HS teacher na nag-alok ng P2,000 sa nursing student kapalit ng panandaliang aliw, arestado


Truck ng bumbero, hindi nakaresponde sa sunog dahil hinarangan ng nasaging sasakyan


Lalaking nanloob sa recording studio, nakikain at nakitulog muna bago tumakas


P14M lotto jackpot prize w/ interest, nakuha na ng dating OFW na nanalo noong 2014


ICYMI: Magnitude 5.1 na lindol sa Visayas


Sara, Veronica, at Paolo Duterte, pumalag sa pagbasura sa habeas corpus petitions kaugnay kay FPRRD


Welder, patay matapos pagbabarilin sa loob ng bahay


Miss PH Bea Millan-Windorski, Miss Universe 2026 3rd runner-up


Ilang Kapuso programs, pinarangalan sa 48th Catholic Mass Media Awards


Miniature Christmas Village, tampok sa Cagayan

State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:02.
00:03.
00:03.
00:03.
00:03.
00:05.
00:06.
00:06.
00:06.
00:06.
00:07.
00:07.
00:17.
00:17.
00:18.
00:18.
00:18.
00:19.
00:19.
00:19.
00:19.
00:19.
00:20.
00:20Ito lang!
00:22Ito lang!
00:23Ito lang!
00:29Kinabol ng isang nursing student ang lalaking yan sa Antipoldo Rizal na nambastos umano sa kanya.
00:35Ilang nakatambay ang sumaklolo, humarang at nambugbog sa lalaki.
00:39Bago ang tagpog yan, navidyohan ang babae ang lalaki na nag-alok sa kanya ng 2,000 piso kapalit ng
00:47panandaliang aliw.
00:48Sa barangay na pagalamang isa palang high school teacher ang lalaki.
00:52Sinubukan din niyang alukin ulit ng pera ang babae para di na matuloy ang pagsasampa ng kaso.
00:57Bagay na tinanggihan nito.
00:59Nasa kustudiya na ng Adipoldo Police ang guro na sasampahan ng reklamong paglabag sa Safe Spaces Act.
01:07Di-report na rin ng insidente sa Depend Schools Division Office sa Antipoldo.
01:16Hindi naka-responde sa sunog sa Maynila ang isang truck ng bumbero.
01:21Hinarangan kasi ito ng sasakyang nasagi nito.
01:23May report si Marisol Abduraman.
01:32Hindi naka-abante ang truck ng bumberong yan.
01:35Nare-responde sana sa sunog sa Santa Mesa sa Maynila.
01:38Hinarangan kasi ito ng isang AUV.
01:43Di pa rin tumabi ang AUV maski pa rin ang tunong ng serena ng firetruck.
01:50At lumapit na ang isang traffic enforcer.
01:56Ayon sa Bureau of Fire Protection, nasagi ng firetruck ang AUV habang Romero responde sa sunog.
02:02Sinabihan ang driver ng firetruck ang AUV driver na saka na maghain ang reklamo.
02:07Dahil Romero responde sila sa isang active emergency.
02:10Pero kumarang pa rin ang AUV at hindi na naka-responde sa sunog ang firetruck.
02:15Fire out upon arrival within the city of Maynila.
02:20Noong Sityembre, may firetruck din nakasagi ng kotse sa isang kalsada sa Makati na maraming naka-double park.
02:26Apila ng mga otoridad sa publiko, magbigay daan sa mga emergency vehicle gaya na lamang ng ambulansya at mga firetruck.
02:33Lalo na kapag ka nakawangwang ito at may blinker dahil meron itong re-respondehang emergency.
02:39Ang anumang pagharang o pag-obstruct sa ating mga lehitimong firefighting operation ay maituturing natin banta para sa pampublikong kaligtasan.
02:53Kasi may insidente na nangyayari so any delay, mas lalong lalaki ang insidente ng sunog.
03:01Nakaset sa Fire Code of the Philippines sa Land Transportation and Traffic Code na dapat magbigay daan sa mga truck
03:07ng bumbero.
03:08Pwede nga pagmultahan from 37,500 up to 50,000 ang multa. Maliban pa yan sa violation sa LTO.
