00:02Mayaman o mahirap, sikat o hindi, ay dapat managot sa batas trapiko, lalot kaligtasan at kaayusan ng mga motorista ang
00:09nakasalalay.
00:11Yan ang pinanindigan ng Land Transportation Office o LTO matapos ipatawag at humarap sa kanilang tanggapan ng sikat na vlogger
00:19na si J.O. Ong
00:19matapos itong ma-issuehan ng show cost order dahil sa hindi nito pagsusuot ng helmet habang nagmamaneho ng motor na
00:27ipinose pa sa social media.
00:29Na huwag kayong gagawa ng violation tapos i-vlog ninyo kasi nagiging halimbawa kayo eh, lalong-lalo na yung mga
00:36kabataan na bago pa lang nagmamaneho.
00:39Naunawaan naman ni Ong ang pinaiiral na batas trapiko at tinanggap nito ang kanilang pagkakamali.
00:46Humihingi rin siya ng paumanhin sa kanilang mga taga-suporta at hinihiling nito na huwag tularan ngunit magsilbing aral sa
00:53pagsunod sa batas trapiko.
00:55As I say, do as I say, not as I do because I'm a human too.
01:00Tao lang rin kami, minsan nagkakamali so hindi lahat ng ginagawa namin dapat niyong tularan.
01:05Minsan kung ano yung sinabi namin, natutunan na namin yung isang bagay kaya namin nasasabi sa inyo kung bakit ito
01:12yung dapat ninyong gawin.
01:13Hindi naman nagustuhan ni LTO Chief Marcos Lacanilaw ang pagpopost ni Ong ng impormasyon tungkol sa kanyang pagpunta sa LTO.
01:21Dinagsa kasi ng mga taga-suporta ang opisina, umaasang makikita ang kanilang idolo.
01:27Sa Region 4B kasi, Region 4B ang nag-issue sa kanya which is sa kalapan po ang aming regional office.
01:34Kaya lang sila ho'y nakiusap na pumunta ho ngayon. Kaya lang, okay naman sa amin makipag-usap at mapaliwanag
01:42kung ano yung naging violation niya.
01:45Ipinaliwanag naman ni Ong kung bakit nilang piniling pumunta sa LTO Central Office at hindi sa kalapan kung saan siya
01:51ay pinatatawag.
01:53Wala kami sa Palawan ngayon. So kami ay nasa Ilocosur. Kasalukuyan kami nasa Ilocosur.
01:58Naglilibot kami ng Pilipinas na handahan as long as okay kami sa isang era, stay lang kami doon.
02:04So nung nangyari yung ganitong sitwasyon, mas malayo kami sa Palawan kesa dito sa Diliman.
02:11Makikipagtulungan naman si Ong sa mga otoridad kasunod ng kanyang 90-day preventive suspension matapos niyang isurrender ang kanyang lisensya
02:18habang gumugulong pa ang investigasyon.
02:20Samantala, isa na namang vlogger ang inisyuhan ng show cost order matapos mag-viral ang video na nagmomotor ng nakatayo
02:29at walang helmet na maituturing na paglabag sa tamang posisyon ng pagmamaneho.
02:34Dadaan din ang vlogger sa due process at pananaguti ng LTO sa anumang pulisiyang nilabag nito.
02:40Lagi namang paalala ng LTO sa lahat ng gumagamit ng kalsada na maging responsable at sumunod sa batas trapiko para
02:49sa kaligtasan ng bawat isa.
02:52J.M. Thompson
02:53Para sa Bayan
Comments