Balitanghali Express: August 16, 2021 [HD]

  • 3 years ago
Narito ang mga maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Lunes, August 16, 2021:

- DOH: May naitala nang unang kaso ng mas nakahahawang Lambda variant sa Pilipinas

- Ilang COVID referral hospitals sa Metro Manila, patuloy na nadadagdagan ng mga pasyente

- Ilang residente, nakatanggap ng ayuda mula sa community pantries sa pamamagitan ng house-to-house distribution

- Mahigit 50 lugar sa Quezon City, naka-special concern lockdown dahil sa pagdami ng COVID cases

- DOH: local case ang unang kaso ng Lambda variant sa bansa

- OCTA Research: Reproduction number o dami ng maaaring mahawa ng COVID sa NCR, tumaas sa 1.46% para sa August 8-14 kung kailan naka-ECQ

- Mga nahuling walang face mask at face shield o walang dalang quarantine pass, tineketan

- OCTA Research: NCR, nasa high-risk classification na dahil sa dami ng nahahawa sa COVID

- Manila Mayor Isko Moreno, may mild COVID at naka-confine sa Sta. Ana Hospital

- Kamara at DOH, magkakaroon ng briefing kaugnay sa paggastos ng ahensya sa P67.3 billion COVID funds na sinita ng COA

- Lolang naparalisa ang kalahati ng katawan matapos ma-stroke, gumagapang para humingi ng pagkain sa kapitbahay

- Ilang driver, hindi pa raw kumpleto ang sinusuweldo nila sa libreng sakay program ng LTFRB

- May inaasahang rollback na naman sa ilang produktong petrolyo ngayong linggo

- Tricycle driver, kritikal ang kondisyon matapos bumangga sa isang truck

- 9 drug suspects, arestado sa magkakahiwalay na operasyon

- Ilang magkakapitbahay sa San Pablo, nilooban

- 4 na mangingisda, nakidlatan sa laot; 1 patay, 1 sugatan

- Batang nalunod sa swimming pool sa isang resort, nailigtas ng kaniyang ina

- 3 magkakaanak, dinukot at pinatay ng isang armadong grupo

- Online reactivation, inilunsad ng COMELEC para sa mga botanteng deactivated

- 10-anyos na Fil-Am gymnast na si Victoria Casia Sessions, wagi ng silver medal at rank 9 sa kaniyang age division sa 2020-2021 national invitational championship

- Lolo, nakabuo ng 3 robot mula sa scrap materials

- Alagang Russian-American ng isang Pinay caregiver, kinagigiliwan dahil sa husay mag-Filipino

- Mga kakaibang pagkaing Pinoy, pinipilahan sa isang night market

- Food and road trip ni Bea Alonzo kasama ang BF na si Dominic Roque, ipinasilip sa latest vlog ni Bea

For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

Recommended