyong buhay ng pag-ibig at kasaganaan.
01:05Nawait patuloy tayong gabaya ni Allah sa landas ng kabutihan at pagkakaisa.
01:10Eid Mubarak sa inyo at sa inyong mga mahal sa buhay.
01:15Ang lahat ng ginagawa natin ay para kay Allah, sa bayan, at sa bawat pamilyang Pilipino.
01:21Shukran!
01:24Eid Mubarak!
Comments