00:01Bilang karagdagang suporta sa mga alagad ng sining, formal na binuksan sa publiko ang likhang Filipino theaters sa lungsod ng
00:09Pasay upang magsilbing plataporma para ipakita ang talento, obra at malikhaing kwento ng Pilipino sa buong mundo.
00:18Pinasinayaan ni na Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta Marcos ang seremonya, kabilang ang dating unang
00:25ginang Imelda R. Marcos at ilang opisyal ng pamahalaan at pribadong sektor.
00:31Matatandaan sa unang State of the Nation Address o Sona ng Pangulo noong 2022, ipinahayag niya ang kahalagahan sa paghubog
00:38sa talento, pagsuporta at pagprotekta sa kapakanan ng mga malikhaing manggagawa, partikular ang mga freelance artists.
00:46Binigyang diin ni Marcos ang importansya ng pagdibigay sa mga kababayan ng espasyo at oportunidad na ipamalas ang kanilang ideya
00:54at talento.
00:56Binubuo ng halos 280 upuan ng teatro na matatagpuan sa loob ng Likhang Filipino Creative Lab.
01:03Isang pook na bukas para sa lahat ng gustong magtanghal kung saan hindi kinakailangan ng malaking espasyo at magastos na
01:10produksyon para sa isang engrandeng teatro.
01:13Kaugnay nito na ibabahagi ang Likhang Pinoy sa mga kalapit na bansa dahil sa pamumuno ng Pilipinas sa ASEAN ngayong
01:21taon na inaasahang magpapalakas din sa trabaho at kalakalan.
01:25Nasa ilalim ng pangangalaga ng Department of Trade and Industry, Center for International Trade Expositions and Missions o DTI-CITEM
01:35ang naturang tanghalan.
01:36Katuwang ang mga tanggapan ng Pangulo at Unang Ginang.
01:40Azi Roberto, Para sa Bayan.