03:20Sa Maynila, may ordinansa rin na bibigay ng rights of way at prioridad sa mga emergency vehicle na re-respondeh
03:27sa anumang emergencies sa lungsod tulad ng firetruck.
03:31Ang lalabag, pagmultahin ng 3,000 hanggang 5,000 piso.
03:36Marisol Abdurrahman, GMA News.
03:42Tila feel at home ang isang lalaking nanloob sa isang studio sa Quezon City na nakikain,
03:48nagbukas ng aircon at nakitulog pa bago tumakas.
03:52Yan at iba pa sa Spot Report ni Emil Sumangit.
03:59Naglalakad ang lalaking iyan sa Quezon City, bitbit ang ilang gamit.
04:03Pasan-pasan niya rin ang isang portable cooling system na nakaw pala mula sa nilooban niyang recording studio.
04:09Madaling araw nangyari ang nakawan at pagdating na may-ari, naabutan nilang may nakalatang na kutsyon sa studio.
04:14Hindi na nakuha na ng CCTV matapos putulin ng suspect ang mga kable sa main breaker pero natulog pa pala
04:22siya sa pinasok na studio.
04:24Lumalabas so sa kanilang pagsisiyasat na bago tumakas ng kawatan, bitbit ang kanyang mga pinuntiriyang gamit.
04:31Nagsindi muna ito ng aircon.
04:35Nanatili dito sa silid na ito, naglatag ng kanyang higaan at ilang oras munang umidlip.
04:44Sa kusina, nadatnam pa ng may-ari ang ilang pagkaing nilang takan umano ng kawatan.
04:49Mukhang kumain pa po siya.
04:50Putsa na tulog, kumain pa po siya.
04:52Maliban sa portable cooling system na tangay pati extension cord power supply, electric fan at instant noodles.
04:59Pero di niya ginalaw ang mga mamahaling gamit sa studio.
05:02Ayon sa investigasyon, nakapasok sa property na ito ang kawatan pagkatapos niyang mag-overdabakod.
05:08At sa kanyang pagtakas, dito rin siya dumaan.
05:11Pero tila sa pagmamadali.
05:14Abbe, sumabit ang sumbrero ng suspect at nahulog po sa lugar na ito.
05:21May inimbitahan ng person of interest ang QCPD.
05:24Pero pinakawalan din dahil sa kakulangan na evidensya.
05:28Patuloy ang investigasyon.
05:29Huli ka naman sa Arevalo Public Market sa Iloilo City ang paghabol ng ilang vendor sa dalawang lalaki.
05:34Hindi nakita sa video pero nasuntok pa ng ilang vendor sa mga lalaki nang sila'y mahuli.
05:39Sila ang tinutulong tumangay sa bag ng isang vendor na naglalaman umano ng 280,000 pesos.
05:45Walang pahayag ang mga na-aresto na maharap sa reklamo.
05:48Patuloy na tinutugis ang iba pa nilang kasamahan na tumakas sa kainampulang van.
05:52Emil Sumangil, GMA News.
05:55Ang pangarap na jackpot na pa sa kamay na ng isang tumaya sa loto.
06:00Pero bakit ang mahigit 12 million pesos niyang premyo ngayon lang nakubra matapos ang labing dalawang taon?
06:07Alamin sa report ni Vona Quino.
06:12Kaya napatalon talaga sa tuwa.
06:15Napaganda na ano.
06:17Christmas pa naman siya?
06:18Oo nga, birthday ko nga ngayon eh.
06:20I have a birthday.
06:22Oo, na-timing nga eh.
06:23Sabi ko, ito okay, timing.
06:25Kaya yun, ang wish ko nga eh, talagang blessing talaga dumating sa akin.
06:31October 2, 2014 pa na jackpata ng isang dating OFW, ang 642 loto draw sa pamamagitan ng lucky pick.
06:39Pero ang tiket, plinansya ng kanyang anak matapos lukutin ang kanyang apo.
06:45Nangitim ang bahagi ng tiket na dapat umano ay readable ng machine, kaya hindi binigay sa kanya ang premyo noon.
06:51Oo, napakahalaga dahil o'y talagang baon na baon na sa kahirapan.
