00:00Assalamu alaykum wa rahmatullahi wa barakatuh.
00:04Manayaw, mayo, adlaw, kaninyong tanan.
00:06Magandang araw sa inyong lahat.
00:09Isang tauspusong pagbati sa buong kapatiran ng Iglesia ni Cristo para sa inyong pagdiriwang ng anibersaryo.
00:16Nais kong ipaabot ang aking pagbati at pasasalamat kay Ka Eduardo V. Manalo
00:21sa kanyang kahangahangang pamumuno at sa kadalisayan ng kanyang puso
00:25sa pagsusulong ng pagkakaisa, pagkakaunawaan, at pananampalataya sa gitna ng ibat-ibang prinsipyo at idolohiya sa lipunan.
00:36Maraming salamat sa ating mga kapatid sa katatagan ng inyong paniniwala sa Diyos at pagmamahal sa ating bansa.
00:43Maraming salamat at lagi ninyong ipinagdarasal ang kaayusan, kapayapaan, at kapakanan ng Pilipinas.
00:50Nakikiisa kami sa inyong pagdiriwang ng anibersaryo at nagdarasal na lalo pang tumibay ang inyong pananampalataya at pananalig sa Diyos
00:59at sa pangako niyang kaligtasan para sa lahat ng kanyang mga anak.
01:04Patuloy ninyong isabuhay ang pagmamahal at kadakilaan ng Diyos na siyang nagbibigay lakas sa atin
01:10upang manindigan para sa katotohanan at isulong ang pamumuhay na naaayon sa kanyang banal na salita.
01:17Maligayang anibersaryo sa inyong lahat.
01:21Mahali natin ang Pilipinas para sa Diyos sa bayan at sa pamilyang Pilipino.
01:26Syokret!
Comments