06:56Utang, nagtatago na sa mga maniningil, banko.
07:01Pero noong March 13, 2023, ipinagutos ng Korte Suprema sa PCSO na bayaran ang jackpot winner kasama na ang legal
07:10interest.
07:11Gayunman, hindi rin agad na igawad ang jackpot prize.
07:15Hindi kasi automatic yun eh.
07:17You'll have to apply sa COA, bigyan kami ng clearance to release the funds.
07:23It's a feeling of relief, syempre, dahil may nakapending na ganito.
07:27Gusto na rin namin makapag-move on tungkol dito.
07:30So, masaya rin kami.
07:32Ngayon, hindi lang basta makababayad sa kanyang mga utang ang winning lolo.
07:36Sobra-sobra pa na magagamit niya sa bagong simula ng kanyang pamilya.
07:41Siyempre magninegosyo.
07:43Sabi nga saan, huwag kang magpapalipin sa dalawa.
07:46Kailang isa lamang ang iyong sasambahin.
07:50Huwag pera, kailangan ni Diyos.
07:53Von Aquino, GMA News.
08:02Magnitude 5.1 na Lindol, Yumanig, sa Visayas.
08:06Nagtakbuhan ng mga estudyante ng isang elementary school sa San Remigio, Antique.
08:10Naitala ang sentro ng Lindol sa bayan ng Valderama.
08:13Sumama ang pakiramdam at hinimatay ilang estudyante at isang guro ng Valderama National High School.
08:18Nakitaan ng bitak ang ilang classroom sa iba't ibang bayan sa Antique.
08:29Naramdaman din ang pagyanig sa Iloilo City.
08:38Kabatuan Iloilo Province, Gimaras at Bacolod City.
08:44Dalawang estudyante sugatan matapos saksakin ng ka-eskwela sa Kalayaan Elementary School sa Kaluukan.
08:50Sa batok ang tama ng siyam na taong gulang na lalaki habang sa lieg at likod nagtamo ng saksak ang
08:55labing isang taong gulang na babae.
08:58Stable at nagpapagaling sila sa ospital.
09:00Ayon sa sumuring doktor, posibleng kitchen knife ang ginamit.
09:04May impormasyon daw ang DILG na may gumamit ng social media para ma-impluensya ng estudyante na gumawa ng karahasan
09:10laban sa mga ka-eskwela.
09:12Sabi ng DepEd, nakikipag-ugnayan ang school administration sa mga magulang at otoridad.
09:17Nagbigay na rin ng psychosocial first aid at support services sa mga apektadong mag-aaral.
09:22Sinisikap ng GMA News na makapanayam ang principal ng paaralan.
09:26Darlene Kai, GMA News.
09:29Pumalaga ang magkapatid na Vice President Sara Duterte at Veronica Kitty Duterte sa pagbasuran ng Korte Suprema sa habeas corpus
09:37petitions
09:37na kumekwestyon sa pag-aresto at pagdala sa kanilang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC o International Criminal
09:45Court.
09:46Git ng bise, walang foreign court o nation ang dapat na nangingibabao sa soberanya ng ating bansa.
09:52Dapat din daw maging prioridad ang pagbibigay proteksyon sa buhay, kalayaan at karapatan ng bawat Pilipino.
10:00Wala raw dapat Korte na basta na lamang magdidismiss bilang moot o walang saysayang isang petisyon
10:06kung ang isyo rito ay tungkol sa soberanya ng bansa.
10:10Pananagutan sa konstitusyon at sa tungkulin ng pamahalaang protektahan ang bawat Pilipino sa pangihimasok ng dayuhan.
10:18Pag-ahain naman ng motion for reconsideration ang kampo ni Kitty Duterte na isa sa mga naghain ng petisyon.
10:25Ayon sa kanyang abogado na si Atty. Paolo Panelo, pinahina ng desisyon ng Rita Fabellas Corpus.
10:32Lawiraw ito sa pabilisan na mailipat palabas ng teritoryo ng bansa ang isang taong nakakulong bago pa man makakilos ang
10:40Korte.
10:42Naglabas din ng pahayag ngayong gabi ang isa pa sa mga petisyoner na si Davao City First District Representative Paolo
10:49Pulong Duterte.
10:50Anya hindi may kakailan na ang desisyon ng Korte Suprema ay seryosong tanong tungkol sa soberanya,
10:56pananagutan at pagprotekta sa karapatan ng bawat Pilipino.
11:00Wala raw dayuhang Korte o kahit anong bansa ang dapat mas mataas sa soberanya ng Pilipinas.
11:07Masakit man daw sa kanilang pamilya, dapat daw nilang tanggapin ang utos ng Korte Suprema.
11:12Pero tanong niya, kung ang polisiya ng bansa ay tulungan ang lahat ng nakakulong na Pilipino na makauwi sa Pilipinas,
11:19bakit si dating Pangulong Duterte ay dinala sa dayuhang Korte?
11:25Patay ang isang welder matapos pagbabalilin sa loob ng kanyang bahay sa General Santos City.
11:30Ayon sa ina ng biktima, biglang pumasok sa kanilang bahay ang mga lalaking nakatakipa muka at hinanap ang kanyang anak.
11:38Nang harapin ng kanyang anak ang mga lalaki, bigla siyang pinagbabaril.
11:42Napuruhan sa ulo ang biktima na agad niyang ikinasawit.
11:47Ayon sa opisyal ng kanilang purok, nangyayari ang pamamaril sa araw na harap ang biktima sa pagdinignang kaso nitong pagnanakaw.
11:55Tinutugis pa ang mga salarin.
12:01The third runner-up is Philippines!
12:06Miss Philippines Bea Millian Wendorski, third runner-up sa 75th Miss Universe pageant na ginanap sa Puerto Rico.
12:15Bukod sa oozing swimsuit round, ibinida ni Bea sa kanyang evening gown ang ganda ng baybayin ng bansa sa white
12:22gown na likha ni Anthony Ramirez.
12:24Sa final question, tumatak ang sagot niyang turtle mentality.
12:28The strongest sea turtle hatchlings actually stay behind in the nest to help their weaker brothers and sisters out and
12:35into the sea.
12:36I wish that our world leaders would embrace the same mentality and realize that when one rises, we all rise.
12:43Bago pa man i-represent ni Bea ang Pilipinas, malapit na sa puso niya ang mga sea turtle at isinusulong
12:50ang environmental conservation.
12:52Nanalo bilang Miss Universe 2026 si Jennifer Barreto mula sa host country na Puerto Rico.
12:58Siyang kauna-unahang Miss Universe title holder na married at may anak.
13:03Nagkaroon naman ang pagkalito sa next host country ng Miss U.
13:06Inanunsyo kasi sa mismong pageant na sa Costa Rica gaganapin ang susunod na edisyon ng Miss Universe.
13:12Kinokontra ng Miss Universe Eastern Faction sa pangungunan ng Thai pageant executive na si Nawat Itzaragrisil.
13:19Ang anunsyo dahil anya unang pinrepost na Vietnamang dapat na mag-host ng Miss Universe 2027.
13:25All cheers sa top 20 finish ni Binibining Pilipinas International Katrina Ann Johnson sa 64th Miss International Pageant sa Japan.
13:33Kabilang si Johnson sa Top 10 Ambassador of Culture Award, si Miss Moldova Elizaveta Kuznitova ang nagwaging Miss International 2026.
13:43Maris Umali, GMA News.
13:47Pinarangalan sa 48th Catholic Mass Media Awards ang ilang programa ng Kapuso Network.
13:52Hall of Famer awardee sa Best News program sa television category, ang Saksi.
13:57Tinanggap ang parangal ni Nasaksi Angkor Pia Arcangel at GMA News Cluster Head, Kate De La Cruz Robledo.
14:05Best News program ang One North Central Zone ng GMA Regional TV.
14:09Best Public Service program ang Kapuso Mo, Jessica Soho.
14:14Ang Family Feud Philippines, kinilalang Best Entertainment Program.
14:18Best TV special naman ang Broken Roads, Broken Promises.
14:21Best Adult Educational Slash Cultural Program ang Siyensikat, Pinoy Popular Science para sa lahat ng DOS TV at Double B
14:31sa GTV.
14:32Nakatanggap naman ang special citation ng Bubble Gang para sa Best Comedy Program.
14:37May special citation din ang I Listen with Cara David sa Best Talk Show at Expert Talk ng DOS TV
14:44at Double B sa GTV sa kategoryang Best Children and Youth Program.
14:48Tumanggap din ng special citation sa Best TV special, ang Produksyon o Prodiksyon ng Jesuit Communications Foundation at GMA na
15:00ganito tayo kapuso at yakap pagninilay sa mga turo ng simbahan.
15:0730 days na lang, Pasko na.
15:10Enjoy ang mga estudyante ng De La Salle University sa immersive Christmas display at rides ng kanilang campus.
15:16Pinoksa na rin ang Noel Bazar sa Pasay City.
15:19May report si Rafi Tima.
15:24Di lang ramdamang Pasko, dadalin ka pa sa ibang mundo ng Christmas display sa Lalo, Cagayan.
15:29Ibinida nila ang miniature Christmas village of enchanted realms.
15:33Samot sa ring dekorasyon, miniature houses at figurines na koleksyon mula sa loob at labas ng bansa.
15:39At sa pagbubukas ng Christmas display, hindi nawala ang sayawan at tugtugan.
15:433, 2, 1
15:48Merry Christmas for Animo Laza!
15:52Animo Christmas is on!
15:54Nagliwanag ang paligid ng De La Salle University campus sa iba't ibang ilaw at dekorasyon.
15:58Mas nagpaningning ang giant Christmas tree.
16:01Mas exciting dahil ibinalik ang mga rides.
16:03Unahan ang mga estudyante para makasakay sa ferris wheel.
16:06At para ma-experience ang 3D immersive tent.
16:09Relieving the circus experience by making a 3D or a full 3D 360 degrees environment.
16:19This year I'd say it's very unique because number one, the theme is focused on cherishing the inner childhood.
16:27Na siyempre Pasko, it really reminds us a lot of our childhood.
16:31Siyempre Pagpasko, may Noel Bazaar.
16:34Porman lang binuksan niya sa World Trade Center sa Pasay City.
16:37Pandrigalo man o Shopping for Yourself.
16:39Bida sa bazaar ang produkto ng mahigit tatlong daang small businesses.
16:43Mula dami, sapatos, pagkain, accessories, laruan at maraming iba pa.
16:48Siyempre, we always champion the Filipino entrepreneurs and yung mga small businesses.
16:55This is really the spirit and the heart of the event.
16:57Bigay lahat dyan. Para sa ganun, ito ay magawang pera na pangpagawa ng eskwelahan, nagtulay at pakatulong sa kapwa.
17:08Kaya napakaraming pagmamahal ang daladala nitong maliit na booth na ito.
17:14Bukod kay GMA Capuso Foundation Special Advisor at 24 Horas Anchor Mel Tianco,
17:19present sa Ribon Cutting Sina GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gosson Valdez
17:24at mayo si Gosson Bautista, Cut Unlimited Incorporated President and CEO at Noel Bazaar Founder.
17:31Every purchase, it carries a deep meaning.
17:34A portion of that, makakatulong kayo sa ating less fortunate brothers and sisters.
17:40Rafi Tima, GMA News.
17:43At yan ang mga balitang dapat niyong malaman.
17:45Ito ang GMA News.
17:47Walang kinikilingan, walang pinoprotektahan.
17:49Noon at ngayon, serbisyong totoo.
17:51Ako po si Atom Araulio at ito ang State of the Nation.

Recommended